Chapter 24

76 4 0
                                    

24

Nag angat siya ng paningin at ngumiti.
"I mean, nagbabasa na ako ngayon, Gabriella. May kopya ako ng HP at LOTR sa phone ko. And College!  I'm actually thinking of going to college."

"Hindi naman ako nagduda na kaya mong gawin ang nga yun. You nust needed the push. Kahit naman sino kaya kang itulak nang ganoon."

Umiling si Warren. "I don't think so. Siguro kaya nila akong itulak, oo, pero sayo lang ako nakinig."

May pag aalala sa mga mata ni Gabriella. "Hindi ko alam kung bakit."

"Kasi you're special to me." ngumiti siya at kinurot ang tungki ng ilong nito bagi muling Itinulak pataas ang salamin nito sa mata. He loved doing that, actually. Sana lagi siyang hayaan ng dalaga. Nagseryuso siya at Pinagmasdan ito. "I think I'm falling in love with you."

Sa ilalim ng hinlalaki niya na nasa pupulsuhan ni Gabriella, naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso nito.

"pero si Marie ang crush mo, diba? Ang layo ko naman yata kay Marie."

"Hindi naman siya ang batayan ko ng babae," mahina niyang paliwanag habang mabagal na umaayos ng upo sa tabi ni Gabriella. Isiningit niya ang isang braso sa ilalim ng batok nito hanggang sa nakaunan na ito sa braso niya at nakatingala na ang dalaga sa kanya. "I happen to like quietly pretty girls. And i like smart ones. Smart girls are sexy."

Bumuka ang labi ni Gabriella at tumungo siya para marahan itong halikan. "Naisip ko na gusto kita kasi na inspire mo ako na mas magpursige sa buhay, pero ngayon ko naiisip na nagpursige ako dahil gusto kita. Nung simula, oo, si Marie ang dahilan, pero hindi naman si Marie ang gusto kong iimpress sa tuwing nakakabasa ako ng isang paragraph, eh. Ikaw ang iniisip ko. Reward sakin sa tuwing ngingiti ka kapag matagal akong walang mali habang nagbabasa. Natututo ako para sa sarili ko pero sinisikap kong maging magaling para sayo."

Halos makita ni warren kung paano nanlambot ang puso ni gabriellapara sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"I'm not feeding you lines. Katotohanan lang ang mga sinasabi ko. You make me a better person, gabriella. You make me want to be a better person."

Huminga nang malalim ang babae at pumikit. Lumapit ito sa kanya at idinikit ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. "Hindi ko alam ang sasabihin ko," bulong nito. "Pakiramdam ko panaginip lang to at magigising ako mamaya na sobrang disappointed."

Hinaplos niya ang buhok ni gabriella. "Don't worry. Paggising mo, nandito parin ako. Ganito parin ang mararamdaman ko para sayo. Magpahinga kana muna, Gabriella. Dito lang ako."

Yumakap ito sa baywang niya at nag relax siya. Alam niyang gusto rin siya ng dalaga. Na mahalaga rin siya rito. Tama na muna iyob. Hindi niya ito pipilitin basta ba hayaan siya nitong tuparin ang pangako niyana Paggising nito, naroon parin siya. Kaya naman niyang maghintay  kaya maghihintay siya.....

IF YOU COULD READ MY HEART Onde as histórias ganham vida. Descobre agora