Chapter 12

81 4 0
                                    

Kung pwedi lang sana.

"Sir Warren," tawag ng isang tinig at kumurap siya bago nahihiyang lumayo. Binalingan nila ang PA na may dalang dalawang bote ng Orange juice. "Okay naraw po sa makeup kung ready na kayo."

"Ah, sige," sabi ni Warren na tinanggap ang iniabot na bote ng babae. "Ito nga pala si Gabriella. Can you make sure she's comfortable habang nasa makeup at shoot ako?"

Binalingan siya ng babae na nakangiti. "Of course, sir. Ako nang bahala kay ma'am."

"Thank you, Ann." inabot ni Warren ang braso ni Gabriella. Dahil sa kanya na ito nakatingin, hindi nito nakita ang gulat at tuwa na lumitaw sa mga mata ng PA. "I'll see you in a bit, okay? Sandali lang ako, then we'll go out to dinner."

Hindi nakapagsalitang tumango si Gabriella, lalo pa nang tumungo si Warren para gawaran siya ng halik sa pisngi bago ito umalis.

"Dito na lang po tayo, miss Gabriella," sabi ni Ann na sumesenyas sa isang kumpol ng mga upuan na nasa likuran ng mga cameras. "Mas maliwanag po saka mas malapit sa action."

"Thanks, Ann," nakuha niyang sabihin kahit pa nagka-cartwheels ang sikmura niya. "saka huwag mona akong i-Miss. Gabriella na lang."

"Sige po," nakangiting sabi ng PA habang iginigiya siya sa mga upuan. "Kaano-ano po ninyo si sir Warren?"

Boyfriend ko.....  Sa panaginip.

"Ah, kaibigan ko siya."

Tumango si Ann at ipinag-ayos pa siya ng upuan.

"Akala kopo boyfriend nyo siya, eh. Sasabihin ko sana na huwag nyo siyang masyadong pakawalan dito," tawa nito. "Marami kasi ang may gusto sa kanya."

"Gwapo kasi, eh."

"Hindi lang po yun. Ubod po kasi ng bait. Nagulat nga po ako kanina kasi alam pala niya ang pangalan ko. Kahit yata boss ko, hindi alam ang pangalan ko, eh. Pero si sir Warren, talagang kinikilala niya ang mga tao sa Studio."

Isa na namang check mark sa pros column sa listahan kung bakit hindi masamang maging crush niya si Warren.

"Iwan ko muna kayo rito sandali, ma'am," sabi ni Ann. Nang makaupo siya. "Sasabihin ko lang dun sa isang PA na assignment muna kita para siya na muna ang bahala sa ibang kailangang gawin. Gusto ba ninyo ng sandwich?"

"Naku, hindi na," tawa niya. "Thank you ba lang. Saka kung makakaistorbo ako sa trabaho mo, okay lang naman ako dito na mag-isa."

"Maniwala kayo sakin, ma'am, mas gusto kitang i-babysit," nakangising sabi ng dalaga na mukhang hindi pa pagbibilhan ng sigarilyu o alak sa tindahan dahil babyfaced ito. "sandali lang po ako."

Tumango si Gabriella at muling pinanood ang mga nasa paligid. Ito ang mundo ni Warren na ibang-iba sa mundo niya. May mga diriktor ito, mga PA, makeup artist na nagkakandarapa para paglingkuran ito. Siya naman ay nagtatali ng buhok ng mga bata sa umaga, nagpupunad ng sipon, tumutulong sa pag-color.

Habang pinanonood niya itong nakikipag usap sa babaeng nag aayos sa buhok nito, habang pinagmamasdan niya ang gwapo nitong mukha. Lalo lang niyang nararamdaman ang agwat nila.

Pero naaalala rin niya ang tuwa at pride sa mga mata ng binata nang maisulat nito sa whiteboard ang kanyang pangalan at ang hopeful expression nito nang sabihin nitong gusto nitong mag college. At naroon din ang biglang saklab ng init sa mga bata nito nang magkalapit ang kanilang mga mukha.

Mas lumalim ang crush niya rito kahit alam niyang wala iyong patutunguhan sa huli.  Mabo broken hearted na naman siya at wala siyang ibang maaring sisihin kundi ang sarili. Pero hindi niya mapigilan. She was falling for the guy.

At parang narinig nito ang iniisip niya, sinulyapan siya ni warren. Ngumiti ito at kumaway. Lumukso ang kanyang puso at kumaway rin siya.

Fine, bahala na. Kung lumagpas man siya at mapilayan at mabasag ang puso niya.  Saka na niya haharapin iyon. She would just enjoy the fall....

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now