Chapter 2

142 5 0
                                    

Lunes ng hapon, ten minutes before five, nasa front desk ng isang condominium sa makati si Gabriela. Nakasuot siya ng puting palda na may print na kulay pink na mga rosas, at puting long sleeve na blusa na nakatupi ang mga manggas hanggang sa siko niya. Nakasuot siya ng kulay pink na ballet flats at may dalang isang higanteng shoulder bag na naglalaman ng ilang children's books na gusto niyang gamitin sa pagtuturo.

Nasa listahan daw ng mga maaaring paakyatin sa building ang pangalan niya kung kayat itinuro ng nakangiting receptionist ang mga elevators at sinabang dumerecho na siya s unit. Nag breathing exercises siya hanggang sa 18th floor, hinagod ang palda at blusa at sinikapan ang ponytail nang huminto siya sa tapat ng unit number 1820.

Pinindot niya ang doorbell at pinigil ang hininga. Hanapin daw niya si Warren Ledesma. Siguro, iyon ang ama ng batang tuturuan niya magbasa. Parang ang gwapo lang ng pangalan nito, Warren. Parang lalaking lalaki, parang makisig. Para kasing pangalan ng isang knight in shining armor. Sir War—

"sorry! Ang bilis nyo naman mag deliver—"

Namilog ang mga mata ni gabriela at tila nalunok niya ang hiningang pinipigilan nang bumukas ang pinto at isang anghel na bumaba sa lupa para magsaboy ng ligaya sa mga kababaihan ang nabungaran niya.

Isang anghel na tumutulo pa ang basang buhok mula sa shower. Hubad ang malapad nitong mga balikat at ang matipuno nitong dibdib. Wala sa sariling sinundan ng nanlalaking mga mata ni Gabriela ang isang patak ng tubig habang naglalandas iyon sa pagitan ng pectoral muscles ng lalaki pababa sa abs nito na parang inukit ng isang iskultor hanggang sa i-absorb iyon ng puting tuwalyang bakabalot sa baywang nito at hawak lang ng kamay na nasa dulo ng isang maskuladong braso.

Mariing pumikit si Gabriela at tumalikod, namumula ang mukha at naninikip ang dibdib. Hihikain yata siya.

"I'm sorry!" sabay nilang bulalas ng lalaki.

"I'm sorry!" ulit nito. "ikaw ba si Gabriela? I'm sorry, I'm sorry."

"pasensya napo," sabi niya na nakakapit sa harapan ng kanyang blusa na para bang natatakot siyang biglang kumawala ang mga butones ng suot niya.

"hindi, okay lang. Akala ko kasi ikaw yung nagde deliver ng pizza. Shit. Pasensya kana. Pumasok kana muna, magbibihis lang ako. Five minutes."

"ahm—"

"five minutes, promise. Pasok kana. Pakisara yang pinto pagpasok mo."

Napakagat labi si Gabriela at mabagal na lumingon. Naabutan niya ang pagmamadali ng lalaki pabalik sa silid marahil nito. Kasing ganda ng harap ang likod nito. Maskulado ang mga balikat, maganda ang hubog ng likod. At sa pagkilos nito, kung paano humapit sa pang upo nito ang tuwalya, gustong tumirik ng mga mata ni Gabriela sa hubog  ng puwit nito.

Pumasok siya at isinara ang pinto. Pakiramdam niya nagbubutil-butil ang pawis sa noo, ilong at upper lip niya. Bumuga siya ng hangin at pinigilan ang sariling alisin ang salamin sa mata para punasan dahil nag-fog yata iyon.

Hindi alam ang gagawin, nanatili siya sa tabi ng pinto at pinagmamasdan ang condo. Malawak iyon, two bedroom at may floor to ceiling windows sa isang banda  na   nagpapakita ng makati skyline. Masculine ang mga kagamitan pero napaka Spartan ng lugar. parang nabili ito ng may ari na fully furnished at hindi man lang maisipang gawing personal.

Napakalinis din. Walang kalat. At least, walang kalat na nagsasaad na may batang hindi marunong magbasa na nakatira sa lugar na iyon.

Hindi kaya nagkamali siya ng pinuntahan?

Napalundag siya nang magbukas nang muli ang pinto ng silid at lumabas si Mr. Fallen Angel. Nakasuot na ito ng cargo shorts at isang T-shirt na nagtatago sa umbok ng mga muscles nito. Gayunpaman,  hindi parin nakagalaw si Gabriela mula sa kinatatayuan. Dahil ngayong hindi na nakalantad ang muscles nito, sa mukha na ng lalaki natuon ang atensyon niya.....

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now