Chapter 11

86 4 0
                                    

Para siyang pumasok sa ibang mundo. Organized chaos sa loob. Maraming nagtatakbuhan para mag-ayos ng mga bagay-bagay. Mayroong may dalang clipboards na may mga papel. Mayroong dalawang lalaking may dalang isang labadi habang sinusundan sila ng isang babaeng may dalang mga tuwalya. Sa isang banda, may shower stall na kinakabitan ng dalawang babae ng plastic na kurtina.

"Warren!" tawag ng isang babae na sumalubong sa kanila. Bineso-beso nito ang lalaki. "You're early. But then again. Kailan kaba na late? Hi!" bati nito kay Gabriella nang bumaling ito sa kanya.

"Bukas ang ngiti ng babae at hindi tulad ng receptionist friendly ito at walang halong malisya o ispekulasyon sa kung paano siya nito tingnan kahit pa nakita niyang bumaba sa magkahawak nilang mga kamay ng binata ang mga mata nito bago mabilis na umangat.

"I'm Cara. Ako ang director ng commercial ngayon."

"Nice to meet you. I'm Gabriella," sagot niya. Mahiyain man siya, marunong naman siyang makitungo sa mga tao. "Sana po okay lang na manood ako ng shoot nyo ngayon. Pinilit kasi akong isama ni Warren, eh."

"Naku, of course, it's fice," sabi ng direktor. Luminga-linga ito at kumaway sa isang PA. "kris, ikuha mo nga si Gabriella ng maiinom. Coffee? Tea? May mga juice din saka sandwiches kung gusto mo."

"Okay napo ako sa juice."

"Juice for Gabriella, please," sabi ng direktor sa PA. "And you?"

"Juice na lang din," sabi ni Warren.

"Great. Maupo muna kayo," Sabi ni Cara na sumenyas sa isang parte kung saan nagkalat ang mga monobloc chairs. "Nag-aayos pa sila sa makeup. Sasabihin kona lang sa kanila na nandito jana and to fix you up when you're ready."

"Thanks, cara."

"You're welcome." muli siyang binalingan ng direktor "I hope you enjoy the shoot, dear."

"I'm sure i will," sagot ni Gabriella.

Naupo sila ni Warren sa magkatapat na monobloc pabaling-baling ang ulo ni Gabriella, ina-absorb ang mga kaganapan at mga bagong nakikita sa kapaligiran.

"Ang exciting naman nito," nakangisi niyang sabi.

"Okay lang," sagot ng lalaki. "sanayan din. Sa susunod, bored kana rin kapag ganito tayo kaaga magpunta sa mga shoot."

Binalingan niya si Warren. Nakasandal ito sa upuan, mukhang relaxed, nakausli ang isang mahabang binti at nakapatong sa isang upuan.

"Nabo-bore kasa trabaho mo?" usisa niya.

Nagkibit balikat ito. "Hindi magandang attitude pero, oo. Sawa na siguro ako. I've been doing this for more than ten years. Ngayon, ang hindi kona lang yata nae-endorse ay deodorant na pambabae. Saka gaano katagal pa tatagal ang hitsura ko? Kaya korin gusto nang matutong magbasa para naman may iba akong options."

"Akala ko si Marie ang dahilan," tukso niya.  Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang i-bring up si Marie sa bawat usapan nila. Masokista siguro siya.

Pero nanatiling seryoso si Warren. "Alam mo, naisip korin na kapag magaling na akong magbasa, gusto ko sanang mag-college." Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang kanilang mga paningin. "Ambisyoso ba ako?"

"Of course not!" mabilis niyang saad, nagliliwanag ang mukha. Nagulat siya at nakadama ng matinding tuwa sa narinig. "that's great! I mean, college, wow!"

Masayang ngumiti si Warren na para bang batang nasabihan ng very good ng paborito niyang teacher.

"Talaga?" tanong nito. "ikaw pa lang ang pinagsabihan ko, eh. Kapag sinabi ko kasi kay mommy o kay ate, baka pagtawanan ako."

"Ano kaba? I'm sure pareho ang magiging reaksyon namin. Lalo naman akong na -inspire magturo sayo."

"Hinay hinay muna tayo," nakangiting sabi ng lalaki. "Nasa level pa lang ako ng six year old ngayon, eh kapag kaya ko nang basahin mag isa ang chronicles of Narnia, saka kona iisipin ulit ang college. Gusto ko lang malaman mo na kasama sa mga pangarap kuyon."

Sa kauna unahang pagkakataon, si Gabriella ang unang umabot sa kamay ni Warren. Sumara ang mga daliri nito palibot sa mga daliri niya.

"At sigurado akong matutupad ang pangarap mona yun. Naniniwala ako sayo."

Their eyes met and held. Doon lang na realize ni Gabriella kung gaano kalapit ang mga mukha nila sa isat isa lalo na nang makita niyang may mga flecks ng gold and brown ang mga mata ni Warren.

Nagbago rin ang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Kanina, he looked hopeful, dreamy. Ngayon, his eyes were hotter. Humigpit din ang kamay nito sa kanya. Umigting ang lahat ng nasa katawan ni Gabriella, lumambot, nagsimulang magnisnis.

Kung lumapit lang ang lalaki, kahit halikan siya nito, hindi siya tututol. Sa halip, pagbibigyan niya ito, aayain, aakitin. Gusto niya itong yakapin, damhin, tikman, gawin ang lahat ng mga nababasa niya sa Romance novels na hindi pa niya nagagawa......

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now