EPILOUGE

6.9K 131 29
                                    


Sa mga araw, buwan at taon na dumaan sa akin, isa lang ang hiling ko ay mabuhay na matiwasay.

Ngayon natupad na at sa tao pa na pumantay sa angkan ko. Kahit pinatay niya ang pamilya ko wala akong dinala na sama ng loob tulad na sinabi ng Mommy ko sa akin bago siya mawala sa mundong ito.

Alam ko may mas malaki pang dakok na darating sa buhay namin ni Shaw at alam ko kakayanin namin mag kasama iyon.

"Misis ko anong gusto mong ulam? Lulutuin ko!" – nakangiting wika ni Shaw sa akin kaya napatingin ako sa Abs niya.

Ayaw na nga pala niya mag damit ng pang itaas dahil naalala na naman niya na marami na daw ako nakakita ng mga Abs sa probinsiya. Kaya para daw mawala sa alala ko ang mga Abs na iyon hindi na siya nag damit para sa Abs na lang daw niya ang maalala ko.

"Adobong Baboy Mister ko!" – nakangiting sagot ko rin sa kanya pero nawala ang pag ngiti ko at napalitan agad na nakasimangot dahil agad siyang nag suot ng Apron.

Simula ng malaman niya na Daddy na siya lagi na siyang maaga umuwi mga alas sinco palang umuuwi na agad siya galing trabaho.

Nang kabuwanan ko na doon na niya pina leave si Nanay Marie, dahil nag leave rin si Shaw sa company niya kaya siya na ang nag babantay sa akin dito.

Lahat ng gawain siya ang gumagawa dahil ayaw niya ako pagalawin, gawa nga daw na kabuwanan ko na nga daw, kaya ito nanonood lang ako ng Tv kasama si Kenny habang siya nag luluto ng kakainin namin.

Siya yung asawa na kahit hindi mo sabihin gagawin at gagawin niya. Nung nakaraang araw nga gusto ko maglinis ng kwarto namin dahil kitang kita ko sa mukha niya na pagod na siya galing trabaho tapos mga nakapaligid sa kanya ay madudumi, kaya maglilinis na sana ako kaso bigla niya kinuha ang walis sa kamay ko at pinalabas ako ng kwarto namin dahil maalikabok daw at siya na ang maglilinis.

Ganon lagi ang trabaho niya pag uuwi niya galing trabaho noon dahil nga ayaw niyang may naglilinis ng kwarto niya kaya no choice siya na siya na ang mag lilinis.

"Ate lipat mo naman po sa Basketball!" – napatingin ako kay Kenny na katabi ko nanonood din.

"Ayoko nga! Gusto kong panoorin niyan." – pout na sabi ko.

"Ang laki laki mo na po kaya tapos nanonood kapa po nan."

"Huwag kang feeling matanda dyan! Parang kailan lang gustong gusto mo ito panoorin tapos ngayon aangal ka."

"Nakakasawa na po kase paulit-ulit lang!"

"Anong pake ko kung paulit-ulit hindi naman ako nag sasawa sa kanila ang Cu-cute kase nila."

"Kung mga aso lang po pala ang gusto mo ate mag pabili ka po kay Kuya Matt ang yaman yaman nun doon ka mag pabili." – pagsusungit niya.

"Ikaw bata ka nagiging masungit kana hindi porket hindi na ikaw ang baby ko ah!" – bigla kong piningot ang tenga niya sa inis ko.

"Aray ate masakit po!"

"Talagang masasaktan ka sa akin, sinusungitan mo na ate mo!" – tinanggal ko na ang kamay ko sa tenga niya at tinalikuran ko na siya.

"Ate sorry na po! Hindi na po kita susungitan." – biglang hingi ng tawad sa akin ni Kenny kaya hinarap ko na siya.

"Talaga?" – pout na tanong ko.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now