CHAPTER 28

1.1K 11 0
                                    

Sa totoo lang hindi ko talaga agad siya nakilala,ang laki kasi ng pinagbago niya ibang-iba sa dating badboy na Lester na nakilala ko. Mas lalong nakadagdag pogi 'yong awra niya ngayon pero hindi nandiyan pa rin 'yong ahit sa kilay nito at ang kaniyang itim na hikaw.

"Ang laki ng pinagbago mo, lakas makaglow-up yan." Natatawa kong wika.

Nakita ko kong paano gumuhit ang mga ngiti nito sa labi na mas lalong nagpapogi sa kaniya.

"How are you? After nating mag-usap nong intrams,'di na tayo nagkita hindi tuloy kita nasingil sa utang mo." Saad naman niya.

Hindi ko naman maiwasang mapakunot-noo, anong utang 'yon? Nanghihingi ba siya ng bayad pagkatapos niya akong buhatin ng walang permiso para dalhin lang sa room.

"Utang?Para saan?"

"Before the game you said goodluck at ang sabi ko nga no'n, kapag nanalo kami papayag kang makipag-date sa'kin and then you said yes. Pero bigla ka namang nawala," panimula nito.

Oo nga pala, 'yong date. Biglaan din kasi ang pag-alis ko no'n at hindi ko na rin siya nakita pa,madalang lang ang pagkikita namin ni Lester noon lalo na't nasa kabilang building ang room nila.

"That time I ask Rica about you until nalaman kong pumunta ka na ng Qatar, nakakatawa nga eh kasi naging desidido ako sa date na 'yon kaya nagawa kitang sundan  doon pero ang tanga ko kasi hindi ko man lang alam kong anong address mo." Pilit man ay nagawa pa rin nitong tumawa.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng gulat dahil sa sinabi nito, grabe 'yong effort ni Lester at hindi ko akalaing magagawa niya ang bagay na iyon. As in sino ba naman kasing lalaki ang gagawa ng ganong bagay para lang sa isang date.

"Sorry, Lester. Don't worry dahil nandito na ako babayaran ko na 'yong utang ko sayo." Nakangiti kong usal.

Sumilay ang mga ngiti sa labi nito saka umiling, akala ata niya ay nagbibiro ako. Gaya nga ng sabi ko babayaran ko ang utang ko sa kaniya kaya nagdate kami na dalawa, una niya akong dinala sa skyranch Tagaytay.

Sobrang nakakahanga ang lugar na iyon, sobrang ganda at mula sa kinatatayuan ko ngayon ay tanaw na tanaw ko na ang Taal Volcano,first time kong makapunta rito kaya kumikinang talaga ang  mga mata ko sa pagsusuri ng kapaligiran.

Bigla akong hinila ni Lester para sumakay ng rides, kahit pambata o pang matanda ay pinatos na naming dalawa. Nong mga oras na iyon hindi ko maipaliwanag 'yong sayang nararamdaman ko, napatingin ako sa kanya  na ngayon ay tuwang-tuwa sa mga nangyari

Sa totoo lang ay parang ayaw ko ng umuwi ng bahay, nag-eenjoy na ako kasama siya at alam kong pagkatapos ng saya na ito, kapalit no'n ay lungkot.

Nagdesisyon na kaming umuwi  nong mag-aalas nwebe na ng gabi saka siya nag-insist na ihatid na lang ako. Habang nas kalagitnaan kami ng byahe at tahimik lang kami pareho, masyado kaming nag-enjoy na dalawa kaya unti-unti na akong nakakaramdam ng pagod.

"Rica told me that you're married, is that true?" Tanong nito.

Minsan ang sarap talagang tahiin 'yong bunganga ng baklang 'yon, akala ko ba hindi siya naniniwala ta's ngayon ipinagkakakat pa.

"Ahh, oo." Sagot ko sa kaniya.

Hindi na sumagot si Lester at nanatiling tahimik. Malapit na kami sa bahay ng matanaw ko ang isang nakapamewang na lalaki na nakatayo sa labas ng gate.

Si Arthur.

Nang makahinto ay naunang lumabas si Lester para pagbuksan ako ng pinto, pagkababa ko naman ng sasakyan ay mabilis akong hinila ni Arthur dahilan para mapayakap ako sa kaniya.

"Be careful." Sabi ni Lester ng makitang hinila ako ni Arthur.

"I'am her husband and don't you dare to interfere!" Tiim-bagang nitong saad.

Wala ng nagawa si Lester kaya hinila na ako ni Arthur papasok ng bahay, pagkarating ng sala ay pabagsak nitong binitawan ang kamay ko habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ano ba-"

"Your pregnant, Lyka at gabi na pero nasa labas ka pa rin. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mong idamay ang anak ko sa kapabayaan mo!" Bulyaw nito sa akin.

"Edi ako na 'yong pabayang Ina at ikaw na 'yong perpektong Ama, bakit Arthur? Hindi ba't nong una ay pinagdududahan mo 'yong batang nasa sinapupunan ko ngayon pero makapag-asta ka akala mo talaga totoo 'yong pag-aalala mo, eh pareho naman nating alam na peke 'yon."

Kumulo na 'yong dugo ko kaya hindi ko na napigilan ang sariling sagutin ito, sobra na eh. Wala naman siyang alam kong ano ba talaga ang pinagdadaanan ko, hindi na ito nakasagot kay mas pinili ko na lang umakyat sa taas.

Saglit akong huminto bago ko ito hinarap.

"Willing akong pirmahan 'yong divorce paper pagkadating, pero sana huwag mong kakalimutan na magpaka-ama sa anak mo."

Unti-unti ko ng tinatanggap na wala na talagang mangyayari sa aming dalawa, sapat na 'yong ilang buwan na pagtitiis at mukhang kailangan ko ng tanggapin na hindi na niya ako matutunang mahalin.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now