Chapter 9

88 5 0
                                    

Matapos ang isa't kalahating oras naghahalo na ang mga letra sa utak ni warren. magaling na teacher si Gabriella dahil na puno neto kaagad na dumadami na ang mga mali niya dahil sa pagod kung kaya't binigyan mo na siya nito ng break nag-aaral na siyang magbasa na mga two letters sounds pero nagsasayaw na ang mga letra sa whiteboard inabot iyon sa kanya ng dalaga.

"Sige nga," sabi nito. "Magsulat ka ng kahit na anong tatlong two-letter sound combination na naaalala mo."

Kumunot ang noo niya pero hinawakan niya ang market at idiniin ang dulo niyon sa board. G... A....

"GA-?" tanong ng dalaga. B....

"GAB?"

"Ano bang spelling ng pangalan mo?" tanong ni Warren bago tumawa. "ang yabang no? Nagtatanong na ng spelling?"
Bumungisngis si Gabriella bago itinuro ang tamang spelling ng Pangalan niya

"Ano bang full name mo?" tanong ni Warren. "Try ko isulat."

Ngumisi ang dalaga. "Gabriella Ann Ledesma."

"Ah, okay. Tama na yang Gab." sabay silang tumawa. Pinagmasdan niya ang tatlong letrang nakasulat sa handwriting na parang isinulat ng batang bago pa lang nag-aaral magsulat. Kailan ba siya huling sumulat ng mga letra at nakabuo ng isang salita? Hindi na niya maalala. Kaya habang nakatingin sa whiteboard, hindi na niya maipaliwanag ang tuwa at ang pride na nadarama niya.

Mas matindi pasa tuwa at sa pride na nadama niya nang makita niya ang una niyang ad o magazine cover o billboard. Nag angat siya ng tingin at nakitang pinagmamasdan siya ng dalaga na may maliit na ngiti sa mga labi. Gusto niyang mahiya dahil ang babaw niya pero alam niyang naiintindihan siya ni Gabriella.

"pwede bang akin na lang tong whiteboard? Ibibili na lang kita ng bago."

Tumango ang dalaga. "Sure. Pero sana pangalan muna lang ang isulat mo."

"okay lang," sabi niya na muli nang nakatingin sa sinulat niya. "sigurado ko namang habambuhay kana ring magiging special sakin, eh."

Muli niya itong sinulyapan at kinindatan. Natatawa at napapahiyang nag iwas ng tingin ang dalaga. Inabot niya ang kamay nito at pinagbuhol ang kanilang mga daliri.

"Gabriella, salamat ha."

"wala pa naman akong ginagawa," sabi nito na nakatingin din sa kanya. "lahat naman ng ginawa natin ngayon, review lang. Alam mona sila."

"kahit na ikaw parin ang nagtulak sakin."

Tumawa ito. "Actually, si Marie ang nagtulak sayo."

Tumawa rin si Warren at binitawan ang kamay ng dalaga bago wala sa sariling umakyat iyon sa mukha nito para itulak pataas sa ilong ang suot nitong salamin. Hindi niya napansin ang lalong pag iinit ng mukha ng babae.

"hindi rin. Sa tingin ko naman, darating at darating ang panahong gugustuhin kong magbasa kahit wala si Marie. I don't think i would have found a better teacher than you."

"saka mona ako husgahan bilang teacher kapag may nstutunan kana sakin."

Pabiro niyang siniko ang braso nito. "huwag mong maliitin ang sarili mo. Magaling kang teacher. Hindi ka lang kasi nagtuturo, nag-i-inspire karin. Promise, hindi ko naman magagawa ito kung hindi naniniwala sakin ang teacher ko."

Sinulyapan niya ang relo sa pupulsuhan. "O, over night na pala tayo. Halika na, ihahatid na kita sa inyo."

"naku, hindi mona kailangang gawin yun. Pwede naman akong mag MRT."

"pwede, pero hindi na kailangan." tumayo si Warren. "saka dumaan na tayo sa bookstore para ibili ka ng bagong whiteboard."

"teka," habol ni Gabriella sa kanya bago siya makapasok ng silid para kunin sng wallet at ang susi ng kotse niya.

"kung hindi ka marunong magbasa, paano ka nagkaroon ng lisensya?"

"isa sa mga magic ng tatay ko," sagot niya na medyo nahihiya. Isa iyon sa mga inayos ng tatay niya para sa kanya. Siyempre, requirement ang reading at writing skills bago makakuha ng lisensya. Pangako niya sa sarili, aayusin niya ang pagkakamaling iyon sa oras na matuto talaga siyang magbasa.

"huwag kang mag-alala. Memorized ko lahat ng street signs at sumusunod ako sa batas trapiko. Hindi pa ako naaksidente ni minsan at mas safe pa akong magmaneho kaysa sa mga drivers na marunong magbasa."

Tumayo si Gabriella nang muli siyang lumabas ng silid. Nilapitan niya ito at kinuha ang higante nitong shoulder bag. Nagsimula itong magprotesta pero agad ding huminto at hinayaan siyang dalhin ang bag nito. Napangiti siya. Gentleman siya, eh. Ano ang magagawa niya? Gusto niya ring maging gentleman para kay Gabriella. May kung ano kasing old fashioned dito kaya tipong gusto niya itong ipagbukas ng pinto. Ipag-igib ng tubig at ipagsibak ng kahoy.

Basta, he like her. At tuwang tuwa siya na ito ang tutor niya........

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now