CHAPTER 15

3.6K 91 4
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Nanlulumo akong nakatitig sa higaan ng katabi ko dahil nagising na naman ako ng maramdaman ko walang na akong katabi. Lagi-lagi naman ginigising niya ako pag-aalis na siya para pumasok sa trabaho niya dahil gusto niya pag kakain kami ng almusal sabay kami pero bakit ngayon?

Malungkot tuloy ang umaga ko, hindi ko kayang ganan ang pinapakita niyang ugali sa akin ngayon. Nakakainis siya, siya pa ang may ganang magalit sa aming dalawa eh siya nga may kasalanan lalo na sa pinapainom niya sa akin. Hindi na ako tanga para hindi malaman yun!

Kung hindi ko agad nalaman ipapainom at ipapainom parin niya ako ng gamot na iyon buti nga at nalaman ko ng maaga. Parang ayokong bumangon sa higaan ko natatamad talaga ako. Pwede naman na kausapin niya ako ng maayos kung ano talaga ang problema naming, hindi yung ganito ang pinapakita niya bwusit siya.

Dahil sa sama ng loob ko sa kanya hindi ako bumaba para mag almusal at mag tanghalian, nagugustom pa naman ako kaso nagtatampo ako ngayon bahala siya dyan.

Hapon na pero ayoko parin bumaba naiinis ako kay Shaw siya na nga may kasalanan siya pa may ganan magalit sa akin. Kainis! Kahapon pa ako nagtatampo pero walang epek sa kanya, ngayon tignan natin kung hindi ka magpakita sa akin ngayon.

Gabi na siya dumating kung kailan inaantok na ako tapos babangon ako na wala na siya sa tabi ko, sinong hindi maiinis at magtatampo sa lagay nayun?!

"Lady nandyaan po ba kayo sa loob?" – tanong ni Nanay Marie.

Siguro nagtataka na siya kung bakit hindi ako bumababa, dahil kahit nagtatampo ako kay Shaw at naiinis nababa pa ako para kumain.

"Opo Nanay nandito po ako, pasok po kayo bukas po yan." – Sigaw ko, kaya narinig ko na unti unti niya binubuksan ang pinto.

"Lady bakit hindi ka bumababa para mag almusal kanina? Pati tanghalian hindi ka rin kumain? May masama ba kayong nararamdaman? Tara bumaba Lady para mag merienda ka muna alam ko gutom na gutom kana." – wika niya.

"Wala po akong gana kumain Nanay, sige po matutulog ulit ako pakilock na lang po ng pinto pag lumabas po kayo."

"Jusko kang bata ka, wala ka naman sakit pero ayaw mong kumain, baka may mangyari sayo dahil ayaw mong kumain. Matawagan nga si Master Matthew dahil kanina kapang walang kain." – wika niya at lumabas na siya.

Hahabulin ko sana siya para pigilan na tawagan si Shaw kaso huli na pero pupunta ba siya pag sinabi ni Nanay?

Gabi na pero ayoko parin bumangon para kumain. Pati nga rin si Shaw hindi parin nauwi ngayon lang nangyari ito, kesa isipin ko siya kinuha ko ang laptop ni Shaw sa damitan namin at binuksan.

Gusto ko mag facebook para naman mabawasan ang inis ko.Pagkabukas ng pagkabukas ng fb ko nagulat ako ng walang ka message message at friend request dati naman kahit 10 minutes lang ako hindi nag online 56 agad ang Friend request ko.

Agad ko tinignan yung mga friend ko laking gulat ko ng iisang ang nasa friend ko at ang pangalan pa Wahs Wehttam Rehctelf.

Sa una di ko naintindihan ang pangalan ng makita ko kung ano ang profile doon ko nalaman kung sino yun.

Nagulat ako sa pinost pa niya gamit Ang account niya at tinag pa ako.

"If you make a friend request on my girlfriend's account, I will find you and kill you, so don't try me."

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon