Chapter 14

82 4 0
                                    

"Parang distracted ka," puna ni Gabriella kay Warren pagdating ng lunes at napaangat ng ulo ang lalaki.

Nakaupo silang dalawa sa kitchen counter. Nakapangalumbaba ang binata habang nakatungo lang sa isang kopya ng 5-MMS at pinag-aaralan ang mga nakasulat at mga larawan sa libro.

"May iniisip lang ako," sabi ni Warren na pilit ba ngumiti.

"Mukhang malalim."

Ikaw at itong weird kong nararamdaman para sayo, at kung paano ko to pipihilin dahil tutor kita at hindi tama ito.

"Okay lang," sabi niya bago muling tumungo sa larawan ni SM.

"Nag-aalala ka ba dito sa lessons mo? Kasi okay naman ang progress mo. Next week baka magbasa na tayo ng mas mahabang libro.

Napangiti siya sa pag-aalala sa tinig ni Gabriella. Iyon eksakto ang dahilan kung bakit siya unti-unting nahuhulogpara dito.  Totoo itong tao at nagpaoakita ng malasakit sa kanya, hindi lamang dahil binabayaran niya ito kundi dahilugali lang talaga nito ang maging maalalahanin.

"Okay lang to, Gabriella. May iba lang talaga akong iniisip." hinila nito palayo sa kanya ang librong sinusubukan niyang basahin.

"Kumusta na pala si Marie?"

"Ayun, si marie pa rin."

Isinira ni Gabriella ang librong hawak. "Baka kaya ka distracted kasi naiinip ka na. Okay lang naman na, eh pwede mo naman siyang ayaing mag date
Pwede kang magpa reserve sa isang restaurant tapos tingnan na lang natin in advance yung menu nila sa internet. Babasahin kona lang oara sayo tapos mamili kana ng gusto mong orderen. That way, kapag nasa resti na kayo, hindi mo na kailangang basahin ang menu."

God,  she was offering to help him date another woman. Sumasakit ang ulo ni warren.

Pero paano nga kung kailangan lang niyang muling ibaling kay marie ang atensyon niya? Sa gayon, hindi siya namimilipit sa guilt sa tuwing naiisip niyang gawan ng kahalayan ang mahinhin, mabini at kagalang galang niyang tutor.

"Know what? Maganda yatang idea yan," sabi niya. "okay lang ba sayo na gawin natin yun?"

Agad tumango ang dalaga at kinuha pa ang tablet nito mula sa bag. "Tawagan mona siya. Itanong mo kung saan niya gustong kumain para makahanap na ako ng menu online."

Kinuha ni Warren ang telepono niya at Pinindot ang munero ni Marie. Alas seis pa lang naman. Hindi masyadong maaga o masyadong late para tumawag.

"Hello?" sagot ng husky nitong tinig na parang boses ni Anna Hathaway.

"Hi Marie, it's Warren Ledesma."

"Oh, hi!" masaya nitong bati. "kumusta kana?"

"okay lang working." tumawa siya at nagtungo kay Gabriella ang kanyang mga mata. Tumango lang ito at sumenyas na magpatuloy siya. "Napanood ko yung episode ng GMM kanina ah. Good one."

"thanks. Pinaghirapan siya ng team," sagot nito.

"uh,  listen. I was wondering kung gusto mong lumabas minsan? I'd like to take you out to dinner."

"dinner? Sure!" mabilis nitong sagot. Hindi alam ni Warren kung bakit hindi siya masyadong excited na pumayag ito. "kailan?"

"friday kung lebre ka."

"I'll make time. Eight o'clock?"

"sure," sabi ni Warren. "do you like Japanese food?"

"i love Japanese food."

Napangiti ang binata. Hindi siya manhid para mahalatang gusto rin siya ni Marie base sa tono nito. "sige susunduin na lang kita ng eight."

"okay I'll text you my address."

"all right. I'll see you Friday."

Nang ibaba niya ng telepono, pinagmamasdan siya ni Gabriella. Mukha itong interesado at naghihintay malaman kung saang restaurant niya gustong dalhin si Marie. Wala man lang kahit na anong pahiwatig na nakakadama ito ng selos o anuman sa pakikipag date niya sa ibang babae.

"pumayag siya," sabi biya.

Tumawa si Gabriella. "narinig kunga. Saan mo siya gustong dalhin?"

"sa greenbelt na lang para malapit saka marami pang mapupuntahan."

Ini unlocked ni Gabriella ang tablet at nagbukas ng internet browser. Nagtungo siya sa isang website at nag hanap ng menu para sa isang Japanese restaurant sa greenbelt 5. Ginawa na rin niyang reading exercise iyon at mabagal na binasa ni warren ang mga pagkain.

Bago ang mga iyon kay Warren kung kayat may ilang beses din siyang nahirapan. Ngayon pa lang niya pinagtangkaang basahin ang beef yakiniku at pork kurobuta......

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now