Chapter 15

84 4 0
                                    

Nang makapamili ng pagkaing maari niyang orderen nagpaalam na si Gabriella  na uuwi na. Tumayo siya para kunin ang susi ng kotse para maihatid na ito sa apartment na tinutuluyan nito nang umiling ang dalaga.

"Pupunta ako sa bahay ng parents ko," sabi nito. "naglalambing kasi ang tatat ko. Doon raw ako maki dinner."

"di don na kita ihahatid," sabi niya.

"sa cainta payun."

"di mas lalong kailangan kitang ihatid. Ang layo kaya ng cainta. Kung magko-commute ka, mamaya kapa makakarating."

"eh, di inconvenient naman para sayo dahil ikaw ang malalayo. Ihahatid mo ako tapos babalik kapa ng makati."

Kinuha niya ang shoulder bag nito at isjnukbit ang strap sa isa niyang balikat.  "Gabriella, hindi inconvenience ang ihatid ka sa kung saan saan. Sa katunayan mas mabuti pa nga iyong alam ko kung nasaan ka kaysa sa bumibiyahe kasa kung saan na hindi ako kasama. Hayaan mona ang peace of mind ko. Saka ano ba naman tong ihatid kita, ikaw naman ang biyahe nanf biyahe papunta dito sa conto ko."

"nahihiya kasi ako, eh," amin ng dalaga nang makalabas sila ng unit at nagtungo nasa elevator.

Sinulyapan niya ito sa ibabaw ng isang balikat. "magkaibigan naman na tayo," sabi niya. "well, I'd like to think na magkaibigan naman na tayo. Gusto kong ginagawa ito para sayo."

Sa huli tumango narin si Gabriella at sumakay sila sa elevator pababa ng building niya.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ng mga magulang ng dalaga. Hindi naman pala liblib na lugar sa cainta pero medyo na challenge parin ang memorya ni Warren sa mga paliku liko bago nakarating sa bahay ng mga magulang ni Gabriella
Nasa gate na ang Ma nito nang huminto sila sa tapat ng bahay ng mga ito.

Sabay silang bumaba ng kotse ng dalaga at niyakap ito ng matanda.

"papa, si Warren po pala," pagpapakilala ng dalaga sa kanya. "tinu-tutor lo siya. Hinatid lang po niya ako."

Iniabot sa kanya ng matanda ang isang kamay. "nice to meet you. Parang Pamilyar ka, hijo."

"ah baka nga po," nalangiti lang niyang saad. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa tatay ng dalaga na makikita siya nitong naka-brief lang sa EDSA. 

"commercial model siya, papa. Yung sa sabon."

Halos makita niyang may bumbilyang umilaw sa itaas ng ulo ng matamda. "ah, oo nga!  Kills ninety-nine percent of germs para linis bango buong araw."

Natawa si Warren nang nakangiting banggitin ng matanda ang linya niya sa commercial ng sabong ine-endorso.

"pumasok na kayo nang makakain na."

"hinatid ko lang po si Gabriella."

Umiling ang ama ng dalaga. "nandito kana,  hindi kapa kakain? Maraming niluto ang mama niya. Naglilihi kasi ako. Gusto ko ng pancit at barbecue kaya inaya kona tong unica hija namin na umuwi. Masyado kasing busy ito."

Iginiya sila papasok ng matanda sa gate "isa pa, crush ka ni misis. Lagi niyang inaabangan yung billboard mosa EDSA."

napangiwi si Warren.

Sa huli, hindu naman nagibg nakakaasiwa ang hapunan kahit pa nakita na siya ng nanay ni Gabriella na nakalantad ang kaluluwa. Mababait ang mga magulang ng dalaga at gaya ng anak. Mabilis siyang naging komportable sa mga ito. Malakas pa siyang tumawa nang biruin siya ng ama ni Gabriella na baka hindi siya spwedeng masyandong kumain ng barbecue dahil baka tumaba siya at mabawasan ang abs niya. Kumain pa sila ng ice cream at ginabi dahil nanood pa sila ng football sa TV........

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now