CHAPTER 05

5.4K 134 32
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Ilang linggo na lang matatapos ko na talaga yung contrata ko dito ang bilis lumipas ang araw pero ganon parin ang ugali ni Master hindi parin nagbabago.

"Monica naman please date naman tayo." - pagmamakaawang wika ni Sr. Allan.

"Mr. President madami po akong ginagawa kaya kung pwede umalis ka po sa harapan ko." - gigil na gigil na wika ni Nica kay President.

"Tss." - Bigla na lang umalis si Sr. Allan

"Ihh may nakapansin na sa kagandahan mo Nica."

"Ewan ko sayo Lady."-inis na wika nya at umalis sa harapan ko.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula yung namamagitan sa kanila pero sure ako sa nakikita ko mahal na mahal ni President Allan si Nica at itong babaitang naman nito pakipot pa.

Sobrang nakakaboring dito tatlong araw na di umuuwi si Master pati rin si Sr. Clark kaya walang galit na boses ang naririnig naming sa loob ng mansyon kaya masayang masaya ang mga maid dito at minsan pati na ako HAHHAHA.

Dahil sa nakakaboring at walang sumisigaw at pinapagalitan ako kaya gusto ko na talaga pati narin si Thea na gumala at makalabas ng mansion kaso ang walang hiyang Master at Clark na yun wala nga sila may pinabantay naman sila dito sa mansion kala mo naman tatakasan siya ng mga maid niya, maraming lalaking na nakaitim ang damit na pumapalibot sa buong mansyon tapos may hawak na malalaking baril ang masama di kami pinapalabas.

"Nandyan parin ba sila?" - tanong ni Thea at tumabi sa akin sa sofa.

"Yup! Gusto ko lumabas pero ayaw tayo palabasin." - inis na wika ko, kung minsan kapag pumupunta si President Allan dito at may mga dala rin siyang bodyguard doon kami nakakatakas na gumala dahil mga busy sila makipag kwentuhan na kala mo isang dekada na hindi nagkikita at ang daming ikwe-kwento kaso dahil sa isang beses na yun muntik na sila bugbugin ni President Allan at kitang kita ko yun dahil tinakasan kase siya ni Nica at sumama sa amin ni Thea. Si Clark naman galit na galit din kay Thea habang ako nung araw na yun nanginginig rin sa takot dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Master sa kamay ko habang masamang nakatingin sa mga bodyguard na nung araw na yun mga nakaluhod sa tatlong Fletcher.

"Anong gagawin natin dito tumunganga, ayaw naman tayo pakilusin ng mga maid dito kainis talaga." - inis na inis na wika ni Thea. Oo nga pala yung kwarto ni Master kailangan ko linisin.

"Dyan ka muna lilinisin ko ang kwarto ni Master." - wika ko at tumakbo papunta sa kwarto ni Master.

Ang ganda talaga nitong kwarto na ito, hindi talaga ako magsasawang pagmasdan kahit araw araw ko itong nakikita. Agad ko naman nilinisan kahit mga kasuluksulukan ng kwarto na ito tapos natupi ko yung mga damit ni Master.

Ibabalik ko na sana yun mga damit na tinupi ko na may nahulog kaya agad ko itong kinuwa hmmm mask lang pala. Tinignan ko kung anong tatak yun.

Shawell Corporation?
mask?

Bakit parang pamilyar yun mask na ang tatak ay Shawell Corporation.

Teka nga parang nakita ko na ito. Agad ako pumasok sa kwarto ko at nagkalkal ng mga gamit ko at may nakita akong kahon na maliit. Agad ko ito binuksan at kinuwa yung mask na noon nakuwa ko yung pumasok ako sa kwarto nila mommy at daddy Nung araw na pinatay yung buong pamilya ko.

Shawell Corporation?

Sabi ni Master sikat na sikat yun Shawell Corporation. Baka nagkataon lang na bumili si Master na itong mask na ito.

Kaya bumalik na lang ako sa kwarto ni Master para ituloy ang paglilinis ng kwarto nya. Nang matapos kona linisan lahat ay nakita ko yung kama nya na kulay skyblue kaya humiga ako at pinikit ko yung mata ko at unti unti nilamon ng dilim dahil ata sa pagod kakalinis ng kwarto ni Master.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now