Chapter 19

79 4 0
                                    

Nagising si Gabriella na naluluha ang mga mata dahil sa hapdi sa kanyang sikmura. Siguro na burn na ng katawan niya ang anesthesia kung kayat nagpaparamdam na ang tahi niya sa tiyan.

Wala siyang maalala sa operasyon. Ang huli niyang memorya ay nang halikan siya ni warren sa noo nago siya ilayo ng mga doktor. Pagkatapos noon, naging malabo na ang lahat. Nagigising siya na parang lumulutang, sumasagot sa mga katanungan ng isang nurse, mga katanungang hindi na niya maalala, mga nagdaraang ilaw sa kisame ng ospital na sandali niyang ikinatakot dahil pakiramdam niya kinukuha na siya ni lord. pagkatapos ay ang walang humpay na pressure sa kanyang mga daliri na nagbibigay lakas sa kanya.

Pressure ng mga daliring nakapalibot parin sa kanyang mga kamay hanggang ngayon. Iginalaw niya ang ulo at nakita ang pagkilos ng isang lalaking Nakaupo sa tabi ng kanyang kama.

"Gabriella," bulong nito na hinahaplos ang noo niya.

"Warren?" tanong niya na hindi nakilala ang sariling tinig nang lumabas iyon na parang igik ng patong nasagasaan.

"kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito at mula sa malamlam na ilaw sa tabi ng kanyang kama, nakikita niya ang pag alala sa mga anino sa gwapo nitong mukha.

"masakit yung tahi ko," aniya na parang batang nagsusumbong.

"sige, hihingi tayo ng pain killer sa nurse. Nagugutom kaba? Hindi kapa raw pwedeng kumain."

Umiling si Gabriella. Kung kumain siya, baka masuka lang siya at nakakahiya iyon.  "anong oras na?"

"mga 5AM siguro," sagot ng lalaki. "darating na sila mama mo mayamaya. Nag text na si tita, wh. Paalis na raw sila ng bahay."

Pinaningkitan niya ang lalaki. "hindi kapa ba natutulog? Nakakahiya naman sayo. Hindi mi naman ako kailangang bantayan. " Natapos na niya ang sasabihin bago mahinang natawa. "Oo nga pala. Hindi ko nga pala kailangang sabihin sayo na hindi mo kailangang gawin ang mga bagay."

Tumango ito nang minsan. "Actually, nagbabasa ako," nakangising dagdag ni Warren.

Pilit na hindi pinansin ni Gabriella ang hapding nadarama sa katawan. Balewala kasi iyon kung ikukumpara sa mahiyaing pride na nasa mga mata ng binata. "Anong binabasa mo?"

"Bumili ako ng book ng HP," anito bago ipinakita sa kanya ang hawak na tablet. "limang oras na akong nagbabasa pero nasa page 7 parin ako."

Masayang ngumiti si Gabriella. Hindi pa kaya ng jatawan niya ang tunawa. "I'm proud of you."

Pinisil ni Warren ang kanyang kamay. "thanks. Sandali lang, tatawag ako ng nurse."

Sinundan niya ng tingin ang binatang nagmamadaling lumabas ng silid. Kasabay bg kirot ng sugat niya ang tibok ng puso niya. Ang sarap lang kiligin kahit alam niyang walang patutunguhan.

Nang bumalik si warren, may kasana na itong nurse na halatang fan nito. Kung makangiti ito sa lalaki, gustong isaksak ni Gabriella rito ang IV na nakakabit sa kamay niya pero nag timpi siya yamang ito ang magbibigay sa kanya ng pain killers. Tiningnan nito ang vitals signs niya bago siya binigyan ng gamot. Inusisa pa siya nito at tinanong kung komportable siya, malamang hindi dahil bagong opera ako, di ba bago tuluyang lumabas. Halata naman kasing delaying tactics lang iyon ng babae para mas matagal makatambay sa silid kasama ng gwapo niyang bantay.

Nang maiwan na silang dalawa, muling naupo si Warren sa tabi ng kama niya at kinuha ang kanyang kamay. "Nag alala ako sayo," sabi nito na hinahaplos ng hinlalaki ang likod ng palada niya. "bakit hindi mo sinabing masakit na pala talaga ang tiyan mo nung isang araw?"

"akala ko kasi nalipasan lang ako," sagot niya na mas bumibilis pa yata ang tibok ng puso sa bawat pagdaan ng hinlalaki nito sa balat niya.

Kung tsinek ng nurse ang blood pressure niya, ay naku. Baka bigyan siya nito ng gamot sa high blood.

"Anyway, okay ka naman na ngayon. Magpagaling kana lang." inabot nito ang tablet at tiningnan ang pahinabng ebook na nakabukas sa screen. "gusto mo basahan kita para makatulog ka? Kasi kung ako ang magbabasa, makakatulugan mo talaga. Daig kupa ang pagong na pilay sa bagal kong magbasa."

Muling napangiti si Gabriella at pinisil niya ang kamay ni Warren. "Sige lang. Gusto kitang marinig magbasa."

"Okay," sabi nito na tumungo sa libro. Mabagal talaga itong nagbasa at minsan, dalawa o tatlong beses pa nitong kailangang ulitin ang mga salita bago nito maintindihan kung ang anong salita iyon at masabi iyon na tama ang bigkas. Kunot ang noo nito at halatang matindi ang concentration sa ginagawa pero determinado itong matapos ang sinabi nitong gagawin.

Tahimik itong pinanood ni Gabriella habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Touched na touched siya sa ginagawa nito at matawaran kung gaano siya ka proud dito. Pero sa likod ng tuwa, alam niyang naiiyak din siya para sa sarili dahil mahal na niya si Warren at hindi ito mapapasakanya.

Pumikit siya at hinayaang tumulo ang mga luha. Hayaan na niyang makita nito ang mga iyon. Sakaling magtanong ito, sasabihin niyang dahil sa hapdi ng sugat niya. Hindi naman niya kailangang sabihin na nasa puso niya ang mga sugat na iyon....

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now