Chapter 13

85 4 0
                                    

"Girl friend mo?" tanong ni Liz, ang hairdresser na nag-ge-gel sa buhok ni Warren.

"Ha?" gulat niyang tanong at napatingin siya sa salamin kung saan siya pinagmamasdan ng babae.

"Si Miss manang," sabi nito. "Girlfriend mo?"

Hindi niya alam kung bakit nagsaltik siya sa pagbansag nitong Miss Manang kay Gabriella. Naningkit ang mga mata niya.

"Hindi. Hindi pa niya ako sinasagot. Mas malalim kaysa sa hitsura ang tinitingnan niya, eh." sabi niya bago Tiningnan ang babae nang mapanghamon na tila ba sinasabing, Bakit may angal?

Siguro naintindihan ng babae na nainsulto siya sa pagtawag nito ng Miss manang kay Gabriella kung kayat bigla itong bumawi. "Sorry po. Naitanong ko lang. Okay napo yang buhok nyo."

Sa kauna-unahang pagkakataon, tumayo siya nang hindi nagpapasalamat sa kung sinumang iyon na nag-ayos sa kanya. Inis na inis talaga siya sa mga taong sa panlabas na anyo lang nagbabase ng opinyon tungkol sa isang tao. Dinig na dinig niya ang pang-iinsulto nito kay Gabriella. Hindi naman nakapagtataka kung magustuhan niya si Gabriella dahil matalino ito. Weakness niya ang mga babaeng matalino.

Isa pa, nagkataon lang na hindi maporma si Gabriella. Pero maganda ito. At mas napansin niya iyon nang natulala na lang siya kanina dahil close-up na pala dila at halos mahalikan niya ito. Hindi lang ito maganda, she was also hot.

At inumin na niya ang ine-endorse niyang shampoo dahil na-i-imagine niyang nakalugay ang buhok ng tutor niya, na nakahubad ito at nakahiga sa kama niya habang hinahayaan siyang gawin sa katawan nito ang hindi niya alam ay gusto pala niyang gawin dito. He felt his body harden.

Bastos ka!  Wala kang galang!

"Warren! Unahin na natin ang shower scene mo nang matapos na."

Dear lord, shower scene. Kapag naghubad siya ng pantalon ngayon. Mahahalata ng madla kung ano mga pinag-iisip niya.

Sinulyapan niya ang pwestu ni Gabriella sa bandang likuran ng mga camera. Marami na itong mga kasana, mga PA, mga crew. Ordinaryo naman na iyon na may mga nanonood sa kanya habang nag-shu-shoot ng commercial pero parang ngayon lang niya naramdamang nae-exploit siya. Siguro dahil nasanay siya kay Gabriella na interesado sa kanya dahil sa kung sino siya at hindi naka photo shop ang abs niyang nakabaladra sa EDSA.

Nagtungo siya sa dressing room, nag-alis ng pantalon at nag meditate para humupa ang init sa katawan niya. Nang hindi gumana iyon, nag-calculus siya sa isip niya. Nang hindi nakakahiyang lumabas siyang muli na naka boxer briefs na lang, ibinalot niya ang isang tuwalya sa baywang bago muling lumabas sa set.

Limang minuto siyang pinag-shower ni Cara.
Shampoo rito, suklay ng daliri sa buhok, pikit habang bumubuhos ang tubig sa mukha. Pinilit niyang itabi ang pagiging conscious niya. Kakaiba kasi iyon. Noon namang kinukuhanan siya ng larawan na nakasuot lang ng briefs, hindi siya nakadama ng ganito.

Malapit na, nararamdaman na niya. Malapit na siyang mag-retire bilang modelo. Hindi na siya natutuwa sa ganito. Pakiramdam niya wala na siyang patutunguhan kung ipagpapatuloy pa niya ito.

He had nothing against modeling at malaki naman talaga ang utang na loob niya sa industriya pero tana na. Naabot na niya ang limit niya. Gusto naman niya ng isang mas makabuluhang buhay, iyong buhay na may goal maliban sa pagbebenta ng shampoo o underwear sa mga lalaking nais maging katulad niya.

Kailangan na talaga niyang seryosohin ang pag-aaral. Iyon ang magiging simula ng bago niyang buhay.

Buti na lang talaga at nakilala niya si Gabriella, the beautiful, smart, wonderful Gabriella, the girl he wanted to kiss  embrace, make love to....

Shit. Don't think of Gabriella. Do not think of Gabriella! Sigaw niya sa sarili nang maramdamang nagkakainteres na naman ang katawan niya.

At buti na lang talaga, malamig ang tubig sa shower......

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now