CHAPTER 07

5.4K 124 34
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Ang bilis ng araw para sa akin simula ng umalis ako sa mansyon ni Master at nakahanap na agad ako ng pwedeng pagkitaan sa araw-araw na pamumuhay namin ni Kenny at ang naisip kong trabaho ay magtinda ng gulayan sa isang Talipapa – tawag ng mga tao na kung saan nandoon ang mga pwedeng bilhin na pagkain mapa gulay o karne man ito.

Grabe ang hirap magsimula sa simula, dahil ang pinag ipunan kong pera nung nagta-trabaho pa ako sa mansyon ay ginamit ko sa mga binili kong mga gulay na sariwa at maganda.

Naalala ko noon si Nanay Marie sinabi niya sa akin kung paano makikita kung sariwa ang mga gulay dahil kahit binuhusan ito ng mga tubig o mag spray ng mga gamot sa gulay upang hindi agad makitang hindi na ito sariwa ay makikita parin ang pinagkaiba nito sa sariwa o hindi, dahil kung ikukumpara sa isda makikita agad kung sariwa dahil sa kulay ng mga mata nito, sa mga baboy, manok, baka o kalabaw makikita naman sa mga balat nito kung frozen lang ba ito o hindi.

Kaya pinag isipan ko talaga ng Mabuti kung anong pwede kong ibenta at naisip ko ay gulay na lang dahil masustansiya din naman ito na pwede naming kainin sa bahay kahit araw araw pa dahil hindi naman maselan sa pagkain si Kenny sa katunayan nga nun favorite niya ang gulay kahit anong luto.

Nung una kala ko madali lang mag tinda hanggang sa napatunayan ko na kailangan mo maghakot ng mga costumer para may bumili sayo, kung minsan nga nahihirapan ako dahil maraming bumibili na gusto pabawasan yung mga presyo syempre may mga teknik ako kaya di sila nakakatawad, kung sila matalinong mamimili ako naman matalinong manininda.

"Ganda magkano isang kilo ng talong?" – Tanong ng babae kaya gustong gusto ko dito lagi akong sinasabihan ng maganda HAHAHA Charr lang!

"55 lang po ate." – nakangiting sabi ko.

"kamamahal naman." – reklamo niya.

"Nagmahal na po kase ang mga bilihin ngayon kung gusto nyo ako ang pipili para sa inyo magaling ako pumili ng magagandang gulay for sure babalik kayo dito para bumili ulet ng sariwang gulay ate, parang kayo maganda rin po."

"Ija bolero ka pala." – natatawang wika nya

"Hindi po sadyang totoo lang po yung sinasabi ko." – bolero ko, jusko po ito na lang ang kailangan kong gawin para naman bumili sila HAHAHA.

"Tama siya ate lahat ng sinasabi nya ay totoo." - singit na kung sino.

"Ay bata ka! Bat mo naman ako ginulat, ang gwapo mo namang binata anong pangalan mo?" – maharot na tanong ni Ate, jusko naman, ito nanaman siya!

"Matthew po!"

Itong mga nakaraang araw nanliligaw na siya. Talagang seryoso si shaw sa sinabi nya bukod sa mga flowers, chocolate, teddy bear at nag bibigay rin siya ng mga sweet message sa akin at paminsan minsan sumusulpot na parang kabute para tulungan ako pero kahit ganon taena kinikilig ako HAHAHA dahil sabi ko nga ibang iba ang ugali ni Master ngayon hindi tulad nung nasa mansyon pa kami.

"Honey kamusta kana?" – ngiting tanong nya.

"Ayos lang, Ikaw mukhang di ka talaga sanay sa gantong lugar?" – nag aalalang wika ko kitang kita ko kase sa mukha niya na naaadwa siya sa paligid niya, at kitang kita sa balat niya na namumula siya, Sana all!

"Kakayanin ko para sayo honey." – nakangiti nanaman siya ibang iba na siya simula ng ligawan nya ako yung pag kasungit ng mukha nya at pagkaseryoso nya iba yung pinapakita nya sa akin nitong mga nakaraang araw kaya unti unti ako naiinlab sa kanya.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now