CHAPTER 20

5.5K 104 28
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Limang araw na kami sa bago naming pinagtataguan. Buti na lang ay may mga tira pa kaming bigas at ang mga ready to eat na ulam kaya hindi muna kailangan nila Lotay at Lanay na lumabas pa ng mansyon.

"Mga Apo hindi kami makalabas may nag babantay pa doon sa Mansyon na iyon mga tauhan ng mga Fletcher." – Lotay.

"Baka naman po may iba pang labasan dito bukod po doon Lotay?" – tanong ni Aaron, tama siya kailangan namin mag hanap ng bagong labasan lalo na ubos na ang gatas ni Baby Adrian.

"Hindi ko lang alam, o siya samahan mo na lang ako mag ikot-ikot para hanapin kung may labasan dito bukod doon sa pinasukan natin." – Lotay said. Sana nama'y may makita kaming labasan dito.

"Nica saan ka pupunta?" – napatingin ako kay Thea sa tanong niya.

"Magpapahangin lang naman." She said.

"Wag kang lalayo ah? Baka maligaw ka hindi pa naman natin alam ang pasikot sikot dito." – nag aalalang sabi ni Thea, ang bait talaga niyang kaibigan.

"Huwag kang mag alala hindi ako lalayo!" – ngiting wika ni Nica.

"Nag aalala lang kase ako mag gagabi na lalo na't buntis ka." – Thea said.

"I know Thea, sige na maya maya nandito na ako." – Nica said then lumabas na ng bahay. Back to normal maglilinis naman sa loob ng Mansyon.

"Tara kwentuhan tayo nakakaboring dito." – Jennelyn said.

"About naman saan?" – Thea said.

"Sa mga buhay natin." – si Erika yun sumagot.

"O sige sige." – nakangiting wika ni Thea.

"Umpisahan natin kay Kelly." – Hazel said habang nakatingin sa akin.

"Saan ka nakilala ni Matthew?" – tanong ni Jennelyn.

"Sa Park! Doon sa harap ng dati naming bahay." – sagot ko.

"Saan ka nag tago simula ng mamatay ang Family mo?" – tanong ni Hazel.

"Sa abogado namin, I mean sa ibang bansa nakatira yung pamilya niya at doon ako itinago."

"Okay next! Thea ikaw ba yung babaeng nag titinda ng Fishball sa tapat ng School ng Fletcher?" – Jennelyn.

"Oo ehh." – nahihiyang sagot ni Thea.

"Sorry nga pala dahil sa amin kaya ka nasaktan noon, kasali kase kami nung nag pustahan ang mag pipinsan." – napayuko si Erika, siguro nahihiya siya ngayon kay Thea kung ako nasa kalagayan niya mahihiya din talaga ako.

"It's ok! Alam ko naman nadamay lang kayo sa pagiging demonyo nila kaya huwag na kayong mahiya sa akin, ok lang talaga ako." – Thea said.

"Ok! Ako naman! Tanong na kayo." – Excited na sabi ni Jennelyn.

"Virgin kapa?" – Napalaki yung mata ko sa tanong ni Hazel pati si Jennelyn hindi niya akalain ganon rin ang tanong ni Hazel.

"Grabeng tanong naman yan." – palingon lingon si Jennelyn para masiguro na kami lang talaga dito at walang nakarinig sa tanong ni Hazel.

"Sagutin mo na lang!" – Hazel.

"Hindi na." – napaiwas ng tingin si Jennelyn ng makitang nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Weh? Seryoso? Kailan pa?" – Erika.

"Nakakahiya kayo may inosente kaya dito." – natatawang sabi ni Jennelyn. Ako yata yung sinasabihan niyang inosente ah.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now