CHAPTER 22

1.2K 13 0
                                    

Nakatulala ako sa kawalan matapos kong malamang buntis ako, madaming tanong ang pumapasok sa isip ko at isa na doon kong paano ko sasabihin sa pamilya ko 'yong totoo.

Hindi ko inaasahang mabubuntis ako dahil sa isang gabing pagkakamali na iyon,napailing ako saka sinabunutan ang sarili. Gulong-gulo na ako, paano ko ngayon bubuhayin 'yung bata kong sarili ko nga ay hindi ko mabuhay.

Pumasok muli ako sa banyo saka ko kinuha ang blade na nakatago sa loob ng drawer, hindi nila pwedeng malaman na buntis ako dahil pag nagkataon pareho kami ni Arthur na malalagot. Naluluha ang mga mata ko habang tinututukan ang palapulsuhan ng blade, kong 'yong sarili ko nga ay hindi ko kayang mahalin paano pa kaya 'yong bata.

Hindi pa man siya lumalabas sa mundong ito ay alam ko ng hindi siya matatanggap ng ama niya.

Humangolgul ako ng iyak saka ko hiniwa ang palapulsuhan ko, maraming dugo ang lumabas doon habang patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko.

Patawarin mo ako anak, hindi kayang ibigay ni Mama'yong buong pamilya na gusto mo.

Unti-unting nanlabo ang mga mata ko kasunod no'n ay nawalan ako ng malay at bumagsak sa sahig.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka naman bumungad sa akin ang puting kisame, nasaan ako?

"Is she will be okay?" Nag-aalang tanong ni ate.

"Yes, lately mukha siyang stress at isa 'yon siguro sa dahilan kong bakit bigla niyang ginawa ang bagay na iyon. Hindi naman gano'n kadaming dugo ang nawala sa kaniya and for now kailangan niya lang ng pahinga." Sagot nito.

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto sensyales na lumabas na si Doc, naka-confine ako ngayon sa hospital pagkatapos kong pagtangkaang patayin ang sarili, sayang lang talaga dahil hindi pa ako natuluyan.

"A-Ate?" Namamaos kong usal.

Dismayado niya akong tiningnan habang nakapamewang, dahan-dahan akong bumangon ng kama ng magulat ako sa bigla niyang ginawa.

Sinampal ako nito.

"Are you crazy, Lyka? Ano ba talagang problema mo kasi gulong-gulo na ako sa kong ano ba talaga ang nangyayari sa buhay mo. Kapag tinatanong ka lagi mong sinasabi na okay ka lang, pero ano ba 'yong totoo?" Galit na galit niyang sabi.

Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko, sobrang bigat pala sa dibdib kapag lahat ng problema at pag-agam-agam mo ay sinasarili mo.

Wala kasi akong lakas ng loob para magkwento sa kanila, natatakot ako na baka husgahan nila ako dahil paulit-ulit lang akong nagpapakatanga sa isang lalaking may mahal ng iba.

"Sorry, ayaw ko kasing mamoblema kayo sa landas na tinatahak ko-"

"Problema? Ganiyan ba ang iniisip mo na tingin namin sayo? Jusko naman Lyka,Oo tamad ka, nakapagtapos ka ng pag-aaral pero hindi ka nagtatrabaho para lang makatulong sa amin, pero ni minsan ba may narinig kang sinabi namin na problema ka sa pamilya? Si Jaxon at Jexter, kahit na masakit ka sa ulo lahat ng gusto mo binibigay nila, si Mama kahit na nauubos na ang pasensiya sayo pero iniintindi ka pa rin.Kong alam mo lang kong gaano ka namin kamahal pero nagawa mong patayin ang sarili mo para sa anong dahilan? Sa lalaki na alam mong una palang hindi na mapapasayo, hindi mo man lang kami inisip yun!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Ate habang ako naman ay nagpipigil ng hikbi, hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng problemang ginawa ko nandito pa rin sila. Paulit-ulit nila akong pinili kahit sumosobra na 'yong ugali ko.

" Patawarin mo ako ate, natatakot kasi akong sabihin 'yong totoo sa inyo. Ate?..... Buntis ako." Pag-amin ko.

Bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa mga salitang sinambit ko,umiling ito na tila ba hindi makapaniwala  habang ako naman ay patuloy lang sa paghikbi.

Tumango ako ng paulit-ulit para patotohanan iyon, mas minabuti ko na lang na magpakatotoo kay ate nong mga oras na iyon, sobrang bigat na kasi at hindi ko na kinakaya.

"Kaya lang naman ako nagtangkang magpakamatay kasi sobra na 'yong problemang pinapasan ko, tama ka kasi hanggang ngayon pilit ko pa ring minamahal 'yong isang lalaki na hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Natatakot akong hindi ko kayang maging mabuting ina sa batang nasa sinapupunan ko ngayon." Pagpapaliwanag ko.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Ate, kahit papano ay unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas nasabi ko rin sa kaniya 'yong mga bagay na hindi ko magawang sabihin sa kaniya noon.

Nasa labas kami ng bahay ni Arthur ngayon habang pinagpipyestahan ng mga kapitbahay, hindi ko naman alam na gagawa pala siya ng iskandalo ngayon, jusko nakakahiya na 'to!

"Arthur? Lumabas ka diyan!" Sigaw nito.

Jusko day!

Gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan, kahit ano daw ang mangyari ay kailangang panagutan ni Arthur ang batang dinadala ko dahil kung hindi baka daw umabot kami sa demandahan.

Ilang saglit pa at lumabas na si Arthur at mukhang gulat na gulat pa sa mga nangyayari, hindi magandang ideya 'to.

"Mrs. Valonzo? What are you doing here? Nakakahiya, gumagawa ka ng eskandalo dito sa labas ng bahay ko." Iritable nitong sambit.

Ngumisi sa kaniya si Ate Lillianne.

"I think I have to discuss you some important matter, Mr. Buenaventura."

"What is it?"

Nanatili lang akong tahimik sa gilid ng bigla akong tinulak ni Ate kay Arthur, sa sobrang lakas no'n ay napasubsob naman ako sa dibdib ng isa. Nagtataka ang mukha nitong binalingan ako ng tingin.

"That  woman is pregnant and you have to take a responsibility."

Pareho kaming napatingin ni Arthur sa isa't-isa habang bakas sa mukha nito ang gulat, nalagot na nga.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now