Chapter 25

75 4 0
                                    

25

"Sure ka bang okay ka nang kumain niyan?" tanong ni Warren habang masayang kumakain ng potato chips si Gabriella. Isang linggo matapos ang kanyang operasyon.

"Hayaan mona ako. Kailangan kona ng matinding infusion ng asin," sagit niya bago tinapik ng isang daliri ang notepad na ginagamit ni Warren para mag practice magsulat. Mabilis nang magbasa ang binata pero nahihirapan itong magsulat. Laging bali baliktad ang mga letrang lumalabas sa papel hanggang sa mapuna ni gabriella na hindi nahihirapan ang binata kapag nagsusulat ito nang all caps. Dahil hindi naman niya ito bibigyan ng grade at dahil okay lang naman kung all caps ang sulat nito, yun muna ang pina practice nila.

Muling tumungo si Warren at mabagal na ipinagpatuloy ang pagsulat sa pangalan nito. Nakaka dalawang mongol pencils na ito pero Hindi parin sumusuko hanggang sa ma perfect nito ang buo nitong pangalan.

Pinanood ni Gabriella ang binata na hindi mapigil ang ngiti sa mga labi. Naging napakamaalagain nito sa kanya. Isang linggong puyat dahil natutulog ito sa sofa sa silid niya kung saan kung hindi ito makaunat. Nakasampay sa armrest ang mahahabang binti habang nakasiksik itong parang fetus sa gitna para lang magkasya ito sa sofa.

Hindi naman niya ito maayang matulog sa tabi niya. Hindi siya komportable na dalhin nasa ganoong level ang relasyon nila. Oo, doon na natutulog ang binata nasa cabinet na niya ang iba nitong mga damit at nasa lababo nasa banyo niya ang toothbrush at shaving kit nito pero hindi parin niya ito maaya sa kama niya. Hindi pa siya handa.

Maaga rin ito kung gumising para ipaghanda siya ng pagkain bago ito umalis para magtungo sa trabaho. Alam niyang dalawang out of town shoots ang hiniling nitong  ipostpone dahil ibig noong sabihin, ilang araw sita nitong hindi mababantayan.

Isang linggo na siyang parang prinsesa kay warren at sa bawat araw na nagdaan na lumalalim ang pagmamahal niya rito, lalo siyang natatakot na magiging mas masakit para sa kanya ang sigurado naman nilang paghihiwalay.

"Nahihirapan ako sa letter W," kunot noong sabi ng lalaki. Alam niyang frustrated ito at kanina pa naiinip sa sarili pero bilib naman siya dahil hindi parin ito sumusuko.

"Practice natin," sabi niya na kinukuha ang pad paper mula rito. Nagsulat siya ng isang hilera ng alternating na capital W at small letter w sa itaas ng paoel bago ibinalik sa binata ang pad. "Ulit ulitin mo lang nang five lines."

Napuna niyang nakatingin lang ito sa kanya. "Anong prize ko kapag na perfect ko?" mahina nitong tanong.

Lumukso ang pulso ni Gabriella. Sa buong buhay naman niyang bilang teacher, hindi niya naisip na magiging ganito ka sexy ang tanong na iyon ng isang estudyante.

"bibigyan kita ng gold star sa kamay." nakangiti niyang sagot.

Mabagal na inabot ni Warren ang kanyang kamay, hinila iyon palapit sa bibig nito at hinalikan ang kanyang mga daliri. "Paano kung may kiss ako para sa bawat perfect na letter W?"

"Isa sa bawat W?" namimilog ang mga matang tanong ni Gabriella. "Ang dami kaya niyan."

"So, expected mo nang mape perfect ko sila?"

Hinila niya ang kamay at isinaksak iyon sa bukas na bag ng potato chips. "I perfect mo muna, we'll see what we can do."

Tumawa ang binata bago sinimulang kopyahin ang mga letter W na nasa papel. Pinanood niyang isulat nito ang bawat letra na para bang gumagamit ito ng ruler sa sobrang perfect ng mga kopya. At sa ibaba ng papel, muli itong sumulat ng isang malaking letter K pero sa gitna na ng mga linya. At ibang letra na ang isinulat nito kasunod niyon....

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now