CHAPTER 03

5.9K 146 40
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Ang lambot ng kama na ito actually pang dalawang tao itong kama pero kung ikukumpara sa Kama ni Master hmm pang apat na katao lang ang laki grabe pero siya lang naman ang humihiga doon.

Pipikit na sana yung mata ko ng biglang bumukas yung pinto ng napakalakas kaya agad ako napabangon sa kama at tinignan ko kung sino ang pumasok ng walang katok lang man.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko galit na galit na halos gusto pumatay na tao ang bumungad sa akin.

"Ma-----master?"-kinakabahang wika ko.

"Mas maganda naman katawan ko kaysa sa mga nakikita mo"

"Po?"

" Nothing! I'll just give you the money you need, that's 100 thousand."- pagkasabi niya ay agad niyang hinagis sa akin ang sobre na naglalaman ng isang daang libo.

"Sa----salamat po Mas----ter." Agad ko naman dinampot yung sobre at mga pera na nagsilabasan ng hihagis niya sa akin bigla ang sobre, pwede naman kase iabot ng maayos babayaran naman ito. Nakayuko parin ako ng bigla siyang umalis sa kwarto ko at walang ano-ano bigla nyang binagsak ang pinto ng sobrang lakas.

"Aiss kung di lang kita kailangan di ko na ito tatanggapin."- Inis na tinignan ko ang pinto sa sobrang galit ko sa kanya, pinagpupulot ko na ang mga sobrang pera na nakakalat sa sahig, bwusit talagang lalaki yun mamatay na siya sana!

"Miss na miss na kita Aaron pati narin ikaw Andrea five months lang naman ako dito mababayaran ko na ang utang ko kay master. Aaron mahal na mahal kita please lumaban ka lang sa sakit mo lahat tatanggapin ko ang ugali ni Master para mabayaran ang inutang ko sa kanya mahal na mahal kita Aaron."-bulong ko habang nagpupulot ng pera at agad kong pinunasan ang luha sa mata ko ng bigla itong tumulo, hindi ko alam kung bakit ko ito mga nararanasan dahil gusto ko lang naman ng tahimik na buhay at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw yun na lang naman ang hiling ko simula ng magkaisip ako pero bakit ganun? Hindi maibigay bigay ang mga gusto ko? Kukunin ko na sana ang huling isang libo ng biglang bumukas ng napakalakas ang pinto.

"Remember my ru--FUCK WHAT ARE YOU DOING HERE?"

"Pinu-----pulot po yu---yung pera ng tina----pon mo po Ma-----master." Langhiya talaga, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa kanya.

"Stand up!" - magkasabi nya kaya agad agad ako tumayo at yumuko.

"A----ano po ka----kailangan nyo ma---ster." – hindi ko talaga maintindihan kung anong pumapasok sa utak nito pa iba iba kase Ays.

"Ganyan ba kayo? Pagkinakausap ako kinakabahan kayo?"- Seryosong tanong niya na kinalakas ng tibok ng puso ko, Bakit siya pa nagtanong sa akin ng ganyan tanong? Kakapasok ko palang dito kaya ganan ang pakikitungo ko sa kanya pero hindi ko naman alam na lahat din ng katulong dito ganan din ang nararamdaman nila.

"Opo Master." – matapang na sabi ko dahil sure ako na nakapag nagtanong ito sa ibang maid dito hindi siya nito sasagutin dahil nga malaki ang utang nila sa kanila at ayaw nila itong magalit ng husto sa kanila at baka tanggalin nila ito.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at alam ko sinusuri niya kung nagsasabi ba ako ng totoo, jusko kahit hindi ko naman sabihin halata naman. Matalino naman siya kaya malalaman na agad, kung hindi naman niya halata TANGA na siya period!

"Ok! Sasabihin ko lang sayo yung rule#5." - may pagbabantang sabi niya.

"Opo! Maaga po ako magigising saktong 8:00 gising na po." - pagkasabi ng pagkasabi ko ay agad siya lumabas pero yung pag sarado ng pinto ay dahan dahan na.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now