CHAPTER 10

4K 103 5
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Panibagong araw nanaman para sa amin ni Shaw bilang official na magkasintahan, pero bakit ganun? Simula ng naging boyfriend ko na siya, doon lumalabas ang mga mapanira nilang sabi-sabi tungkol kay Shaw pero bakit ganun? Sa lahat ng mga sinasabi nila kahit isa hindi ako naniniwala? Bakit mas pinaniniwalaan ko po ang mga salita ni Shaw kaysa sa mga salita nila? Anong meron?

"Ang lalim ng iniisip ng honey ko, baka ibang lalaki yan ah?" – tiim bagang wika niya habang nakahiga kami ni Shaw.

"Yan nanaman yung pagseselos mo, baka pag awayin na natin yan." – Inis na banta ko sa kanya at umupo sa kama.

"Ok sorry! Ano ba kase yang iniisip mo?" – wika niya at umupo rin.

"Nagtataka kase ako sabi nila kilala na kita simula high school, diba nga nakaraan buwan lang tayo nagkakilala anong simula high school pa?" – nagtatakang tanong ko sa kanya hanggang sa seryosong mukha na ni Shaw ang pinapakita niya sa akin ngayon.

"You have the same name as my friend before, he died with his family in a car accident at hindi alam ng mga nakapaligid sa kanila, dahil secret lang ang pagkamatay nila." – ani Shaw. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil simula ng makasama ko siya sa iisang bahay, nalaman ko na kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil kapag seryoso siya nakatingin siya sa akin ng deretsyo at hindi mo mabibilang kung nakailang kurap siya dahil sa titig na titig siya pero ngayon kahit may galit sa boses niya nandoon parin ang tingin na pinapakita niya, doon ako nalito dahil hindi mapakali ang mata niya habang sinasbai niya ang salita iyon.

"Sorry!" – Bilang pang sang-ayon na naniniwala ako kahit ang totoo ay hindi.

"It's ok! Matagal na yun, ilang taon naman na ang nakakaraan." – pilit na ngiting sabi niya sa akin at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, hindi naman niya binibigatan kaya nakakarelax pa ako.

"Ok, tara mag almusal na tayo?" – pag iiba ko ng usapan dahil kahit anong pilit ko ay hindi na niya ako kakausapin about doon, bigla na niyang tinapos ang usapan sa simpleng patay na sinasabi niya.

"Sabay na tayo!" – may otoridad n autos na sabi ni Shaw habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ko.

"Mauna kana sa baba, maghihilamos pa ako."

"Me too, so let's just wash our faces together."

"Nakapaghilamos kana kaya, kaya bumaba kana." – iritang wika ko.

"Pano mo nalaman?"

"Gising na kase ako kanina pa." – pag aamin ko.

"Ikaw ah, nagtutulugtulugan ka pala."

"Sa ayoko pa bumangon."

"Baka naman tinititigan mo lang ako." – pangangasar niya.

"Ewan ko sayo, bumaba kana nga." – Inis na wika ko, Ayss nakakahiya kaya yun, grabe may ganon palang side si Shaw.

Actually, pinagmamasdan ko lang talaga ang mga kilos ni Shaw kanina pa pero wala talaga ako nakikitang mali.

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako. Pagkababa ko nakakunot noo ang bumungad sa akin sa pagpasok ko pa lang sa kusina.

"Tagal mo doon, ano bang karantaduhan ang ginawa mo ha?" – galit na tanong niya.

"Grabe ka naman five minutes lang simula ng magkasama tayo, namiss mo lang agad ako." – pangangasar ko para di na siya magalit.

"Oo! Kaya tara na kumain na tayo." – seryosong wika niya.

Namula bigla pisnge ko sa sinabi niya langhiya kala ko siya ang kikiligin parang ako yung kinilig sa sinabi nya nakupo naman buhay nga nanaman.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now