CHAPTER 16

3.6K 95 12
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa malalaman ko hindi ko alam kung ano ang mga rebelasyon na sasabihin niya, parang may malaking sikreto si Shaw na konektado sa buhay ko na kailangan ko ng malaman bago pa lumala lalo.

Nakatitig ako sa mga babaeng nandito dahil nag iisa lang lalaki si Aaron at bakit parang kilala ko sila? Si Thea at Nica lang kilala ko pero bakit hindi ko sila kilala pero pamilyar sa akin.

May nawalan ba ako ng ala-ala na hindi ko alam? Teka nung pumunta kami sa Laguna, ang natatandaan ko lang noong nasa biyahe kami pero ang sabi ni Shaw naaksidente kami pero nung gumising ak wala naman akong sugat na natamo at ang paa ko lang ang may deperensiya pero agad rin naman gumaling.

"O siya umupo muna kayo dyan mag dadala lang ako ng makakain nyo." – wika ni Thea at agad siyang pumunta sa kusina.

"Kelly tumakas ka lang ba sa Mansyon ni Matthew?"

"Oo, bakit?"

"Kelly sa maniwala ka sa hindi, Si Matthew ang pumatay sa buo mong angkan."

Parang biglang tumigil yung pag ikot ng mundo ng dineretsyo na agad sabihin ni Aaron ang gusto niyang sabihin.

"Uh? Anong si Shaw nahihibang kana ba Aaron pano niya magagawa yun eh kakakilala palang niya sa akin?" – nagugulang wika ko.

"Matagal ka na niyang kilala Kelly, may kaibigan ka dibang lalaki noon? Ang tawag sayo ay Good Girl tapos tawag mo naman sa kanya BadBoy."

"Teka pano mo nalaman yan hindi ko naman sinabi sayo yan ng magkarelasyon pa tayo ah?" – nαguguluhang wika ko.

"Dahil si Matthew at ang badboy na kaibigan mo noon ay iisa." – wika niya at lalo rin ako naguluhan.

"Teka hindi kita maintindihan panong iisa lang sila. kilala ko ang mukha ni BadBoy na kahit hanggang ngayon naaalala ko parin, hindi sila magkamukha ni Shaw." – gulong gulong wika ko na langhiya sumasakit ang ulo ko dito ah.

"Dahil bata pa kayo noon, Oo iba ang mukha ni Matthew noon at ngayon dahil noon simple lang manamit si Matthew, laging nakangiti walang bakas sa mukha niya na kahit anong problema at napakainosente ng mukha niya kahit Badboy siya noong kabataan nyo pa lang, pero ngayon maayos na siya manamit dahil inaakala niya na iniwan mo siya dahil simple lang siya, Yung dating ngiti niya minsan mo na lang makita dahil laging nakakunot ang noo niya, ngayon makikita mo naman ay laging na siyang galit sa nakapaligid sa kanya at ang dating inosente niyang ugali ay hindi mo na makikita dahil sa dami ng napatay niya."

"Teka ipaliwanag mo nga simula sa una?"

"Hindi ko alam kung anong pinag awayan nyo basta ang alam ko doon nagalit ng husto ni Matthew, Gusto ka niyang kausapin kaso nandyaan ang mga magulang mo na hinaharang bawat galaw ni Matthew at alam ko na gusto mo rin yun na hindi siya kausapin. Lalo siya nagalit ng bigla kayong nawala kahit seventeen palang siya marunong na siya uminom nang dahil sayo, hindi siya mapigilan ng mga magulang niya at lalo na ang kapatid niyang babae. Hanggang sa nalaman niya kung saan kayo nag tatago. Napag desisyon niya na sa araw na iyon kukunin ka niya kahit pigilan pa siya ng mga kamag anak mo. Habang nasa loob ka ng mansyon pumunta mag isa si Matthew sa Mansyon niyo at kinausap ang ama at ina mo kaso di sila pumayag sa gusto mangyari ni Matthew kaya nagalit lalo ng husto si Matthew na ginawa na niya ang balak niya kaya ng bumalik si Matthew ay napakadami nitong dalang tao at pinag babaril ang nga kamag anak mo kahit ang mga sanggol hindi niya pinatawad na pag babarilin para lang wala ng humarang sa dadaanan niya para kunin ka."

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon