Chapter 10

92 5 0
                                    

"Sigurado ka bang okay lang?" tanong ni gabriella habang naglalakad sila ni Warren patungo sa studio kung saan gaganapin ang isa sa mga photo shoots nito para sa isang brand ng men's shampoo.

They have been friends for two weeks. it has also fulfilled the promise of reading THE CAT IN THE HAT in its entirety. Inabot ito ng pagkatagal-tagal pero hindi ito sumuko. At nang sunod nilang lesson, binasa panitong muli ang libro nang mas mabilis na. Siyempre, proud teacher naman siya.

Nagmo-move on na sila mas komplikadong mga salita. Hindi niya naiintindihan kung bakit hindi naging matiyaga ang mga magulang at naging guro ni Warren. he learned quickly when he taught it. Or is it because he has a strong motivation to learn to read now?

Hello, Marie Lopez!

"Oo naman," narinig niyang sabi ni Warren. "pwede naman kaming magdala ng kaibigan sa shoot."

Itinulak ni Gabriella ang salamin pataas sa ilong niya. "Nakakahiya kasi. Sigurado ko namang magmumukha akong yayaron."

Sinimangutan siya ni Warren. "kapag may nag-utos sayo na bumili ng kape, sabihin mo girlfriend kita at nang matahimik."

Si Gabriella ang natahimik. Sumikdo ang dibdib niya. Ang sarap sigurong sabihin noon, ano? Lalo na kung totoo.

Kapag may nakasalubong siyang modelo na naka-stiletto heels at todo makeup, pagkatapos ay titingnan siya nang mapangutya mula ulo hanggang paa, sasampalin niya ng isang malutong na Girlfriend ako ni Warren....

"kapag sinabi kuyon baka mamatay sila," napapangiwi niyang saad. "sa katatawa."

"isumbong mo sakin," sagot lang ng lalaki na parang hindi malaking pasabog ang sinabi nito sa kanya. "ako ang bahala sayo."

At para patunayan yun kinuha pa nito ang kanyang kamay bago itinulak pabukas ang pinto ng studio. Isang babae ang nasa likuran ng isang mataas ng mesa. Hindi man ito modelo, maganda parin ito, nakasuot ng suit jacket at blusa, maayos ang buhok at red ang mga labi.

Ngumiti ito kay Warren at masayang binati ang lalaki bago bumaling kay Gabriella ang mga mata. Hindi man siya nito Tiningnan mula ulo hanggang paa, hindi nagtagal sa kanya ang paningin nito na para bang na-distract lang ito ng lamok ba sumusunod kay Warren.

"pasok na kayo sa loob, sir. Nandoon napo sila direk."

"Thanks, Jane."

Hinila ni Warren ang kanyang kamay at gusto niyang isupalpal kay Jane na kasama siya ng binata. Mas lumapit pa siya rito, idinikit ang katawan sa braso nito at hinawakanng ng dalawang kamay ang kamay nito na para bang Possessive siyang girlfriend. Tumaas hanggang kisame ang mga kilay ng receptionist at inosenteng ngumiti si Gabriella rito bago sila pumasok ni Warren sa studio......

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now