CHAPTER 26

3.9K 83 4
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Kung kaninang madaling araw hindi ko maramdaman ang sakit ko pero ngayon hapon ramdam na ramdam kona, gusto ng isip kong tumayo pero ayaw ng katawan ko.

Kaya no choice ako kundi manood ng mga Movie na dinawload ko sa Cellphone ni Shaw noon. Ang tagal naman ng lalaki yun, nakakatakot kase dito sa Mismong bahay nila dito sa Resort, kami lang kase ni Shaw yung naiwan dito lahat ng mga tauhan nila dito sa resort ay nandoon sa reception para mag asikaso.

Ang laki-laki kase ng Bahay na ito baka nga Mansyon na ito tapos ako lang maygod nakakatakot, may kukunin daw kase si Shaw doon sa reception kaya ayun naiwan ako pero may mga konting bantay sa labas para bantayan ako.

Gusto kong tumingin sa bintana ng may narinig ako mga sasakyan, baka sila Shaw na yun.

Ang laki ng ngiti ko ng naririnig ko na yung mga lakad nila.

"Honey!" – bulalas ko ng pagkabukas niya ng pinto, yung kasabikan ko nawala ng makita ko kung sino nasa harap ko. Teka pano siya nakapasok dito? Hindi ako makasigaw dahil bigla niyang nilagyan ang packing tape ang bunganga ko at paikot pa ito sa likod ng ulo ko.

"Asan ang wheelchair? Kunin niyo na siya." – bakit iba yung boses niya? Gusto kong manlaban pero nanghihina pa talaga ako.

Kinilabutan ako ng hawakan niya ang Kwintas ko sa leeg ko, naalala ko binalik nga pala niya sa akin ito simula ng lumabas ako ng Hospital, May kinalikot siya doon kinakabahan ako dahil dumidikit ang balat ng kamay niya sa leeg ko, maya-maya natanggal niya din ito at tinapon niya ito sa kama. Nilagay nila ako sa Wheelchair at agad na pumasok sa elevator. Itong elevator pili lang ang taong pwedeng gumamit nito ang gumagamit lang nito ay yung may mga edad na tulad ng Lola't Lolo ni Shaw.

"Fuck paalis na sila doon, bilisan nyo na." – nagmamadi silang sumakay ng Van ng maisakay na nila ako.

"Tamang bilis lang tol! Baka mahalata tayo." – rinig kong sabi nung lalaki nasa passenger seat. Nakita ko kung paano dumaan sa gilid ng kotse namin ang kotse ni Shaw kitang kita ko siya dahil nakabukas ang bintana at parang titig na titig sa labas kasama niya yung magkambal.

Medyo malayo layo yung binayahe namin ng makarating kami sa isang malaking bahay. Binuhat nila ako at dinala sa Wheelchair at tinulak naman ito papasok.

Bigla niya ako inihinto sa pinaka sala, may nakita akong lalaking nakaupo sa sofa, parang kilala ko ito pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Binalingan ko ng inis ang lalaking kumuha sa akin na nakatayo sa gilid ko.

"Ano ito? Bakit mo ako kinuwa Aaron?" – inis na sabi ko, napalaki yung mata ko ng biglang lumabas si Andrea at ang karga niyang anak sa kusina at lalo lumaki yung mata ko ng makita si Aaron na kakalabas lang ng Kusina din. Ano yun dalawang Aaron? Mag kambal sila?

"I'm not Aaron. Im Aron Twin brother ni Aaron, kapatid ako ng Ex mo." – ngising wika niya.

"Don't even say that word, kumukulo yung dugo ko when I remember them." – He said angrily. Nagulat ako ng biglang nasalita yung lalaking nakaupo sa sofa. Si Aron naman natakot ata dahil napaatras siya sa kinatatayuan niya.

"Sorry! Napamahal lang ako." – hinging paumanhin ni Aaron doon sa lalaking nakaupo sa Sofa.

"Fuck! Ang sabi ko bantayan mo hindi yung mahalin mo gago!" – nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Walang nagawa si Aaron kundi kargahin ang anak niya ng umiiyak na pala.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon