Chapter 31

84 4 0
                                    

31

Tumingala si Gabriella sa binata, pilit binabasa ang mga mata nito. Husto niyang maniwala, gustong gusto niya, pero nananaig ang pagdududa, Hindi para rito, kundi sa sarili niya. Mukhang galing naman sa puso ang sinasabi nito.

Isa pa, he made sense. He made perfect sense. Dahil kung siya ang nasa katayuan nito, ipagkakait din niya ito sa mga reporters. Pero iyon ay dahil si Warren ang binata at hindi isang geeky English teacher na tutor nito.

Inangat nito ng mga daliri ang kanyang mukha hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. "I love you, yun ang mahalaga. Ibinibigay ko sayo ang puso ko dahil yun lng ang pwede kong ibigay sayo na bubura sa pahat ng pagdududa mo."

Kinuha nito ang kanyang kamay at idinantay sa dibdib nito, sa ibabaw ng pusong malakas at mabilis ang tibok, ang kanyang palad. "I'm not the perfect guy. Paano mangyayari yun ganong kailangan mo akong turuang magbasa? You have a Master's degree and I don't even have a college diploma. I can't even write my name properly yet, but i promise you, i swear to you, if you could read my heart pangalan mo lang ang nakasulat dito."

Kung nananaginip siya, magising. Kung hindi totoo ito, Sana hindi na niya malaman ang katotohanan. Kung niloloko lang siya ng lalaki....

Nanatiling nakatingin sa kanya si warren. Halos hindi na ito huminga sa paghihintay ng isasagot niya. Ano ba ang maari niyang sabihin gayong pangalan din nito ang nakatatak sa puso niya?

"Do you mean what you said?" tanong niya. Hindi niya lubos na napigilan ang pagiging mapanghamon ng kanyang tinig.

"Every word," bulong nito. Ngumiti ito. "Every letter."

Binitawan nito ang kanyang kamay at kinuha ang pad paper na nasa coffee table sa harapan nila sa mesa. Binuklat nito ang pad hanggang sa bahaging wala pang nakasulat at inabot ang isang lapis. Tumungo ito sa mesa at hinarangan ng balikat ang view niya sa papel. Maingat itong nagsulat at Pinagmasdan ni Gabriella ang concentration sa profile nito.

Hindi niya kaagad tiningnan ang papel na hawak ni Warren dahil nakatutok sa mukha nito ang mga mata niya. She loved him. Siguradi na talaga siya. Wala nang bawian.
She loved him and she was going to take him kahit ano pa ang ginagawa nito.

Tumungo ni Warren sa papel at parang hinaplos ang pusi siya. Sa praktisado at maingat na handwriting nito, nakasulat ang dalawang linya.

I LOVE YOU, GABRIELLA.

"Matagal kona tong pina practice. Kung ito lang ang matututunan kong isulat, okay nako. Kasi kahit ito lang ang masabi ko, nasabi ko na ang pinakamahalagang emosyon na nararamdaman ko sa pinakamahalagang babae sa buhay ko."

Iniabot ni Gabriella ang pad paper, Binuklat iyon hanggang sa malinis na pahina bago kinuha ang lapis para isulat ang sagot niya.

I LOVE YOU TOO, WARREN.

Ipinakita niya iyon sa binata at pinanoid ha tumawid sa pahina ang mga mata nito bago umangat ang tingin nito sa kanyang mukha. Namimilog ang mga mata nito, nakaawang ang mga labi na para bang hindi makapaniwala na sinusuklian niya ang pag-ibig nito.

Tumawa si Gabriella at iniabot kay warren ang pad paper. "O. Bat ngayon ka natulala? Dapat nga ngayon mo ako halikan, eh."

"Hindi kana galit sakin?" tanong nito na may pag aalala parin sa mga mata.

"Hindi naman ako nagalit talaga," amin niya. "Nagtampo lang ako. Na misinterpret ko lang yung nabasa ko."

Mabagal na mulitaw ang seksing ngiti sa mga labi ni warren at hinila nito ang kanyang braso hanggang sa nakasandal na siya sa tagiliran nito at parang batang pinoprotektahan ng malapad ay matipuno nitong katawan.

"Tsk. Ikaw tong magaling magbasa, Ikaw pa yung naka misinterpret ng nabasa."

Siniko niya ito. "Ganoon pala, ha!"

Tumawa ito at hinila siyang muling pabalik sa tabi nito.

"Joke lang," pang aamo nito na nakadiin sa kanyang buhok ang mukha. "Nabunutan lang ako ng tinik. Para akong hindu makahinga kanina, eh. "Sus, eh, ang gaganda ng mga banat mo. Hindi kapa gumagamit ng mga lines kunwari."

"Hindi talaga!" tawa nito. Tumingala siya rito habang nakasandal sa balikat nito. Hinalikab nito ang tungko ng ilong niya "What are you thinking?"

"Na siguro ngayon na Yung tamang panahon para aminin kona crush kita noon pa. Nung una ko palang makita yung billboard mo sa EDSA."

"Ows?" natatawa nitong tanong. "Hindu ko alam yun, ah."

Tinaasan niya ito ng kilay. "hindi mo alam? Hindi ba obvious nung naglaway ako nung pagbuksan mo ako ng pinto na nakatuwalya ka lang?"

"Hindi," sagot nito. "actually, yun yata yung isang dahilan kung bakit na attract ako sayo. Hindi halata na may crush ka sa akin. Saka mag effort ka talagang makilala ako." umayos ito. Hinatak pa siya lalo hanggang sa nakaupo na siya sa kandungan nito. "pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit mahal kita. I love you because of how you make me feel about myself, sure, but I love you because of who you are."

"Alam mo, yan din ang dahilan kung bakit mahal kita," bulong niya na hinahaplos ang pisngi nito. "Doesn't matter kung gaano karami na ang billboards mo o kung gaano karami nang commercials mo ang napapanood ko sa TV. ang mahal ko ay yung lalaking nagpaturo saking magbasa, yung gustong mag college, yung nangangarap na may maabot na mas mataas sa kabila ng limutations niya. I love you, and I'm also glad that i could admire you and be proud of you."

Tumungo si Warren at hinalikan ang kanyabg mga labi. At nadama niya ang lahat ng mga emosyong hindi maaaring ilarawan dahil kulang ang kabit anong salita para maipadama ang mga damdamin sa likod ng mga kilos na iyon sa halik na iyon.......

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now