Chapter 26

77 4 0
                                    

26

KISS ME

Nag angat ng ulo si Warren at mainit ang mg mata nito. Parang nay bumara sa lalamunan ni Gabriella habang nakatingin sa lalaki. Pakiramdam niya aatakihin na siya sa puso. Nanatili siya sa upuan at hinintay lamang ni Warren na marahang lumapit sa kanya. Pero hindi siya nito hinalikan, sa halip, marahan siya nitong hinila hanggang sa nakaupo na siya sa kandungan nito, nakayakap sa mga balikat nito.

"Hindi ko pa natitingnan kung perfect ang mga letter W mo."

"Mamaya mo na i check," bulong nito sa kanyang mga labi. "Kung hindi perfect, di halikan mo na lang din ako para patas tayo."

And then, he took her mouth in a half rough, half gentle kiss. Naramdaman ni Gabriella na natunaw ang lahat ng tensyon  at kaba sa katawan niya. Nawala ang pag aalala at ang paghihintay ng katapusan ng panaginip na ito, ang takot na masasaktan lang siya sa huli. Dahil habang yakao ni Warren, nararamdaman niya na siya ang pinakamahalagang babae sa buhay nito, na siya ang pinakamahalagang babae sa mundo.

"I missed doing this," bulong nito habang pinagagala ang mga labi sa kanyang mukha. "Bakit ko nga ba pinigilan ang sarili ko na gawin to araw araw?"

Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok ng lalaki. "Bakit nga ba?"

"Lasi baka ayaw mo," amin nito habang bumababa ang mga halik nito sa kanyang leeg. "Kasi baka isipin mo na pinipilit kita. Saka kasi hindi ka pa magaling. Baka masaktan kita."

Bahagya siyang lumayo para makatingin sa mga mata nito. Napakagwapo nitp pero hindi lamang dahil nakikita niya ito sa TV at sa mga billboards. Napakagwapi nito dahil napakabait nito, napakalinis ng puso.  Takot ito na masaktan siya, at naging malinaw kay Gabriella na hindi iyon gagawin ni Warren. Kailangan lang niyang magtiwala.

Tumungo siya para halikan ito. Umayos soya ng pagkakaupo para nakapagitna sa kanyang mga hita ang kandungan ng binata. Sa pamamagitan man lang ng oahalik niya ito, malaman ni warren kung ano ang iniaalay niya.

Pero nanatiling gentleman ang lalaki. Nakadantay lang sa kanyang likod ang mga kamay nito, humahaplos, minsan ay nagkukuyom sa damit pero agad ding magre relax na para bang naiisip nitong baka matakot siya rito.
Kailangan niyang sabihin dito kung ani ang gusto niya, at sana hindi siya magkamali sa pagbabasa ng mga senyales nito. Takot siyang ma reject.

Lumayo siyang muli at kinuha ang pad paper na nasa mesa. Gamit ang isang lapis, isinulat niya sa papel ang gusto niyang mangyari.

WILL YOU MAKE LOVE WITH ME?

Inangat niya ang oad paoer at ipinabasa iyon kay Warren. Tiningnan ng binata ang papel bago lumipad sa kanyang mga mata ang paningin nito. "Are you sure?"

Namumula siyang tumungo.

"Pero yung sugat mo," nag aalala nitong saad.

Tinaasan lamang niya ito ng kilay bah  ito mahinang tumawa. "Okay. Yes,  i will and I'm going to take care of you."

"Alam ko," nangagatal niyang bulong.

Tumayo sila at pinangko siya nito. He nuzzled her hair and sighed. "Salamat at pinayagan mo na rin akonggawin to,"

She only buried her face against his shoulder. Hindi siya makapagsalita sa excitement, sa takot, sa kaba, sa insecurities. Paano kung hindi ito maseksihan sa kanya?  Paano kung natawa siya sa gitna ng ginagawa nila? Paano kung, paano kung, paano kung?

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now