CHAPTER 24

1.1K 13 0
                                    

Tatlong buwan na akong buntis at healthy naman si baby, isang beses sa isang linggo ko binibisita ang ob-gyne ko para masiguradong laging safe ang anak ko.

Sa kabila ng stress at problemang pinagdadaanan ko nanatili pa rin akong nagpapakatatag para kay baby, gusto kong maging matapang para sa kaniya.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong ni ate habang nagvivideocall kaming dalawa.

Tumango naman ako sa kaniya sabay ngiti.

"Ayos lang ako rito, sila Mama? Kamusta sila diyan?" Tanong ko.

Namimiss ko na sila, minsan nga patago ko silang binibisita nila Kuya. Dahil nga sa nangyari ay nilihim namin ni ate ito sa kanila at pinalabas nitong nasa Canada ako at nagtatrabaho,paminsan-minsan ay nakikipag-videocall sa akin si Ate para kamustahin ako at laging okay lang ang sagot ko sa kaniya kahit hindi naman.

"They are okay, Lyka . Ngapala may kailangan lang akong gawin, tawagan na lang kita later, bye."

Nagpaalam na ito sa akin bago ibinaba ang tawag, boring na boring na ako dito sa loob ng mansiyon at gusto ko namang makalanghap ng fresh air.

Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho si Arthur, kaya sumubok akong pumunta sa kwarto niya para yayain itong mamasyal sa labas.

Pagkarating ko sa labas ng kwarto nito ay tatlong beses akong kumatok sa pinto bago niya ako pinagbuksan.

"Why?"  Saad nito.

"Samahan mo naman akong mamasyal sa lab-"

"I'm busy!"

Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niya akong bagsakan ng pinto, bumuntong-hininga na lang ako habang pinipigilan ang paghikbi.

Isang pangarap na lang sigurong mahalin niya ako pabalik, ang sikip at ang hirap huminga. Bakit kasi pilit kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa isang kagaya niya.

Naglakad ako mag-isa sa labas ng bahay para kahit papano ay makapaglibang,  naalala ko rin ang sinabi sa akin ng ob-gyn ko na dapat daw may exercise ako sa katawan para kong sakaling dumating na ang kabuwanan ko ay hindi ako mahihirapang manganak.

Habang naglalakad ako mag-isa ay hindi ko mapigilang magmuni-muni sa paligid, tahimik itong village at mukhang mayaman ang mga taong nakatira dito. Ang lalaki kasi ng mga bahay na nakikita ko at magagara pa, ni minsan hindi talaga sumagi sa isipan kong tumira sa ganito kagandang mansiyon.

Matapos ang ilang oras na paglalakad ay bumalik na ako ng bahay, magdidilim na din kasi at sakto namang gutom na gutom na ako.

Pagkarating ko ng sala ay doon nakatambay si Arthur habang may kausap na lalaki, bago iyon sa paningin ko at base sa postora nito ay isa iyong Attorney.

"I want to make things clear, Attorney  Madrigal, As a professional professor kailangan ko ng isang temporary wedding  na magpapatunay na kasal kami bago siya mabuntis, hindi naman siguro makakaapekto 'yon sa propesiyon ko?" Rinig kong tanong ni Arthur.

"Ofcourse not, Mr. Buenaventura as long as  may maipapakita kang wedding certificate."

Naiintindihan ko ang gustong ipahiwatig ni Arthur, bilang isang guro mayroon silang rules na sinusunod bilang isang magandang halimbawa para sa kanilang mga estudyante at panget namang tingnan na as a professor magkasama kami sa bahay na hindi kasal lalo na't buntis pa ako. Kapag nalaman 'yan ng principal ay paniguradong matatanggal sya sa trabaho.

Sa kagustuhan ni Arthur na maingatan ang propesiyon ay ikinasal kami sa Attorney Ng mismong araw na iyon. Valid naman daw ang wedding na iyon as long as mayroon kaming witness na magpapatunay na ikinasal nga talaga kami at 'yon ay ang isa nitong kapitbahay.

Masyado ng mabilis ang mga nangyayari at hindi agad maproseso ng utak ko na isa na akong Mrs. Buenaventura ngayon.

Dahil sa tuwa ay masaya ko iyong ibinalita sa kaibigan pero dahil nga hindi mauuto si Rica ay hirap na hirap itong paniwalaan ang mga sinasabi ko.

"Nag-aassume ka na naman, Sis. Tandaan expectation can hurt you more." Usal nito.

Inirapan ko ito kahit sa camera lang kami nag-uusap kahit ako ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, 'yong mga bagay na pinapangarap ko noon ay unti-unti ng natutupad ngayon.

"Hindi nga ako nagbibiro, kahit maghiwalay pa kayo ni Hiro"

Biglang sumama ang timpla ng mukha nito dahil sa sinabi ko, jusko mahal na mahal talaga.

Sa tuwing naiisip ko 'yong kasalang nangyari kahapon ay tumatalon 'yong puso ko sa tuwa. Alam ko namang temporary lang 'yon at pwede iyong matapos ano mang oras pero nakahanda na 'yong sarili kong masaktan muli, wala e hinayaan ko na naman 'yong sarili kong pumasok sa isang larong walang kasiguradohan ang panalo.

"Sige na, ikaw na si Mrs. Buenaventura. So,Congratulations, masaya ka na?"

"Sobra." Natatawa kong sambit.

Natawa na lang din si Rica sa kabilang linya, akala ata nito ay nakikipagbiruan ako sa kaniya. Darating din ang araw na maipapakita ko sa kaniya 'yong wedding certificate na 'yon pero hindi mo na sa ngayon lalo na't hawak iyon ni Arthur.

Miss na miss ko na si Rica kaya nagawa kong makipag-asaran dito kahit nakavideocall lang kaming dalawa, ilang saglit pa ay narinig kong bumukas ang pinto kaya agad ko iyong binalingan ng tingin.

"Hoy babaeng burara, 'yong undies mo nakahalo sa damitan ko." Pagrereklamo nito.

Nanlaki ang mga mata ko ng hawak-hawak nito 'yong underwear ko habang pinapaikot niya ito sa daliri niya. Mabilis akong tumayo at agad 'yong inagaw sa kaniya, pucha! Nakakahiya!

" S-sorry, nagtupi kasi ako nong mga damit nong n-nakaraang araw b-baka naihalo k-ko lang." Nauutal kong wika.

Umiwas ako ng tingin rito dahil sa kahihiyan, jusko naman Lyka!

"Really huh? Don't attempt to seduce me again baka maging dalawa 'yan imbes na isa."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now