Chapter 20

72 4 0
                                    

"Akala ko may date kao ni Marie ngayon?" tanong ni Gabriella kay Warren habang pinanonood niya itong nag iikot sa hospital room nang biyernes ng gabi.

"Nag cencel ako," sabi nito na nagbaba ng isang vase ng bulaklak sa sahig upang magkaroon ng lugar sa mesa para sa gala nitong fruit basket. "Sabi ko mag aalaga ako ng may sakit."

"Hala, nag cancel ka?  Sayang naman ang pagkakataon mo sa kanya!"

Siyempre, kunwari disappointed siya pero nag jumping jacks ang puso ni Gabriella nang malamang ipinagpalit ni Warren si Marie, ang ultimate crush nito, sa kanya.

Nagkibit balikat ang lalaki. "Hindi ko rin alam. Para kasing hindi naman ako excited na maka date siya."

Natapilok ang puso ni Gabriella pero pinilit niyang hindi na mag react. Baka assuming na naman siya.

Naupo si Warren sa kama sa tabi niya at naglagay ng isang mangkok sa kandungan kung saan ito nagsimulang magbalat ng orange. "Juice lang nito ang lunukin mo, ha. Baka hindi pa to kayang gilingin ng tiyan mo, eh."

Iniabot nito sa kanya ang isang segment ng prutas.

"Anong gagawin ko kapag nanguya kona?"

"iluwa mona lang. Teka, kukuha ako ng paper towel."

"kadiri, ha. Magluluwa talaga ako ng pagkain sa harapan mo?" habol niya nang tumayo ang lalaki at nagtungo sa mesa para kumuha ng tissue.

"Sus, para namang iba pa ako sayo. Nakita kona yang hubad mong likod dahil diyan sa hospital gown mo."

Napapikit sa kahihiyan si Gabriella. "Huwag na natin yon ulit pag usapan."

Nakangisi siya nitong binalikan. Itinulak nito pataas sa kanyang ilong ang salamin niya sa mata bago ito naupo sa tabi niya. "Ihahatid kona kayo sa bahay bukas," anito habang pinaparte ang iba pang bahagi ng orange na hawak "Sabi ni tita, dun kana raw muna sa bahay nila habang nagpapagaling ka. Kaysa nga naman mag isa ka sa apartment. At least maaalagaan ka nila don."

Tumango lang siya habang sinisipsip ang juice ng orange. Hindi niya iyon ngunguyain at iluluwa sa haparan ng lalaki, kahit anong mangyari. Nakakahiya lang. Kaya lang, nasobrahan ang sipsip noya kung kayat muntik na niyang malunok ang buto nito.

"Tapos kahit next week na lang natin ituloy yung lessons ko. Ako na lang ang magpupunta sa bahay mo. Hindi ko maisip kung bat ikaw pa ang pinagko commute ko papunta sakin. May kotse naman ako." nilingon siya nito at inilapit ang tissue sa bibig niya nang makitang tila may tinatago siya.

Kinuha niya iyon at namumulang iniluwa ang mga buto ng orange sa tissue bago iyon nilamukos.

Muli siyang inabutan ni Warren ng segment ng orange T sinimulan niya ulit iyong sipsipin. Hindi siya makatingin dito nang derecho kahit pa totoo ang sinabi nitong hindi na siya iba rito. Sigurado dahil may gusto siya sa binata kaya ibang level ang hiya niya na makita siya nitong ganoon.

Ngayon naman, Hindi nga niya nahigop ang buto ng orange, pero tumalsik naman sa gilid ng bibig niya ang juice ng lekat na prutas.

"Naku, pahingi naman ako ng tissue," sabi niya na hawak ang isang kamay sa bandang ilalim ng baba para hindi matuluan ng juice ang kumot niya......

IF YOU COULD READ MY HEART Donde viven las historias. Descúbrelo ahora