CHAPTER 38

1.1K 16 0
                                    

Patuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko ngayon, hindi maproseso ng utak ko lahat ng mga sinasabi ni Ms. Chelsea.

Paanong tumanggi si Arthur na makipag-divorce sa akin kong una pa lang naman ay siya na ang may gusto no'n.

Gulong-gulo ako at gusto kong komprontahin si Arthur ngayon mismo, gusto kong tanungin kong bakit niya ginawa ang bagay na iyon kahit na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na hindi niya ako matutunang mahalin.

Napatigil naman ako sa pagmuni-muni dahil biglang nagvibrate ang phone ko, kinuha ko iyon sa bulsa at agad na sinagot ng makita ang caller id ni Arthur.

"Hello," saad ko.

"Where are you?" Malamig na tanong nito.

Palinga-linga ako sa paligid at nanatiling tahimik, hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kaniya lalo na't kahit ako ay hindi ko alam ang kinaroroonan ko ngayon.

"Umuwi ka na, we need to talk."

Hindi na ako nito hinintay pang sumagot bago niya ibinaba ang tawag, ano na naman kaya ang problema ng lalaking 'yon?
Gaano ba kaimportante ang pag-uusapan namin at kailangan ko pang umuwi, tumawag na rin naman siya eh bakit hindi na lang niya sabihin kong ano 'yon.

Minamadali akong pinapauwi ni Arthur kaya kahit sa text ay tinatadtad ako nito ng mga message, hindi ko alam kong ano ang pag-uusapan naming dalawa pero kinukutuban na ako ng hindi maganda.

Habang nasa loob ako ng taxi ay nagsisimula ng manlamig ang mga kamay ko at nakakaramdam na din ako ng kaba, boses pa lang niya kanina ay alam kong hindi na maganda ang timpla ng mood nito.

Pagkarating ko ng mansiyon ay bumungad agad sa akin ang madilim na awra ni Arthur, nakapamewang ito habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin.

"What is is this?" Sambit nito bago itinapon sa itaas ng lamesa ang isang supot ng gamot.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita iyon, 'yong gamot ko sa sakit  paano niya iyon nahanap? Bago ako umalis ng bahay ay sinigurado kong nakatago iyon sa lugar kong saan hindi niya 'iyon makikita pero bakit ngayon ay hawak-hawak niya na.

"I-it's just a v-vitamins, Arthur. Nireseta 'yan sa akin ng OB ko para daw healthy si baby 'pag labas."  Pagsisinungaling ko sa kaniya.

"I didn't know that you're good in lying, kailangan ko pa bang kausapin ang OB mo para lang magsabi ka ng totoo,"

Iyong kabang naramdaman ko kanina ay mas lalo pang dumoble, hindi ko na alam kong ano pa ang pwede kong irason kay Arthur, mapanindigan lang ang kasinungalingang matagal ko ng itinatago.

"Ang kulit mo, Im not lying, Vitamins nga lang 'yan."

"That is not a vitamins, Lyka. That is Digoxin, a medicine for the person that have a heart disease. Iniinom 'yan para maging normal ang pagtibok ng puso nila and now tell me the truth, may sakit ka ba?" Tumaas na ang boses nito.

Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga salitang sinabi nito, natuklasan na ni Arthur 'yong totoo at blangko na ang utak ko para mag-isip pa ng dahilan. Dahan-dahan itong lumapit sa akin habang nagsisimulang magbagsakan ang mga luha nito.

Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at pilit na pinipigilan ang paghikbi.

"Just tell me the truth, Lyka." Namamaos niyang wika.

Mariin kong ipinikit ang mga mata bago tumango, nalaman niya na ang totoo at wala na akong maisip na rason para lang itanggi iyon.

"Damn it! You're sick but you did not bother to tell me! I am you're husband, Lyka!"

"Kapag ba sinabi ko 'yong totoo mawawala 'yong sakit ko? Baka nga mas pipiliin mo pang ipa-abort 'yong baby gaya ng gusto nilang lahat." Sigaw ko rito.

Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan na akong napaluha, narinig ko kong paano humangolgol ng iyak si Arthur at nong mga oras na 'yon ay para gusto ko ng takpan ang magkabila kong tenga.  Sobrang sakit na nakikita ko siyang nagkakaganito dahil lang sa akin, hindi man niya maamin pero alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

Dala ng sakit ay napatakip ako ng bibig gamit ang mga palad ng makita kong paano magwala si Arthur nong mga oras na iyon, lahat ng gamit na makita niya ay pinagtatapon nito kasunod no'n ay malakas niyang sinuntok ang center table dahilan para dumugo ang kamay nito.

"A-Art...Arthur, please." Pagpigil ko rito.

"If aborting is the only solution para mabuhay ka, then we have no choice."

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit dahil sa sinabi niya, hindi ko aakalain na pati siya ay sasang-ayon sa gano'ng desisyon pero kahit na anong mangyari ay hindi ko iyon gagawin.

"Simula nong nalaman kong buntis ako ay naging handa na ako sa kong anong pwedeng mangyari sa akin, Arthur. Just save our baby, pleasee." Pagmamakaawa ko rito.

Nagawa ko pang lumuhod sa harap nito para lang magmakaawa sa kaniya, hinding-hindi ko kakayanin kong sakaling mawawala sa akin ang anak ko at kong kailangan kong mamatay para lang mabuhay siya ay isasakrispisyo ko na ang buhay na ito.

"Like what I said before, I can't afford to lose you, Lyka and no matter what happened I will still choose you."

Iyon lang ang huli niyang winika bago tuluyang umalis, hindi ko matanggap ang naging sagot sa akin ni Arthur at unti-unti ay para akong pinapatay no'n  sa tuwing iniisip kong mawawala sa akin ang anak ko.

Isa lang akong ina na nangangarap na magkaroon ng anak na maalagaan at magagabayan ko hanggang sa kaniyang paglaki pero bakit kinokontra iyon ng tadhana.

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa makaramdam ako ng hirap sa panghiga at paninikip ng dibdib, nagawa ko pang tawagin si Tala pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko.

Dahan-dahan akong tumayo pero gano'n na lang ang gulat ko ng makita ang isang pulang likido na dumadaloy sa hita ko.

Ang anak ko!

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now