CHAPTER 17

3.7K 99 2
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Naalimpungatan ako ng may nararamdaman akong humahalik sa leeg, mukha ni Shaw ang bumungad sa akin ng makita ko siyang seryosong humahalik sa leeg ko habang nakatingin sa akin.

Sure na sure na talaga siya na magigising ako at yun ang maabutan kong senaryo kaya nakatingin siya sa akin kanina, panigurado.

"Honey are you hungry?" – malambing na tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil bigla kong naalala kung sino at ano siya.

"Si Kenny? Gusto ko siya makita." – wika ko sa kanya.

"Soon Honey." – wika niya at bigla ako niyakap kahit nakaupo kaming dalawa sa kama.

Dahil sa inis ko agad ko siyang tinulak at tumayo sa gilid ng kama at sinamaan siya ng tingin dahil sa pinapakita niyang kilos sa akin kahit alam ko na ang totoong nangyari at kung sino ba talaga siya.

"Shaw, Let's break up." – galit na wika ko.

"Wlang hiwalayan mangyayari." – seryosong siyang nakatingin sa akin kahit nakaupo lang siya sa higaan at ako naman nakatayo.

"Shaw naman ang laki ng kasalanan mo sa akin, ito lang hinihingi ko sayo para mapatawad kita. Kaya please pumayag kana man oh!" – Pag susumamo ko.

"Hindi ko kailangan ng pagpapatawad mo, pag sinabi kong walang hiwalayang mangyayari wala! Kaya dito kalang hanggang sa Ikasal at mag karoon tayo ng Pamilya."

"Nahihibang kana ba? Putang ina naman Shaw, gusto kitang sakalin sa sobrang gigil ko sayo."

"Sasaktan mo ako? Ok lang sa akin basta mawala yang sakit na nararamdaman mo, pero ito ang tandan mo walang hiwalayang mangyayari."

"Tang ina mo sagad." – gigil na sabi ko at napaupo na lang sa sobrang inis sa kanya.

"Tumayo na ka dyan at kakain na."

"Ayokong kumain hangga't di ko kasama ang pinsan ko."

"Kumain kana please naman oh? Nag mamakaawa na nga ako."

Di ko siya pinansin at binaling ko na lang yung tingin ko sa bintana. Kamusta na kaya si Kenny? Miss ko na siya. Siya na lang yung nag iisang kadugo ko tapos hindi ko pa kasama, tapos kasama ko pa yung pumatay sa angkan ko tang ina lang. Gusto ng puso ko magalit pero sinasabi ng isip ko yung sinabi ni mommy bago siya mamatay.

"O sige ihahatid ko na lang dito ang pagkain natin, dito na lang tayo kumain ah?" – hindi ko parin siya sinasagot.

"Tss."

Napatingin na lang ako sa may pinto ng narinig kong bumukas at sumarado.

Agad ako tumayo at hinila yung nilalagyan ng lamp medyo mabigat ito kaya keri ko naman. Marami pa akong nilagay at kapag binuksan itong pinto hindi kayang itulak.

Agad ako pumunta sa kabinet ng may nakita akong makakapal at mahahabang kumot kaya agad ko ito kinuha at pinag tatagpi tagpi hanggang sa humaba.

"Siguro naman kaya ako nito, mapayat naman ako." – bulong ko sa sarili ko, nang maayos ko na lahat biglang may tumutulak sa pinto kaya napatingin ako doon.

"Shit Niwell buksan mo ito." – nanggigil na sigaw niya "Kayo tulungan nyo ako dito."

"Yes, Master."

Shit shit shitt. Ayokong mahuli niya ulit ako. Agad agad kong hinihagis ang kumot sa bintana.

Pero yun na lang ang pang hihinayang ko ng maraming bodyguard ni Shaw ang nag hihintay sa akin sa baba. Nanlulumo ako sa nangyayari gusto ko ng mamatay.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon