KELLY NIWELL RICHSTONE POV
Ilang araw na lang at birthday ko na, pero bakit hindi ako excited? Mas excited pa yung mga katulong dito sa bahay pati narin si Kenny.
Ako kase yung tao na ayokong nag ce-celebrate ng birthday, noon naman excited ako kapag darating na ang birthday ko pero nung araw na nangyari sa akin yung malaking trahedyang iyon ay hindi ko na kailanman nag celebrate ng birthday ko, dahil yung araw na iyon ay kamatayan ng buo kong angkan.
O diba pano pa ako mag ce-celebrate? Dalawang handaan? Birthday at death anniversary ganun?
Nagpapasalamat ako sa abogado ni Daddy na inalagaan at pinatira ako sa bahay nila sa Italy, nung una maayos ang trato ng pamilya ni Tito Ariel pero nang araw na umaalis si Tito para kunin ang mga nasagap niyang balita sa Pilipinas patungkol sa pagkamatay ng pamilya ko doon lumalabas ang ugali ng asawa at anak ni Tito. Sa isang buwan nagiging malaya at masaya lang ako kapag umuuwi si Tito sa araw ng 10 hanggang 20 then aalis ulit tapos babalik ulit sa panibagong buwan naman.
Ginagawa nila ako alila nila sa bahay nila, taga luto ng mga kakainin nila sa umaga, tanghali, hapon at gabi tapos linis pa sa buong bahay, ang pahinga ko lang kapag sumapit na nang alas dis ng gabi dahil doon nakikipag videocall si Tito sa pamilya niya, lagi akong sinasali sa videocall nila dahil ako yung hinahanap ni tito kapag hindi niya ako nakikita.
Pero ang inis at galit nila sa akin ng pamilya niya ay lalong nadagdagan ng mabalitaan namin na namatay si Tito sa kakaimbestiga niya sa kaso ng pagpatay sa pamilya ko.
Agad na pinauwi ako sa pilipinas ng dumating sa Italy ang katawan ni tito kaya kahit na ibinurol at pagkalibing ay hindi ko nasilayan. Nagpalaboy-laboy ako sa kalsada nakaya kong matulog sa tabi-tabi at mamalimos sa mga naglalakad.
Nagpasalamat ako kay Tita Lelette dahil kinuha niya ako mula sa langsangan at inalagaan, mayaman kase sila kaya tinulungan niya ako.
FLASHBACK 6 YEARS AGO
Maaga ako gumising dahil tinawagan ako ni badboy na magkita kami sa kung saan kami laging nagkikita pag ayaw na namin mag laro sa harap ng bahay namin, kaya ito ako ngayon maagang gumising na hindi ko naman talaga gawain dahil kahit anong oras ako natutulog pag gusto ko, pero dahil kay badboy ito ako ngayon gising na gising, wala ei mahal ko pero sabi ni Kuya at Ate puppy love lang daw ito.
"Ang ganda ng ayos mo princess ah! Saan ang punta? Pwede bang sumama si mommy?" – tanong ni mommy ng makita niya nag aayos ako ng buhok ko.
kahit twelve palang ako marunong na ako mag ayos sa sarili ko tinuruan kase ako ni ate mag ayos dahil nagdadalaga na daw ako.
"Hmm ~ Mommy, gusto kase makipagkita ni Badboy sa akin, kaya magpapaganda ako mahal ko na iyon mommy, kaya gusto ko ako lang ang nakikita niyang maganda pag nagkita kami, gusto ko ako lang ang babaeng nagagandahan niya sa buong buhay niya." – masayang wika ko.
Kita ko sa repleksyon ni mommy na naiinis dahil sa pagkasabi ko na mahal ko nay un kahit napakabata ko pa.
"Ikaw ah di mo parin sa akin sinasabi yung name ng sinasabi mong badboy siguro masamang tao yun badboy kase eh" – wika ni mommy.
Ahahah pano ko sasabihin yung name niya? Badboy lang ang sinabi niyang name sa akin kahit two years na kami magkaibigan, hindi niya sinasabi kase delikado daw hayyss.
"Hindi porket badboy yung binigay na nickname badboy na agad, tsaka mommy ang bait at gentleman iyon tulad ni kuya at ni daddy parang hulog siya ng langit para sa akin, mommy syaka yung name niya secret ko na iyon mommy!" – nakangiting wika ko.
Nagsinungaling nanaman ako kay mommy dahil sa kanya.
"O siya hatid na kita sa kotse alam ko naman gusto mo lang kasama yung mga bodyguard mo at yung driver mo si kuya Bat, jusko kayo lang ang nagkakasundo ah nagseselos na ako niyan." – wika ni mommy.
"Thanks mommy! Huwag ka ng mag selos ikaw parin naman love ko, tsaka mommy promise bago mag dilim nandito na ako." – wika ko at tinaas pa yung kanang kamay ko.
"Ok!" – wika niya at hinawakan yung kaliwa kong kamay at yung kanan kong kamay ay kinuwa yung bag nakalapag sa kama ko at agad na kami lumabas ng bahay.
"Mang Bat, take care of my Princess ah?" – habilin ni mommy kay kuya Bat yung personal driver ko.
Ako lang ang pinagdidrive niya nagagalit kase ako pag hinahatid niya si kuya at ate. Alam naman natin pag nagbibinata at nagdadalaga maraming arte sa katawan kaya inis na inis ako.
Ako palaging nag Aadjust sa kanila kaya humiling ako kay daddy na sa ibang driver at kotse na lang sila kuya at ate syempre bunso kaya pumayag, simula noon si Kuya Bat na ang nakakaalam kung saan palagi ako pumupunta kase palagi siyang kasama ko. Mabait si kuya Bat kahit Forty-five na ang edad niya mabait at loyal yan sa pamilya ko, dahil malaki rin naitulong ng pamilya ko sa pamilya ni kuya Bat simula ng mag asawa ito ang pamilya ko ang nag bibigay ng pera sa pamilya niya.
"Opo madame iingatan ko palagi ang princess nyo dahil isa siya sa pinakamahalaga sa bahay na ito. " – magalang na wika ni kuya Bat.
"Sige po Mommy aalis na po kami bye po!" – wika ko at hinalikan siya sa pisngi at agad na ako tumakbo sa loob ng kotse .
"Kuya Bat, tara na po" – masayang wika ko at kinuha ang cellphone ko at tinext si badboy.
To: Badboy
Papunta na ako :).From: Badboy
Okie :,).Agad ko binulsa ang cellphone ko ng makita ko na malapit na kami sa pupuntahan ko, kanina pa ako nag hahantay pero ni anino niya hindi ko pa makita, ngayon lang nangyari ito ah. Hanggang sa may lumapit sa aking batang babae.
"Sino hinahantay mo ate?" – wika nung bata, sa tingin na mga six or seven years old na siya.
"Ah si badboy."
"Badboy? Parang ang sama naman ng lalaking yun."
"Hindi bata, Badboy ang tawag ko sa kanya kase good girl ang tawag niya sa akin."