CHAPTER 25

4.3K 105 1
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Napatingin ako kay Shaw na hindi mapakali kung anong susuotin na damit.

"Ano ba Shaw, yung pormal na damit ang suotin mo! Sa cemetery lang punta natin hindi sa Birthday party." – inis na sabi ko takte kase isang oras na siya papalit-palit ng damit dinaig pa ako takte, dapat nga ako matagal mag bilis dahil babae ako.

"Shut up!" – sigaw niya.

"Fine! Hindi na ako magsasalita kahit kailan." – sigaw ko rin at agad na ako lumabas ng kwarto namin at dumiretsyo sa labas dahil nandoon ang sasakyan gagamitin namin.

Yung nangyari pala nung nakaraan, nakakahiya talaga nagdadalawang isip nga ako kung gusto ko sumama dahil hiyang hiya ako sa pinsan niya.

"Lady ayos na po ba yung mga damit na dadalhin nyo ni Master?" – tanong ni Jack.

Secretary siya diba? Bakit nandito yan? Dapat nandoon siya sa kumpanya?

"Ayos na, nandoon sa kwarto namin si Shaw na mag dadala." – inis na wika ko at tumingin na sa labas ng bintana.

Buti na lang medyo nawala yung hiya ko nung nakaraan dahil biglang sumabat si Dr. Shaina about doon sa wedding nila, pagkatapos pala namin bisitahin si Shaniella ay dederetsyo daw kami sa Resort ng pagmamay-ari ng mga Fletcher para doon ganapin ang Kasal nila.

Napatingin ako sa tabi ko ng makita ko si Kenny na kakapasok palang.

"Ate dyan po ako diba?"

"Palit na tayo baby Kenny galit ako sa kuya Matt mo." – inis na sabi ko at napatingin ako sa pinto ng kotse na bumukas yun.

Bigla siyang tumabi sa tabi ni Kenny bali pinaggigitnaan namin si Kenny. Agad na rin pumasok si Jack sa driver seat at si Jake naman ay sa passenger seat. Bihira sa ordinaryong tao mabilis makarecover sa sugat na natamo lalo na dahil sa bala dahil hindi nga pala ordinaryo ang tauhan ni Shaw kaya pinagsawalang bahala ko na ito.

"Honey! Please sorry kung nasigawan kita." – hindi ko siya pinansin sa bintana parin ako nakatuon.

"Bigboy Kenny! Tell your sister to talk to me." – rinig na bulong ni Shaw kay Kenny pero rinig ko naman tss.

Naramdaman ko na lang kinakalabit ako ni Kenny pero winasik ko lang yung kamay niya.

"Ate galit ka rin po ba sa akin?" – maiiyak iyak na tanong niya.

"Pwede ba baby Kenny wag ka ng maarte grade six ka na kaya, baka sa susunod na linggo patuliin na rin kita." – inis na sabi ko at kinuha kay Shaw yung headset sa kamay niya at nilagay ko ito sa tenga ko, bahala sila sa buhay na binubuwisit lang nila araw ko.

Napatingin ako kala Jake at Shaw na naguusap, hindi ko yun maintindihan dahil nga nakaheadset ako. Palihim kong tinanggal yung isa.

"Really po? As in mamaya po? Kala ko bukas po?" – Baby Kenny, anong pinag uusapan nila bakit hindi ako makarelate?

"Stop talking about it. I don't want to ruin my plan because someone is listening to you talk." – dahil sa sinabi ni Shaw nagmamadali kong nilagay agad yung isa kong headset na tinanggal ko.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now