PROLOGUE

22K 281 12
                                    

Napaluha ako ng bigla kong naalala sila Mommy at yung mga pinagsasabi ni Aaron sa akin kanina Kaya agad ako pumunta sa kwarto namin at saktong wala siya doon.

Agad ako pumunta sa pintuan na katabi lang ng Cr na nakalagay doon.

"Don't or else I will kill you"

Matagal na ako dito pero itong Kwarto na Ito hindi ko mabuksan buksan dahil natatakot ako kay Shaw.

Dahan dahan ko ito binuksan.

Parang sinaksak ako sa nakikita ko ngayon. Puro bondpaper ang mga nakadikit sa dingding sobrang dami dahil isa rin itong kwarto na kala ko damitan lang noon.

Binasa ko isa isa yun.

***//***

April 10, 20xx

MY DIARY SECRET!

Masaya ako dahil may nakilala akong babae sa park ang ganda niya para siyang hulog ng langit. Nung una ayoko sana siya lapitan dahil natatakot ako na di siya pumayag makipag kaibigan sa akin dahil sa nakikita ko sa kanya wala siyang kalaro kundi ang yaya niya lang.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

Nagulat ako ng mabasa ko yung unang bond paper na iyon. Dahil sa curious parin ako binasa ko yung sunod na bond paper na nakadikit sa pader.

***//***

April 11, 20xx

MY DIARY SECRET!

Itong araw na ito napakasaya ko dahil ang batang babae sa park nandoon ulit siya kaya ginawa ko ay nagpakilala ako nung una natatakot siya sa akin pero sinabi ko na di ako masamang tao.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

April 29, 20xx

MY DIARY SECRET!

Ay ngayon ulit ako nakapag sulat dito dahil busy ako sa babaeng gusto ko. Ang saya saya ko dahil araw araw kami nag lalaro sa park yung feeling na kami lang dalawa ang nag uusap, ayoko kase na may kahati sa atensyon niya.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

May 4, 20xx

MY DIARY SECRET!

Itong araw na ito magiging malungkot sana ako kase nagagalit na sa akin ang batang babaeng kalaro ko. Gawa ng hindi ko daw sinasabi ang pangalan ko sa kanya. Pero ang sabi ko "Soon malalaman mo rin" kaya nag isip kami na pwedeng itawag namin sa isa't isa kaya Nang itawag ko sa kanya ang good Girl ay tuwang tuwa siya kaya siya na rin nag isip ng itawag sa akin na Bad boy.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

May 5, 20xx

MY DIARY SECRET!

Nakakainis itong araw na ito lapitan ba naman si good girl ng mga lalaking yun ayss kung di lang kami mga bata sinapak ko na iyon. Buti na lang di pumayag si good girl makipag kaibigan sa kanila.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

Napakahaba ng mga pinagbabasa ko at dito ko napatunay na si Shaw at si Badboy ay iisa hanggang sa may nakita akong bond paper nama'y dugo kaya agad ko itong nilapitan.

***//***

September 1, 20xx

MY DIARY SECRET!

Family Richstone died. Hahaha kasalan din naman kase nila kung bakit sila namatay kung di sila tutol sa gusto ko edi sana buhay parin sila hahaha.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

Napaluha ako sa nabasa ko, totoo nga si Shaw ang pumatay sa pamilya ko? Pero paano? Seventeen or Eighteen palang siya nakakapatay na? Imposible!!

Nawala ang pagdadalawang isip ko kung totoo ba talaga iyon ng biglang may bumukas ng pinto at pumasok si Shaw nama'y dalang bond paper at tape, hindi niya agad ako napansin dahil nakayuko siyang pumasok, ngunit ng iangat niya ang ulo niya doon niya akong nakita at sa taranta niya ay bigla niyang nahulog ang tape at bond paper, dahil papel yun ay agad yun lumipad papunta sa paa ko dahil sa nanghihinala na ako sa kanya ay agad ko itong kinuha at binasa.

***//***

October 26, 20xx

MY DIARY SECRET!

Nag away nanaman kami ng girlfriend ko. Tang ina kase napakaharot ng babae yun buti na lang napatay ko na iyon. Pero si Aaron isusunod ko.

SHAW MATTHEW FLETCHER

***//***

Bigla kong nabitawan ng nabasa ko yung sinulat niya kanina lang.

"Anong ginagawa mo dito?" - unang salita na lumabas sa kanyang bibig ngunit hindi ko siya pinakinggan.

"So ikaw pala si Badboy?"- gigil na wika ko. Pero nakatingin lang siya sa akin,

"Sagutin mo ako, ikaw at si Badboy na kalaro ko noon ikaw ba yun?" - nanghihinang tanong ko ngunit hindi parin niya ako sinasagot.

Ginusot ko ang papel na hawak ko kanina at hinagis sa mukha niya pero hindi siya natinag at nakatingin parin sa akin na walang emosyon.

"Tang ina sumagot ka, nakakapagsalita ka naman at wala ka naman sakit."- dahil sa inis ko sinigawan ko na siya at umiiyak na sa harapan niya.

"Oo ako nga." - matapang na saad niya na kinainit ng ulo ko.

"So ikaw pala ang pumatay sa Family ko, kaya pala kahit Seven years na wala parin nakikitang ebidensiya kung sino ang pumatay sa buo kong angkan dahil napakalaki ng koneksyon nyo."

"Ginawa ko yun dahil ayaw ka nila ibigay sa akin hindi daw ako karapat damat sayo, So sino mas may karapat damat sayo? Ibang tao? Ang kapal naman ng mga mukha nila, dapat ako lang at wala ng iba kaya ayun pinatay ko na lang sila, masyado silang hadlang sa pagmamahal ko sayo."

"Alam mo kung bakit ayaw nila ako ibigay sayo? dahil hindi ako bagay na kapag hiningin mo ibibigay nila agad, tao parin ako kahit saan mo tignan may puso at utak na ako lang ang nagmamay-ari nito"- sigaw ko ulit.

Nanahimik lang siya na nakatingin sa akin, hindi ko mabasa yung tumatakbo sa utak niya.

"Demonyo ka, buong buhay ko kilala ko pala ang pumatay sa Family ko ang lupet ng tadhana."- naiinis na tawang sabi ko.

"Tang ina napaka tanga koooo."- inis na wika ko sa sarili ko.

Inis na inis na ako ngunit parang siya naging isang bata na nanahimik lang kapag nagagalit na yung mga magulang

"Mag break na tayo."- seryosong wika ko sa kanya.

__________***__________

Fletcher series 1

Niwell_01

Plagiarism is a Crime

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now