Chapter 18

82 5 0
                                    

Naupo siya sa kama sa tabi nito. Ayaw niyang nitawan ang kamay nito habang sa upuan naman sa tabi ng kama namalagi ang mama ni Gabriella. Nagkuwentuhan sila at mayamaya ay dumating narin ang papa ng dalaga galing sa opisina. May mga dala itong pagkain ng may sakit pero inilayo nito sa anak ang mga prutas at mamon dahil bawal kumain si Gabriella. Naka schedule naraw ng alas ocho ng gabi ng surgery nito dahil kailangan nang agapan ang pag-alis sa appendix ng dalaga.

Hawak ni Warren ang kamay ni Gabriella nang dumating ang doktor at hawak niya ang kamay nito nang ipaliwanag sa kanila kung paano ang prosesong gagawin sa operasyon nito. Hinalikan din ni Warren si Gabriella sa noo bago ito dalhin sa OR.

Nagsisimula na siyang magpalakad lakad nang marinig niyang nag uusap ang mag asawa.

"ako na ang uuwi," dabi ni tito. "magdadala na lang ako ng damit para satin dito narin ako manggagaling bukas para pumasok."

Lumapit siya sa mga ito. "pwede naman pong ako na lang muna dito ngayong gabi," pagbubulontaryo niya.

"hindi naman po siguro gigising si Gabriella hanggang bukas kaya hindi po ninyo kailangang mag stay dito ngayon."

"nakakahiya naman sayo, hijo," simula ng mama ni Gabriella.

"wala po iyon. Okay lang po sa akin. Magpahinga napo kayo. Kanina papo kayo rito. Tatawag na lang po ako kapag tapos na ang operasyon."

Nagtinginan muli ang mag asawa. Halatang ayaw ng mga ito na iwan ang anak.

"pwede naman kitang ihatid dito nang maaga bukas bago ako pumasok," sabi ni tito. "hindi pa nga siguro magkakamalay si Gabriella hanggang bukas ng umaga. At least, nandito si Warren."

Sa huli, napapayag niya ang dalawa at nangako siyang tatawag sa oras na may balita na siya. Hinalikan siya ng ina ni Gabriella sa pisngi bago umalis ang mga ito.

Sinulyapan niya ang suot na relo 8:15 pm humigit kumulang isang oras pa. Kinuha ni Warren ang cellphone at nag dial ng isang numero. Tumawag siya sa isang kaibigan at nagpa deliver ng mga bulaklak sa silid ni Gabriella.

Nasa waiting room na siya nang matapos ang operasyon at nakahinga nang maluwag sa unang pagkakataon sa loob ng isat kalahating oras. successful ang operasyon dito. Nagtungo na lamang ito at ililipat na sa recovery room. Agad na tumawag si Warren sa mga magulang ni Gabriella para ibalitang okay na ito at huwag silang mag alala. Nangako ang mama ni Gabriella na maagang darating kinabukasan.

Inabot pa ng ilang oras bah  inilipat si Gabriella sa silid nito. Nang sa wakas ay mahimbing nang natutulog ang dalaga sa sarili nitong kama sa pribado nitong silid, bumuga ng hangin si Warren at naupo sa silya sa tabi ng kama ni Gabriella.

Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Mukha itong anghel. Itinulak niya palayo sa mukha nuto ang ilang hibla ng buhok bago niya ito hinalikan sa noo.

"Good night, Gabriella," bulong niya bago bumalik sa upuan kung saan siya inabutan ng pag uumaga....

IF YOU COULD READ MY HEART حيث تعيش القصص. اكتشف الآن