CHAPTER 14

3.4K 84 8
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Masama ko siyang tinitignan dahil kanina pa ako na Inis na inis sa lalaking ito, pati ba naman yung Doctor pagseselosan niya, sino hindi maiinis doon? Kanina pag punta namin sa pinakamalapit na hospital sa villege nila Richard, walang nag aasikaso sa akin dahil mas importanteng ginagawa sila, may nakaaksidente daw kaseng Jeep at Bus at maraming sakay na pasaherong inaasikaso mas malala ang mga sugat nila kaysa sa akin.

Ayun lumabas na naman ang demonyo ng isang Fletcher, kaya minabuti nila na unahin ako, may nag presinta na siya daw ang mag lilinis kaso lalaki, kaya umandar nanaman ang pag kaseloso niya at hindi siya pumayag na lalaki ang mag aasikaso sa akin kaya nag hanap siya ng babaeng doctor.

Kaya nang malinis na ang sugat ko dali-dali niya ako hinila sa kotse niya, hanggang ngayon nasa loob parin si Kenny ng kotse ni Shaw at natutulog sa back seat, siguro hindi niya napansin si Kenny kanina ng ipunta nya ako sa mansyon dahil nasa akin ang atensyon niya. Kaya hanggang ngayon nandito parin siya.

Kaya minabuti ko na lang na tumahimik, nagulat ako na ibang direksyon ang pupuntahan namin.

"Anong ginagawa natin dito? Shaw naman kakagaling ko lang sa Hospital."

"Kakagaling mo nga lang at ipapalinis ko ulet ang sugat mo ang dumi ng lugar nila dapat doon pinapasara, pano kung lalo lumala ang mga sakit ng pasyente nila dahil sa lugar na iyon shitt kahit kailan hindi tayo pupunta ng Hospital ng hindi natin pagmamay ari kaya lets go ipapalinis ko ulet ang sugat mo."

"Fine lagi kana man nasusunod." – Inis na wiko ko at lumabas ng kotse, syempre babae parin ang nag linis ng sugat ko.

Habang ang walang hiyang Fletcher na yun galit na galit na nakatitig sa sugat ko, siguro kung nakakamatay ang titig niya jusmiyo putol na ang balikat ko ayaw niya kase na nasasaktan ako, sa mansyon nga niya pag may kumagat na lamok sa paa ko pag nakain kami galit na galit si Shaw, kase daw ayaw niya akong nasasaktan kaya pinagalitan niya lahat ng maid sa mansyon pati rin si nanay marie pinagalitan niya, dahil hindi daw maganda ang paglilinis nila dahil pati lamok nakakapasok parin doon.

"Master tapos na po, Ipapareseta ko yung mga gamot na kailangan niyang inumin para mabilis gumaling ang sugat niya."

"Yung gamot sa pag tanggal ng peklat? Baka magkaroon siya ng peklat dahil sa lintik na sugat na yan, pano matatanggal?" – cold na wika niya.

"Meron po dito yan, kumpleto ang mga gamot at kagamitan sa ano mang mangyari sa pasyente." – n akangiting wika nung doctor.

"Where's my cousin?"

"Nasa office niya master." – nakangiting wika ng doctor na ito, pigilan nyo ako naiinis na ako dito.

"Honey stay here ah? Pupuntahan ko lang pinsan ko." – magalang na wika niya.

Tinignan ko lang siya at tinarayan kaya lumabas na lang siya ng kwarto.

"Ang swerte nyo po ma'am kaso maling tao yung minahal nyo?"

"Ah?"

"Kapag daw may nalaman kana, tawagan mo si Lola Ann. Hinahantay ka na niya pati ng mga kaibigan mo." – wika ni doctora at bigla na lang umalis.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now