CHAPTER 15

1.2K 17 0
                                    

"Okay class, time is up."  Wika ni Sir Art.

Tapos na ang intramurals kaya balik klase na, ngayon ang final examination namin para sa last semester ta's bakasyon na, nakapag-review ako kagabi kaya kampante akong maipapasa ko ang exam.

Bilang na lang ang araw na mayroon ako dito sa Pilipinas kaya dapat sulitin ko na ang oras.

Isa-isa naming pinasa ang mga test paper sa unahan kaya nagsimula na ding mag-ingay ang mga kaklase ko.

"Before I end this class, I want to say thank you for everyone. Sa loob ng isang taon ay nagsama-sama tayo and thankyou class for being part of my journey as your Professor. Patuloy niyo lang ang pangarap niyo and everyone goodluck, once again I'am Sir Arthur Buenaventura, singning off as your Professor." Madam-daming usal nito sa lahat.

Lahat ay nalungkot sa winika nito pero nagawa niya pa ring ngumiti, magfofourth year College na kami at panigurado hindi na siya ang magiging Prof namin. Hindi nga siya magreresign pero mukhang bibihira na lang nila makikita si Sir lalo na't nasa kabilang building ang classroom ng Fourth year.

"Ikaw ba naman ang motivation namin, Sir. Kaya tutuparin ko talaga 'yong pangarap ko." Saad ni Pauline.

Simula ng dumating 'yong Prof na ito, lahat na ng estudyante dito naging maharot. Sino ba naman kasi ang hindi maakit sa ganiyang kagwapong guro, para tuloy siyang greek god sa sobrang perpekto ng mukha.

"Hindi gagana ang kaharutan mo kay Sir, Pauline." Singit naman ni Fredirico.

Lahat kami ay natawa sa tinuran ng kaibigan ko, kahit kailan talaga ay may nasasabi itong baklang 'to kahit hindi naman siya kasali, paepal ba kumbaga.

Mula sa mga kaklase ko ay napabaling ang tingin ko kay Sir Art, masisilayan ko pa kaya ang mala-anghel nitong mukha kong aalis na ako?  Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot, ilang araw ko na lang pala flight ko na.

Tanga na kong tanga pero napag-isipan ko kasi kagabi na magpaalam sa kaniya bago ako tuluyang umalis, alam ko namang wala siyang pakialam pero nagbabakasakali lang ako.

Tumunog na 'yong bell kaya nagpaalam na ito sa amin, ilang minuto pa lang ang nakakalipas bago siya lumabas ng classroom ay agad ko ng sinundan.

"Sir Art?" Tawag ko rito.

Huminto ito sa paglalakad at malamig ang mga titig nitong binalingan ako ng tingin. Tahimik ang hallway at walang masyadong estudyante ang dumadaan kaya naman ginrab ko na ang oras na iyon para magpaalam sa kaniya ng maayos.

"What ?" Iritableng saad nito.

Tanging lakas ng loob lang ang dala ko ng mga oras na iyon kahit sa totoo lang ay nilalalamon na ako ng hiya, dumadating na din ako sa point na na nakakaramdam na ako ng takot, takot na baka makapagbitaw uli siya ng masasakit na salita na sobra kong ikadurog.

"Pwede po ba tayong mag-usa-"

"We are already talking Ms. Valderama
." Malamig na tugon nito.

Ramdam ko ang pagka-disgusto nitong maka-usap ako at alam ko ding napipilitan lang siya, pangako magpapaalam lang ako at pagkatapos nito ay tuluyan ko na siyang buburahin sa buhay ko.

"Sir, ano po kas-"

"Just 30 seconds, You're timer start's now."

Bumuntong-hininga muna ako para  masabi ko ng maayos ang gusto kong sabihin at pagkatapos no'n ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Thankyou po kasi naging inspirasyon kita sa loob ng isang taon, nag-sipag po ako mag-aral dahil sa inyo at konti na lang ay makakapagtapos na ako."

"15 seconds. "

"Alam ko pong nakaroon tayo ng misunderstanding at gusto ko pong humingi ng sorry sa inyo, inaadmit kong nagkamali po ako sa part na 'yon pero sana naman po-"

"5 seconds."

Takte! Ang bilis,hindi tuloy ako makapag concentrate. Sa totoo lang nong mga oras na iyon ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko, masyado na akong nagpapadala sa emosyon at ayaw kong ipakita sa kaniya na sobra akong apektado sa pagtatapos nitong School year.

"Gusto ko rin po sanang sabihin bago ako umalis papuntang Qat-"

"Oh, your leaving? Good for you, Ms. Valderama. I hope na hindi na tayo magkita pa."

Parang unti-unting dinurog ang puso ko dahil sa salitang sinabi nito, nagpakumbaba na ako, inadmit ko na 'yong pagkakamali ko pero bakit ganito pa rin 'yong pagtrato niya sa akin.

Expected ko na naman na ang ganitong scenario pero ang tanga ko lang kasi ipinilit ko pa, sa kabila ng masasakit na salita at pambabalewala niya ay hindi mo magawang magtanim ng galit sa kaniya.

Agad ko namang tinakpan ng mga palad ang labi ng maramdaman kong hindi ko na kayang pigilan ang paghikbi at nong mga oras na 'yon ay tuluyan na akong humangulgol.

Sobrang nakakabaliw ang magmahal pero mas nakakabaliw ang masaktan.

"Natapos na ang lahat,
Nandito pa rin ako.
Heto't nakatulala,
Sa mundo, sa mundo." panimula ko ng kanta..

Ang ending ng sakit na pinasok ko ay nauwi sa karaoke bar, gusto kong magwala dahil sa sakit at gusto ko ng makalimot. Dahil sa nangyari ay mas naging desidido pa akong umalis at iwan ang Pilipinas.

"Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita,
Ang mga pangarap ko
Para sa 'yo, para sa 'yo."

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang hindi ko iniinda 'yong sakit na nararamdaman ko.

"Oh-oh-oh-oh
Hindi ko maisip kung wala ka
Oh-oh-oh-oh
Sa buhay ko."

Sa bawat lyrics ng kantang binibigkas ko ay mas dumoble 'yong sakit at sa bawat pagpatak ng mga luha ko, kasabay no'n ang pagbagsak ng mikropono.

Nag-echo ang tunong no'n sa loob ng karaoke room habang ako naman ay bumagsak na umupo sa sahig.

"Lyka, tama na." Pag-aalma nito sa akin.

"Nagmahal lang naman ako diba? Bakit ang sakit-sakit, Rica? Bakit ang sakit niyang mahalin."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now