Chapter 7

92 4 0
                                    

Nang dumating ang lunes, muling nag doorbell si Gabriella sa pinto Warren. Kagat labi siyang naghintay sa labas habang nagre-replay ang unang pagkikita nila ng binta kung saan tuwalya lamang at mga patak ng tubig ang suot nito. Ilang araw ring naging mainit ang mga panaginip ni Gabriella tungkol doon. Mga oanaginip na hindi niya inaakalang kayang buoin ng manang niyang pag-iisip. Ayan na ngat muling nagsisimula sa utak niya ang isang P*** video starring Warren Ledesma.

Kung kayat namumula siya nang magbukas ang pinto. Magkahalong ginhawa at disappointment ang nadama niya nang salubungin siya nito na nakasuot ng kulay puting T-shirt at cargo short.

"Hi!" masaya nitong bati habang nilalakihan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya.

"Hello," halos mabilaukan niyang sagot. Grabe na. Kailangan niyang dumaan sa simbahan mamaya at magpabendisyon.

Kinuha nito ang dala niyang shoulder bag at hindi siya nakatutol nang hilahin iyon ng lalaki para dalhin sa living room para sa kanya.

"Nagpa-deliver ako ng pasta," sabi nito nang dumerecho ito sa kusina matapos ilapag ang bag niya sa sofa. "Kumain na muna tayo."

Nahihiya siyang sumunod kay Warren.

"Hindi mo naman ako kailangang pakainin lagi."

Sinulyapan siya nito at nginitian. Mas maganda pa ang ngiti nito sa personal kaysa sa nakikita sa TV sa toothpaste ad nito. "Dinner ka naman nagpupunta rito. Hindi naman pwedeng hindi kita pakainin."

"Nasa kontrata ba natin ang meals?" tukso niya at tumawa naman si Warren.

"Wala pero common decency na lang. Upo ka."
Kung ganoon, hindi na siya tatangi o mahihiya. Isa pa, sawa na siya sa pancit Canton na staple food niya sa bahay nang nakaraang linggi. Naupo siya sa isa sa matataas na silyang nakapalibot sa kitchen island habang ibinababa ng binta ang isang pinggan ng carbonara sa harapan niya. Pinagsilbihan siya nito bago naupo sa tapat niya.

"So, anong plano ngayon?" tanong nito habang kumakain sila.

"Nag research ako ng teaching techniques para sa mga dyslexic. Medyu komplikado pala, ano?" aniya. "Marami palang klase ng dyslexia. Iba ibang level."

Tumango si Warren. "Oo, pero huwag kang mag alala. Hindi naman malala yung sakin. Masyado lang talaga akong mabagal matuto tapos hindi pa natutukan dahil nga ayaw pumayag ng tatay kona hindi perfect ang little boy niya."

Tinikman ni Gabriella ang carbonara. Napabuntong hininga siya sa sarap ng creamy noodles at bacon. Ibang iba sa lasa ng pancit canton!

"Curious lang ako," sabi niya mayamaya. "Bakit pala ngayon mo lang naisipang mag aral magbasa?"

Nagkibit balikat ang binata. "Sabi ko nga, hindi ko naman kasi kailangang dati. Ngayon..." huminto ito, nagtaas ng paningin at napapangiti. "Well, actually, mababaw lang. Huwag mo akong husgahan ha." Tumango si Gabriella.

"Nanonood ka ng Good morning, manila?" tanong nito sa kanya at tumango siya. Isang sikat na morning show ang binanggit nito. "So kilala mosi Marie Lopez?"

Muling tumango si Gabriella. Isa ring sikat na talk show host ang dalaga Maganda, Matalino, Masayahin. Kung tatanungin siya, magandang role model ng kabataan si Marie.

"Nag guest ako sa GMM nong isang linggo," patuloy ni Warren. "Siya ang nag interview  sakin and, well, nagka Crush ako sa kanya."

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now