CHAPTER 23

4.6K 96 12
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Buti nakalabas na ako sa lintik na hospital na yun! Ayoko na talaga bumalik doon. Ang baho baho doon amoy gamot nakakahilo.

Napatingin ako sa pinsan ko na nanonood ng Paw patrol. Grabe ah mag gre-grade six na ito pang bata pa ang pinapanood.

Agad ako lumapit sa kanya dahil simula ng lumabas ako ng hospital hindi na niya ako kinakausap, nagtatampo siguro?!

"Galit kaba kay Ate?" – tanong ko at tumabi ako sa kanya.

"Sabi mo po yayakapin mo po ako ng mahigit, hindi naman po pala tapos hindi mo na po rin ako tinatawag na Baby Kenny." – he said sulky.

Natatawa ako hindi dahil sa boses niyang nagtatampo kundi sa mukha niya naka pout kase habang nasa Tv nakatuon ang mata niya.

"Sorry nakalimutan ni Ate Kelly mo, sorry na Baby Kenny!" – I said at agad siyang niyakap ng mahigpit.

"Na miss lang po talaga kita Ate pero promise po hindi po ako galit sayo." – ngiting wika niya.

"Kala ko nagalit ka na sa akin? Hindi tuloy ako nakatulog kagabi."

"Grabe naman po ate hindi talaga nakatulog? Kahit katabi mo po si Kuya Matt hindi ka po nakatulog?"

"Hindi talaga." – namula ako sa sinabi niya na katabi ko si Shaw totoo naman talaga katabi ko si Matt matulog ka gabi, nag away pa nga kami kagabi dahil pinagpipilitan ko matulog sa kwarto ni Kenny kaso dahil mabilis magtampo ang lalaki yun no choice ako kundi tumabi sa pag tulog niya.

"Ok po." – natatawang wika niya.

"Sorry talaga Baby Kenny, gusto mo bang mag pa enroll na? Enrollment na daw sabi ng Kuya Matt mo."

"Sige po Ate, bukas po ah?" – tumango lang ako sa kanya.

"Honey?" – napatingin ako kay Shaw na nababa na ng hagdan.

"Bakit Honey?" – tanong ko at sinalubong ko siya para ayusin ang necktie niya.

"Papasok na ako! Ilang araw na ako hindi na pasok baka ito namang business ko ang malugi, sorry Honey babawi ako promise!" – he said habang hawak ang pisnge ko.

"Honey pwede po ba ako sumama? Nakakabored kase dito please?" – I said tenderness. Kita ko sa mukha niya na nagdadalawang isip siya.

"Fine! But behave doon Honey ah?"

"Yes po!" – I said at agad na tumaas para makapag palit ng damit nakaligo na kase ako kanina.

Excited na ako ulit makarating sa company na yun, naalala ko yung lalaking hindi ako pinapasok sa company na yun dahil kahit high school daw hindi ko natapos. Yabang niya naintindihan ko naman siya pero yung pagkasabi kase niya para sinasabing bobo ako.

Naglalakad kami ni Shaw papasok ng company niya at ang madadaanan namin ay nakayuko yung iba naman palihim na sumisilip kaya ayun, nahihiya ako sa mga nakatingin sa amin kaya sumisiksik ako sa tabi ni Shaw na kinagulat naman niya.

"Why?"

"Nahihiya ako!" – niyakap niya lang ang beywang ko at agad na pumasok sa Elevator.

"Shaw bakit nayuko yung mga employee mo pag dumadaan ka?"

"Dahil ginagalang nila ako." – taas noong sagot niya, yabang hmp!

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now