CHAPTER 18

1.2K 20 0
                                    

Nang makalapit na ako sa pwesto nila Rica ay saka ko nakumpirmang si Arthur nga iyon, akala ko nong una ay namamalik-mata lang ako at hindi ko akalaing nandito na ako ngayon sa harap niya.

Mataman kong tiningnan ang maamo nito mukha habang tulog na tulog, walang nagbago siya pa rin 'yong Arthur na minahal ko noon.

Habang seryoso lang akong nakatingin sa kaniya ay muling bumalik ang sakit sa puso ko, lalo na 'yong mga masasakit na salitang binitawan niya bago ako umalis.

Your leaving? Good for you, sana hindi na tayo muling magkita

Parang sinasaksak ang puso ko habang nagpaflashback sa utak ko ang mga salitang iyon, lahat ginawa ko para lang umiwas pero hindi ko na kasalanan ko muli na naman tayong pinagtatagpo.

Napasinghap ako ng makaramdam ng paninikip ng dibdib, huminga muna ako ng malalim bago ko ibinaling ang tingin kay Rica.

"Ano na naman ito,Fredirico?" Iritable kong wika.

Kakarating ko lang pero sakit agad ng ulo ang binibigay niya sa akin, sobra na 'to!

"Nyeta ka, Malamang boy's night out, hindi ko naman kasi alam na marami pala silang nainom kaya ayon knock-out."

"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ko rito.

Napabaling ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon, pareho itong lasing na lasing at hindi ko alam kong may balak pa bang umuwi ang mga ito.

Agad namang napalipat ang tingin ko sa katabi ni Arthur, sino naman ito?

"Sino siya?" Nagtataka kong tanong.

"My cousin, si Kuya Xian, Magkaibigan sila ni Sir Arthur since Highschool and by the way siya 'yong mapapangasawa ng ate mo."

Dahil ng slow ako ay hindi agad naproseso sa utak ko ang sinabi nito.

Well, hindi na rin masama akala ko talaga tatanda ng dalaga ang ate ko pero hindi ko alam na magaling pala siyang pumili ng lalaki.

"Bes, iuuwi ko na si Kuya Xian at ikaw na ang bahala kay Sir Arthur? "

Gulat na gulat ang mukha ko dahil sa sinabi ni Rica, seryoso ba siya do'n?

"Nababaliw ka na ba? May girlfriend 'yan, bakit hindi mo siya ipasundo kay Ms. Chelsea," suhestiyon ko.

Hindi naman ako 'yong nagpakalasing pero bakit ako 'yong namomoblema kong paano siya iuwi ngayon, jusko naman.

"Kong alam ko lang ang number, wala ka ngayon rito." Pagbara nito sa akin.

"Fucking shit! Eh, Hindi ko alam ang bahay niya,"

"Edi sa hotel mo siya dalhin, Gaga! basta ikaw na ang bahala sa kaniya.Enjoy"  Sabay kindat ng bakla.

Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa inis, puro sakit lang talaga ng ulo ang laging binibigay sa akin ng kaibigan ko, kong alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hindi na ako umuwi.

Umalis na sila Rica at naiwanan naman kami ni Arthur. napabaling ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nahihimbing na ang pagtulog.

Dahil nga hindi ko alam ang bahay niya ay nagdesisyon na lang akong dalhin siya sa Hotel, okay na rin iyon kesa iwan ko siya dito. Mamaya baka ano pa mangyari sa kaniya, edi kargo konsensiya ko pa siya.

"Arthur? Gising," mahinang usal ko dito.

Marahan kong tinapik ang pisngi nito para magising saka dahan-dahan naman nitong iminulat ang mga mata.

"hmm..S-sino ka?" Kunot-noo niyang tanong.

Hindi ko na siya sinagot at agad ko na siyang pinatayo, sa loob ng tatlong taon ay walang nagbago sa kaniya. Nanatili pa ring matikas ang pangangatawan nito at malakas pa din ang karisma para ngang hindi siya tumatanda e.

Inilagay ko ang kanang braso nito sa balikat ko saka ko naman hinawakan ang bewang niya para maalalayan ko siya ng maayos, hindi simple 'tong ginagawa ko lalo na't may kabigatan siya ng kaunti at hindi ko din alam kong hanggang saan ang kaya para maalalayan siya baka kasi mamaya pareho kaming matumba.

Habang naglalakad kami palabas ng bar ay pagewang-gewang ang lakad nito, nahihirapan din akong alalayan siya lalo na't malikot siya ng kaunti.

Dumating na rin sa puntong natumba na kami, bumagsak at tumama sa semento ang siko ko habang si Arthur naman ay naglumpasay sa kalsada.

Nakaramdam ako ng pananakit banda sa siko dahil sa malakas na pagtama no'n sa semento, hindi ko na lang 'iyon pinansin at agad na dinaluhan si Arthur.

"Bumangon ka na diyan uuwi na tayo, makisama ka naman." Saad ko rito.

Nang makarating ng hotel ay agad ko siyang binagsak sa kama, pakiramdam ko mababali 'yong likod ko dahil sa bigat niya.

Bago ako umalis ay tinanggal ko muna ang pagkabutones ng polo nito sapat lang para mapasukan iyon ng hangin at matanggal ang init sa katawan nito. Sunod kong ginawa ay kumuha ng bimpo, binasa ko iyon sa malamig na tubig saka ipinunas sa kaniya. Tinanggal ko din ang suot niyang sapatos at maayos na nilagay sa gilid.

Nakakapagod palang mag-alaga ng lasing, ni minsan ay hindi ko pinangarap na gawin ito pero ginawa ko alang-alang sa lalaking hanggang ngayon ay minamahal ko.

Kinumutan ko na ito bago ko isa-isang pinatay ang mga ilaw, muli ko siyang binalingan ng tingin bago umalis pero ng ihakbang ko na ang mga paa ay bigla ako nitong hinawakan.

"Mom, dont leave me." Mahina niyang saad.

Nilingon ko ito bago ko nakita ang isang butil na luha mula sa mga mata nito, marahan kong hinaplos ang kamay niya saka ko ito dahan-dahang tinanggal.

Sa totoo lang ay bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa tinuran niya, 'yan ang mga salitang binitawan ko no'n ng iwan kami ni Papa. Mas pinili niyang sumama sa kabet niya kesa piliin kaming mga anak niya, ilang years na din ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.

"Matulog ka na, Mom did'nt leave you, Im always beside you." Usal ko.

Yumuko ako para punasan ang luha nito saka naman niya iminulat ang mga mata, nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa at nagsimula muling tumibok ng mabilis ang puso ko.

" You're here."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant