CHAPTER 13

3.3K 99 15
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Nakasimangot na nakatingin ako sa mga Yaya ni Shaw mula rito sa balcony ng kwarto naming dahil abala silang lahat para sa birthday ko, gusto ko pa naman tumulong kaso ayaw, gusto niya dito lang kami ni Shaw sa kwarto niya hanggang matapos na ang pag aayos nila sa labas.

Gusto kong dumalaw sa pamilya ko ngayon kase ang kamatay nila, kung hindi naman kase ako papayagan na tumulong edi dadalaw na lang ako sa mga puntod ng pamilya ko, ilang years na rin na hindi ako makadalaw-dalaw.

"Hmm ~ honey!" – tawag ko sa kanya habang siya kaharap ang laptop.

"Why?" – tanong niya kahit nasa laptop parin ang atensyon niya.

"Pwede bang mamasyal tutal wala naman ako ginagawa dito nakakaboring kase, ayaw mo naman akong pagtulungin sa baba."

"No!"

"Shaw naman." – paglalambing ko.

"I said No!" – inis na wika niya at sinarado ang laptop then kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa upuan at dumiretsyo sa bathroom.

Kung hindi niya ako papayagan pwes tatakas na lang ako, agad ako tumayo at kinuha yung mga naipon Kong pera at agad na lumabas ng kwarto.

Nakalabas ako ng mansyon na walang nakakaalam dahil nga mga busy sila sa mga ginagawa nila.

"Manang kukunin ko na po lahat yang bulaklak." – nakangiting wika ko Kay manang.

"O hija salamat makakauwi na ako ng maaga sa bahay salamat sa iyo hija." – laking pasasalamat na wika ng manang.

"Magkano po lahat?"

"Php 3,000 lang hija."

"Oh, ito po! Sa inyo na lang po yung natira babye po." – masayang wika ko at agad na umalis para puntahan ang pamilya ko.

"Pag pasensyahan nyo na ako! Kung ito lang ang nakayanan ko, huwag kayo mag tampo ah baka kase dalawin nyo ako, subukan nyo lang hindi na ako dadalaw dito." – wika ko habang naglalagay ng tig-iisang flower ng biglang kumulog.

"Joke lang di kayo mabiro ehhh."

"Kuya, ate, mommy daddy miss ko na kayo, bat ganon Seven years na hindi ko kayo kasama sa araw ng birthday ko ang daya nyo naman eh dapat sinama nyo na rin ako."

"Mommy may ikwekwento nga pala ako makinig rin kayo daddy ate kuya ah?" – wika ko. Kinekwento ko lahat ng nangyari sa buhay simula ng mamatay sila hanggang ngayon.

"Hmm ~ mommy gabi na po pala sige uuwi na po ako babye po, mga insan uuwi na ako ah?" – paalam ko sa kanila, kahit alam ko walang sasagot.

Pag uwi ko sa bahay laking gulat ko ng mukha ni Shaw na galit na galit ang bumungad sa akin.

Lalapit sana ako para halikan siya sa pisnge pero umiwas siya kaya napag desisyon ko na lang na pumasok sa loob.

"Happy birthday Lady!" – masayang wika nilang lahat.

"Salamat! Dahil nag effort talaga kayo para sa akin." – masayang wika ko.

"Walang anuman, Lady para po sa inyo lahat gagawin namin." – nakangiting wika nila sa akin.

"Lady mag wish na po kayo?" – Kaya agad ako lumapit sa cake.

Isa lang naman ang wish ko ang gabayan kami sa aming pagsubok na haharapin pa.

"Happy birthday po ulet."

"Maraming salamat sa lahat." – masayang wika ko sa kanila.

Nagsikain at nagsikantahan lang ang ginawa namin. Pagkatapos ay pinatapos na ni Shaw yung kasiyahan dahil tapos na yung birthday ko.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now