CHAPTER 09

4K 107 4
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Hindi ko alam kung magagalit o maiinis ako kay Shaw kanina pa kase siya nagda-drive at hindi ko alam kung saan kami pupunta, kapag naman tinatanong ko hinahalikan niya lang ang likod ng kamay ko.

Sabi niya kase mag dadate kami, pero paikot ikot lang naman kami dahil sa naiinis ako nabilang ko pa kung nakailang ikot na kami.

"Honey, where do you want us to go?"

"Hmm ~ do you know the Laguna province? The famous lake in their area?"

"Yeah! The Sampaloc Lake, why?"

"Doon na lang tayo mag date? Tutal naman wala ka pang naiisip kung saan ba talaga tayo pupunta."

"Why is there?"

"Dahil maganda ang tanawin doon, makakalanghap ka ng sariwang hangin hindi tulad dito usok ang nalalanghap mo."

"Then?" – nanghihinalang tanong pa niya.

"Fine! Gusto ko kase kumain ng mga street food na kasama ka, yun kase ang simpleng date na nakikita ko kung saan ako nanirahan noon bago ako lumuwas ng maynila para mag trabaho."

"So, you're saying you just want to experience the simple date that young people do?"

"Oo, kahit naman kasi nagkaroon ako ng dating kasintahan kahit kailan hindi pa namin nagawa yun."

"You mean, if we do that, I'll be the first one you get to date that's the date you want?"

"Oo, kaya kung pwede ~ pero ayos lang kung hindi ka papayag naiintindihan ko kase hindi ka sanay sa ganun mga pagkain."

"No honey, I'll do what you want."

"Salamat Honey!" – ngiting wika ko.

"Honey, I am planning to take a vacation in Laguna with just the two of us, would you agree?"

"Oo naman tapos puntahan natin ang mga sikat na tourist spot ng laguna."

"That's a good idea."

"Pero si Kenny pala?"

"Manang will take care of him while we're on vacation and you know he can't leave Kenny alone. Right now, we're returning to the mansion to get some clothes to use on vacation."

"Ok!" – Kaya agad kami bumalik sa mansyon at agad namin sinabi kay Nanay Marie na magbabakasyon kami at siya na bahala kay Kenny. Pumayag naman agad si Nanay Marie close naman niya kase yun.

"Hmm Honey saan tayo mag papahinga pagdating natin sa Laguna?" – takang tanong ko habang nagbibiyahe kami.

Tanging paghawak niya sa kamay ko ang sinagot niya then ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa manibela.

Baka naman maaksidente kami niyan?

Limang oras ang tinagal namin bago kami nakaalis sa gitna ng Edsa ay buti pa ang edsa may forever sila wala HAHAHA, jusko Kelly itulog mo na lang yan!

Di ko naman masasabi sa sarili ko kung may forever kami ni Shaw dadating kase yung isang araw na may malaking sikreto ako o siya na malalaman namin dalawa at dahil doon masisira ang relasyon namin. Sa isang relasyon may darating at darating na pagsubok na susubok sa relasyon ng dalawa.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon