CHAPTER 22

4.7K 94 22
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Takte gusto ko na lumabas ng hospital ang baho ng amoy dito. Lalabas na sana kami ngayon kaso biglang dumugo yung sugat sa likod ko gawa nung pinto, hindi kase ako nag iingat kaya ayun nabangga ako, galit na galit nga si Shaw sa pinto kala ko nga sa akin magagalit yun.

"Huwag mong sisihin ang pinto dahil kasalanan ng babae mo kung bakit dumugo ulit yung sugat niya." – I nis na wika ni Art.

"Bakit dudugo ba ulit yang sugat niya kung hindi maayos yang pinto na yan?" – Gigil na sabi ni Shaw.

Napatingin ako sa likod ni Shaw tuwang tuwa pa yung Nurse na yun, gwapo ba si Shaw pag nagagalit? kinikilig pa yung babaeng yun habang nagagalit si Shaw sarap patayin.

"Sayo itong hospital kaya dapat alam mo kung anong sira ng pagmamay-ari mo, puro Kelly yan kase nasa isip mo baka biglang malugi itong hospital mo dahil sa babae mo." – Inis na sabi ni Art.

"Kaya nga ginawa kitang CEO ng hospital ko dahil alam ko kaya mo itong patakbuhin kaya hindi ito malulugi."

"Yabang mo talaga." – Inis na wika ni Art.

"Matagal na." – sigaw ni Shaw.

"Sige lang mag away kayo, wala naman nanonood sa inyo, mauubusan na ako ng dugo dito mga walang hiya kayo." – inis na sabi ko sa dalawa kaya agad silang napatingin sa akin.

"Emily ayusin mo na yung higaan ni Ms. Richstone." – Art Said.

"Correction Mrs. Fletcher." – Shaw said.

"Huwag kang assuming Matthew, hindi pa kayo kasal remember?" – natatawang wika ni Art. Mukhang narealize ni Shaw na hindi talaga kami kasal kaya nanahimik na lang siya. Napataas yung kilay ko ng marealize ko rin na papalapit nung Nurse sa akin.

"Subukan mo lang hawakan ako papatayin kita." – gigil na wika ko. Napahinto yung Nurse sa paglapit sa akin ng marinig niya ang banta ko. Pati na rin si Art nagulat sa sinabi ko.

"Hoy gago ka bakit ikaw mag lilinis ng sugat ni Niwell, lumayas ka dito papuntahin mo yung babae mo dito siya maglinis nun." – Shaw said.

"Bakit? Nakita ko naman na yung likod niya? Anong masama doon kung makikita ko ulit?" – nakangising sabi ni Art.

"Fuck you! Sinabi ko sayo si Shaina ang mag-alis ng bala niya sa likod niya, tarantado ka hindi mo sinunod yung sinabi ko sayo?" – gigil ni Shaw at tinutok yung baril sa ulo ni Art, pati yung Nurse natakot rin kaya napaatras siya.

"Hey! Easy lang ibaba mo yan ayoko pang mamatay, nag jojoke lang ako naman ako, si Shaina talaga nag alis ng bala hindi ako promise." – kitang kita ko sa mata niya yung takot na baka totohanin talaga ni Shaw na barilin siya.

"Edi tawagin mo na yung babae mo. Fuck you ka nakikipag away kapa sa akin, kapag may nangyaring masama kay Niwell papatayin na talaga kita." – naiinis na sabi ni Shaw. Agad naman lumabas si Art, kaya napatingin ako doon sa Nurse.

"Wala ka rin balak lumabas? Baka naman gusto mo sayo ko itutok yan baril ng HONEY ko?" – pinag diinan ko pa yung Honey para tumatak sa isip niya na ang nilalandi niya ay may Girlfriend na, nakakainis na nakakaadwa yung babae yun. Patakbong lumabas yung Nurse kaya napatingin ako kay Shaw ang laki ng ngiti. Anong nangyari doon? Kanina lang sobrang init na ng ulo nun ah? Ba't nakangiti yan ngayon?

"Anong ningingiti mo dyan?"

"Ngayon ko lang kase ulit narinig yun." – wika niya at agad na lumapit sa akin.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now