Chapter 30

75 4 0
                                    

30

Walang ganang kumain si Gabriella pero kailangan niyang lagyan ng laman ang kanyang tiyan, kahit man lang sopas. Kaya nakapwesto siya sa dining table, kaharap ang creamy tomato soup part II pero hinahalo halo lang niya iyon hanggang sa parang galing na naman iyon sa ref sa lamig.

Nag ermitanyo mode na naman siya imbis na maghanap ng karamay. Hindi niya masabi sa ina ang nangyari dahil Hindi niya alam ang sasabihin. Awang awa sa sarili, suminghot siya at sumubo ng soup. Kailangan lang niya ng isang malaking crying jag, okay na siya. Saka na niya ikukuwento sa nanay niya.

Napasulyap siya sa front door nang may Kumatok doon pero bagi pa siya makatayo, bumukas na ang pinto at pumasok na si Warren. Maguli ang buhok nito na para bang mayat maya ay Isinuklay nito ang mga daliri laging metikulosyong ayos ng Warren na kilala niya. Medyo namimilog din ang mga mata nito na para bang may kinatatakutan.

Agad siyang tumayi, saglit na nalimutan na galit nga pala sila rito nang maunahan siya ng pag aalala.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Isinara ni warren ang pinto sa likuran nito at nagmamadaling lumapit sa kanya para yakapin siya.

"please," sabi ng lalaki habang nakabaon sa buhok niya ang mukha. "Please, kausapin mo muna ako. Huwag ka munang magalit sakin. Hayaan mo muna akong magpaliwanag."

Umaangat na ang mga braso ni Gabriella para yakapin ang lalaki nang muli niyang ibaba ang mga iyon sa kanyang tagiliran. Uyong news article at ang pagde deny nito sa kanya bilang nobya. Oo nga pala. Gayunpaman, nakadama siya ng kirot sa puso. Ang pathetic niya. Siya na iyong ikinahiya, siya pa ngayon itong nagi guilty na baka nasaktan niya ang lalaki dahil nagalit siya rito

Naging parang tuod si Gabriella habang yakap nito. Dahil sa inis dito at sa inis sa sarili.

Hinaplos ni warren ang kanyang buhoj. Nanginginig ang kamay nito. At mabilis ang tibok ng puso nito sa ilalim ng kanyang tainga.

"Please, will you listen?"

Nagkibit balikat siya at lumayo rito, pero hindi niya ito matingnan. Iginaya siya ng lalaki sa sofa at naupo sila roon. Kinuha nito ang kanyang mga kamay.

"Gabriella," simula nito. "Una, I'm sorrt na nasaktan ka na sinabi ko yun dun sa reporter. I didn't. Mean to hurt you—"

"You didn'tean to hurt me pero you're not sorry na sinabi mo yun?"

"No!" pinisil nito ang kanyang mga kamay at huminga nang malaim. "Hindi ko alam kung ani tayo. Hindi ko alam kung anong relasyon natin. Nung una niya akong tanungin kung sino kasa buhay ko, nag panic ako. Ang gusto ko lang ay i discourage siya na guluhin ka. Gusto kong akin ka lang muna, akin ka lang kahit sandali lang bago ka nila usisain kapag makumpirma nila ang relasyon natin.

"At nung itanong nila kung girlfriend kita? Yung pagkaka no ko? It was a no, don't go after her. No, don't bother her. Kasalanan ko siguro na hindi ko siya itinama pero if telling him that means mawawala sila ng interes sayo just long enough for you to fall in love with me bago ka mabuwisit sa mundong ginagalawan ko, then I'll take it."

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now