CHAPTER 25

1.1K 15 0
                                    


"Goodmorning, Ma'am Lyka," ngiting bati sa'kin ni Tala ng makababa ako ng dining.

Si Tala ay personal maid ko hinire siya ni Arthur, dalawang araw pagkatapos ng kasal namin  para daw may kasama ako sa bahay kapag wala siya.

"Goodmorning din," balik kong bati sa kaniya.

Mabait si Tala,  she is 19 years old at tumigil na siya sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Bilib nga ako sa batang ito, siya na ang bumubuhay sa pamilya niya habang nagpapa-aral siya ng iba pa niyang mga kapatid.

Hindi ko mapigilang malungkot dahil sa kwento ng buhay niya, hindi ko akalaing may batang naghihirap ngayon at nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral habang ako noon ay pinapairal lang ang katamaran.

Lumapit na ako sa lamesa para kumain pero napakunot-noo naman ako ng makita kong ano ang nakahain roon. Sunny side up egg, wheat bread, saging, mansanas, pakwan at isang basong gatas. Bakit ganito?

"Tala, bakit ganito ang agahan ko?" Nagtataka kong tanong.

"Ang sabi po ni Sir Arthur dapat daw po masusustansyang pagkain daw po ang ihanda para sa iyo, para healthy ang baby nyo." Paliwanag nito.

Napasapo na lang ako sa sariling noo dahil sa mga sinasabi nito,seryoso ba si Arthur rito?  Naiintindihan ko na concern siya sa baby pero parang nakakasawa na 'yong puro gulay at prutas na lang 'yong pinapakain niya sa akin, gusto ko namang maiba.

"Tanggalin mo 'yan." Maawtoridad kong utos ko kay Tala.

" P-po?"

"Tala, buntis ako hindi ako nagdediet," usal ko.

Nakakabadtrip naman ang aga-aga, isang buwan ko ng pinagbibigyan si Nicollo sa mga pagkaing gusto niyang ipakain sa akin pero paano naman 'yong gusto ko.

"Pero Ma'a-"

"Bilis na Tala, wala ng pero-pero."

Hindi na nakipagtalo si Tala sa akin at niligpit na lang ang mga pagkain. Sa ngayon,lahat ng pagkaing gusto kong kainin ay bibilhin ko,  wala naman si Arthur kaya walang magbabawal sa akin..

Papunta kami ngayon sa bayan para bumili ng jollibee. Nong una ay nakipagtalo sa akin si Tala, baka daw kasi malaman ni Arthur at mapagalitan siya. Lagi daw kasi nitong binibilin na huwag akong pakainin ng mga karne pero dahil 'yon ang gusto ng panlasa ko ngayon wala silang magagawa.

Masyado ng  OA si Arthur pagdating sa mga kinakain ko, akala niya siya 'yong buntis, e wala naman siyang alam pagdating sa paglilihi.

Pagdating namin ng Jollibee ay si Tala na ang nag-order ng kakainin namin habang ako naman ay nanatili lang sa loob ng kotse dahil ang init sa labas. Ilang minuto lang ay nakalabas na ito at bitbit ang biniling Jollibee, mukhang mapapacraving satisfied ako ngayon ha.

Pagkatapos sa Jollibee ay naisipan ni Manong Pepe, ang driver namin  na dumaan muna sa palengke dahil meron daw siyang bibilhin na bombilya. Habang naghihintay kami sa pagbalik ni Manong, nahagip naman agad ng dalawang mata ko ang isang lalaki sa kabilang kalsada na naglalako ng taho.

"Tala, gusto ko ng taho." Wika ko sa kaniya.

Hindi ko na hinintay ang sagot nito at nagmadali na akong bumaba ng kotse. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwang kalsada kong may paparating na sasakyan at nong wala naman ay tumawid na ako.

"Ma'am Lyka?" Rinig ko pang tawag ni Tala pero hindi ko na pinansin,.

Madaming tao sa paligid at nagsisiksikan na kaya hindi ko agad magawang makalapit kay Manong tindero, kaya naman nong lumawag na ay mabilis akong tumakbo para habulin si Manong pero may nabangga ako na isang bata  dahilan para matumba ito.

Nong mga oras na iyon ay gusto ko ng habulin 'yong tindero pero mukhang kailangan kong tulungan 'yong bata.

"Sorry, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya at agad ko siyang tinulungan tumayo.

Tantiya ko ay nasa ika-apat na taong gulang na ang bata, halatang pulubi iyon dahil sa marumi at punit nitong damit samahan pa ng gusgusin na mukha.

"Ayos lang po ako." Sagot nito saka mabilis na tumakbo.

Nang makaalis na ang bata ay muli kong ibinaling ang tingin sa direksiyon nong tindero pero wala na iyon doon, sayang naman hindi ako nakabili ng taho.

Dahil nga hindi ko na naabutan 'yong taho ay bumalik na lang ako ng sasakyan pero laking gulat ko na wala na rin sila doon.

Nasaan na sila?

Hindi ko naman ito matawagan dahil naiwanan ko 'yong phone sa kotse, paano na ako uuwi ngayon nito?

Nakapamewang ako habang palinga-linga sa paligid, nagbabakasakali kasi akong makita sila Tala dahil panigurado ay hinahanap na ako ng mga 'yon.

"Naliligaw ka ba Miss?" Tanong nito sa malalim na boses.

Agad ko naman iyong nilingon hanggang sa bumungad sa akin ang isang lalaking malaki ang pangangatawan, sa tingin ko ay nasa 5'8 ang height nito, mahaba ang buhok at nakasuot lang ng sando habang punong-puno ng tatoo ang buong katawan.

Para ng adik e.

Patuloy lang ito sa pagsasalita pero hindi ko siya pinapansin, hayaan mo siyang maging tanga diyan, I don't talk to stranger eh.

Nabigla na lang ako ng hinawakan na nito ang palapulsuhan ko.

"Ano ba bitawan mo ako!" Naiinis kong sabi habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito.

"Para na akong tanga na nagsasalita rito kanina pa pero hindi mo ako pinapansin,gusto mo ata 'yong nilalambing ka pa eh."

Kadiri, kahit sinong babae ay hindi gugustuhing lambingin ng isang impaktong kagaya niya,palibahasa malaki ang katawan kaya ang lakas ng loob pero hinding-hindi ako matatakot sa kaniya.

"Sabing bitawan mo ako e!Bingi ka ba o hindi ka lang makaintindi!" Bulyaw ko rito.

Tanging ngisi lang ang itinugon nito sa akin bago marahang hinaplos ang braso ko.

"Ang lambot ng kamay mo ta's ang kinis ng balat mo, alam mo bang 'yan ang gusto ko sa babae."

Abah,bastos pala 'tong gagong to e! Dahil sa inis ay mabilis kong hinila ang kamay ko saka ko naman siya malakas na sinampal.

Malakas ang pagkakasampal ko sa kaniya kaya nakita ko kong paano namula ang pisngi nito.  Buti nga,akmang aalis na ako ng bigla ako nitong marahas na hinawakan sa braso, sa sobrang higpit no'n ay napangiwi ako sa sakit.

"Sa buong buhay ko, wala pang naglakas-loob na sampalin ako. Mas matapang ka pa pala sa inaakala ko," iritableng usal niya  habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin.

Nong nga oras na iyon ay hindi ako nakaramdam ng takot, sakit baka pwede pa. Sobrang higpit ang pagkakahawak nito sa akin at pakiramdam ko ay magsusugat na iyon.

"Let her go!"

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now