DANAYA'S POV
"Nasaan na ang mga brilyante?" Maawtoridad namang pambungad sa amin ng huwad na Mata.
Ni hindi man lamang niya nagawang muna na batiin kami.
Mabuti na lamang talaga at nabalaan ako ni Pirena tungkol sa kanya.
Ano na lamang ang mangyayari kung sakali man na mapasakamay ng nilalang na ito ang mga brilyante.
"Sandali lamang Mata. May nais muna akong isangguni sa iyo bago namin ibigay ang mga brilyante." Panimula ko.
Pinag-isipan ko ng maigi ang aking sasabihin. Pagkat hindi ko nais na malaman ninuman sa ngayon na batid kong isa siyang huwad at lalong hindi ko rin nais na ipahamak ang aking kapatid.
"Ano iyon?"
"Isang balita mula sa aking mga hadia ang aking natanggap. Ayon sa kanila ay pinagtangkaan mo raw silang saktan at tila ibig mo pa silang paslangin."
Batid ko na nagulat siya at ang lahat sa aking tinuran.
"Anong ibig mong sabihin Hara Danaya? Pinagtangkaan ni Cassiopeia ang buhay ng aking anak at ni Lira?" Hindi naman makapaniwalang sambit ng aking kapatid na si Alena.
"Totoo ba Cassiopeia? Hindi ba't kinuha mo sila dito sa Lireo upang sanayin? Ano't nais mo silang paslangin?" Usisa naman ng Rama ng Sapiro.
"Siyang tunay. Hindi ba't malapit ka sa aking anak at hadia?" Dagdag pa ni Amihan.
"Wala akong alam sa inyong mga sinasabi. Hindi ko magagawang saktan ang inyong mga anak."
Batid ko na pabubulaanan niya ang aking mga paratang subalit sapat na itong dahilan upang hindi niya makuha sa amin ang mga brilyante.
"Walang katuturan ang iyong mga paratang Hara Danaya. Ano naman ang mapapala ko kung sasaktan ko ang mga batang sang'gre." Pahayag naman niya at tila nais pa akong baliktarin.
"Poltre ngunit hindi kita pinaparatangan at wala ring dahilan upang magsinungaling ang aking mga hadia. Ang sinasabi ko lamang na marahil ay mayroong isang nilalang na nanggaya sa iyong wangis at siya ang nanakit sa kanila."
"Marahil ay ganoon na nga ang nangyari Mata, bakit hindi mo na lamang silipin sa iyong balintataw nang matukoy natin kung sino ito?" Mungkahi naman ni Alena.
"Marami pang hiwaga ang Encantadia na hindi natin natutuklasan at ito ang dahilan kung bakit nais ko nang kunin sa inyo ang mga brilyante. Sa panahon ngayon ay mas higit ko na itong mapapangalagaan."
Pag-iiba naman niya sa aming usapan.
Tila kahit na nasa katawan siya ng Hara Durye ay hindi niya magamit ang kapangyarihan nito.
"Agape avi Hara Durye. Subalit, hanggat hindi natin natutukoy kung sino ang huwad na Cassiopeiang nanakit sa aking mga hadia. Hayaan mo muna sa amin ang mga brilyante. Maraming beses na kaming nalinlang. Kaya naman ay hindi naman marahil masama kung mag-iingat kami." Saad ko naman na inayunan din ng lahat.
Wala nang nagawa pa ang huwad na mata kundi ang sumang-ayon rin.
"Kailan mo nakausap sina Lira at Kahlil, Danaya?" Tanong ni Amihan noong kami na lamang na magkakapatid at ang Rama ng Sapiro ang naiwan sa Punong Bulwagan.
"Hindi ko sila nakausap subalit isang liham mula sa kanila ang aking natanggap." Paliwanag ko naman at inabot sa kanila ang ginawa kong liham.
"Nasa mundo sila ng mga tao?"
"Anong ginagawa nila doon?"
"Bakit hindi pa sila bumabalik?"
"Huminahon kayo. Kung ano ang nilalaman ng liham na nabasa niyo ay iyon rin lamang ang nalalaman ko." Pagsisinungaling ko naman pagkat hindi ko naman maaaring sabihin sa kanila ang totoo.

YOU ARE READING
The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)
FanfictionEncantadia with lots of twist. Just read it if you are interested. Hehe