Chapter 22

73 4 0
                                    

22

Marahan siyang sumandal at nag breathing exercises para bumagal ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung bakit pero parang hindi naman pinagsisihan ni Warren ang ginawa, at lalong hindi ito nahihintakutan, muling bumilis ang oaghinga ni Gabriella nang maalala ang matigas nitong katawan na nakadiin sa kanya.

"Ma," tawag niya sa ina na nag aayos ng mga bagong bulaklak sa isang vase habang naghahanda ng hapunan nila ang kanyang ama. "Sa bahay na lang po ako uuwi. Nakakahiya naman kasi sa inyo. Kaya ko naman napo ang sarili ko."

"O, eh, sinong mag aalaga sayo ron?" tanong ng ina na kunot noong bumaling sa kanya.

"Ako po," mabilis na sagot ni Warren at nagpalitan sila ng tingin. Alam nilang dalawa ang iniisip ng isat isa.

Well, sana pareho sila ng iniisip. Baka naman kasi suggestive ang gusto ni Gabriella pero ang totoo ay gusto lang pala talaga siyang alagaan ng binata at hindi para ipagpatuloy ng naudlot nilang secret activities.

"Ako na pong bahala kay Gabriella," patuloy ni Warren.

Nakita ng dalaga ang ningning sa mga mata nito, mga ningning na hindi sana nakita ng kanyang ina, pero alam niyang hindi naman bobo oz manhid ang mama niya. Binalingan niya ito at nakita ang pagkibot ng mga labi nito.

"Eh, sige," sabi nito bago muling tumalikod sa kanila.

"Dadalaw dalaw na lang kami ni papa mo."

Muli silang nagpalitan ng tingin ng binata.  Ngumiti si Warren sa kanya, mapanukso at may kapilyuhan. Muli na namang nanikip ang kanyang dibdib.

Diyos ko, tama ba ito? Hanggang saan ba niya kayang magpunta kasama si Warren? Hindi na siya teenager pero hindi rin namn niya kayang ganoon na lang tratuhin ang sex....

At peste, aalagaan ka lang ni warren, ano! Hindi ka niya bigla na lang bubuhatin pagpasok na pagpasok nyo sa bahay para iderecho sa kama! Sex ba naman kaagad. Assuming ka, ha!

Pero sa ngiti ng lalaki at sa init sa mga mata nito, hindi rin tanga si Gabriella para isiping magbabasa lamang sila ng TL ni dr. Uy at manonood ng ss pag uwi nila sa bahay.

Nakadama siya ng init sa kanyang mahapdi pang sikmura. She couldn't wait to be discharged.....

IF YOU COULD READ MY HEART Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon