Chapter 8

93 5 0
                                    

Parang namuo sa sikmura niya ang kinakaing carbonara. Ano oa nga ba ang inaasahan niya? Na magkakagusto sa kanya si Warren? Hindi mga nerds na English teachers ang kinababaliwan ng mga hunk na image models. Hitsura naman niya. Habang naghahara-kiri ang kanyang puso, nakuha pa niyang mapanuksong ngumisi.

Tumawa si Warren. "Ewan koba. Matagal na kasi akong walang crush. Siguro hindi lang exposed sa mga babaeng type ko habang nasa trabaho ako. Magaganda ang mga modelo, oo, pero ilan lang ang masasabi mong matalino. Si Marie kasi, intelektwal siya. May Phd siya, eh. Matalino talaga saka pwede rin naman siyang modelo kung gusto niya.

"Ako, hindi naman ako tanga, saka halos lahat ngayon pwede nang mapanood kaya hindi ako huli sa news o sa mga bagong kaalaman. Kaya lang napakalaking disadvantage talaga na hindi ako marunong magbasa. Gusto ko sanang matuto bago ko man lang siya ayaing lamabas."

Tumango si Gabriella bago tumungo sa pagkain. Naiinis siya sa sarili niya kasi bumui na naman siya ng mga pantasya niya kaya heto, disappointed na naman siya. Hanggang ngayon ba itinatanong parin niya kung bakit hindi siya crush ng crush niya? Hindi na siya nadala. Pero at least ngayon, simula pa lang, natauhan na siya. Pera na lang ang habol niya ngayon. Tuturuan niya si Warren. Pagkatapos, bahala na ito sa love life nito. At siya, makakabayad siya ng mga bills sa isang buwan.

Kahit ganoon, pakiramdam parin ni Gabriella ay masaklap ang buhay.

Matapos kumain, nagligpit ang binata at nagtungo sila sa living room para simulan ang una nilang lesson.

"Pamilyar ka parin ba sa alphabet?" tanong niya habang naglalabas ng isang maliit na whiteboard, whiteboard marker, ilang libro at isang kahon ng flashcards.

"medyu," sabi ni warren na naupo sa kabilang dulo ng sofa mula sa kanya. Naaamoy niya ang bango ng balat nito at ang gamit nitong shampoo at sabon. Amoy gwapo talaga. "Alam ko naman ang mga vowels." tumango siya at binuksan ang kahon ng flashcards.

"sige nga. I-recite mo ang alphabet."

"A, B, C... " tinapos ni Warren ang alphabet kahit pa may isa o dalawang beses itong nagdalawang isip sa ilang letra. Napagpalit din nito ang N at M bago naitama ang sarili.

Nanatili siyang nakatungo sa flashcards at naramdaman niya ang mga mata ni Warren na nakatutok sa kanya. Pinilit niyang hindi magpaapekto kahit pa gustong tumayo ng lahat ng balahibo niya sa katawan. Humila siya ng isang flashcard na may picture ng isang mansanas at ipinakita iyon dito.

"A," anito. "Apple."

Kinuha niya ang whiteboard at sinulat doon ang letrang A bago ipinakita iyon sa bibata. "Anong letter ito?"

Medyu natagalan ito bago nakasagot. "A?" napapangiwi nitong saad bago ito bumuntong hininga. "Sorry. Mas madali kasi yung flashcards. May daya."

"it's okay," ngiti ni Gabriella. "Tinitingnan ko lang kung saan tayo magsisimula." binura niya ang letter A sa whiteboard, naglagay ng isang letter C at nag drawing ng isang beach ball. Itinaas niyang muli ang whiteboard para kay Warren. Tiningnan nitoang letra, pagkatapos ay ang bola bago muling bumalik sng mga mata sa letra.

"Letter C?"

"Tama."

"Whew!" bulalas ng lalaki at nagkunwari pang naglupunas ang pawis s noo.

Tumawa siya bago muling binura ang mga nakasulat sa whiteboard. mukhang alam naman ni Warren ang basics. Kailangan lang niyang maging maingat kasi totoo ang sinabi nitong magaling ang memorya nito. Pwede nitong dayain ang pagbabasa ng letters kung flashcards ang gagamitin niya dahil matatandaan nito ang mga larawan sa cards.

Habang nagpapabasa siya ng mga letra, gumagawa na siya ng lesson plan para sa binata. Sigurado siyang hindi magtatagal, matututo narin ito. Ang masama lang doon, kasabay ng pagtuturo niya ritong magbasa ay ang pagpapalapit niya rito sa posibilidad ng isang relasyon sa crush nito.

Hay buhay.......

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now