CHAPTER 28

3.8K 75 1
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Ilang araw na lang ikakasal na ako kay Chester, pero ilang araw na din na hindi ko nakikita si Chester. Sabi sa akin ni Aaron ganon daw talaga dahil ikakasal na ako pamahiin daw yun kapag ikakasal na daw hindi nagkikita hanggang sa maikasal kami. Ang dami nilang alam.

Agad akong pumabas ng biglang tumunog ang tiyan ko, sign na nagugutom na talaga ako.

"Haba ng tulog mo ah?"

"Puyat ako ka gabi!" – pero ang totoo umiyak lang talaga ako.

"Umiiyak kaba tuwing gabi?" – napatingin ako kay Andrea na nakatingin pala sa akin.

"Hindi ah! Pano mo naman nasabi?"

"Huwag mo nga ako lokohin! May ebidensiya ako hawakan mo mata mo madaming muta, sabi sa akin ng kaibigan ko kaya daw tayo nagkakaroon ng muta sa mata dahil napapaluha daw tayo tuwing gabi kaso ang problema sayo masyadong marami yang muta mo, siguro umiiyak ka tuwing gabi at natutulugan mo ito." – napaiwas ako ng tingin ng makita ko seryoso talaga siya.

Totoo nga lagi naman ako umiiyak tuwing gabi dahil hindi na ako sanay na matulog na hindi katabi si Shaw masyado niya ako sinanay na katabi siya, tapos si Kenny din siguradong galit nanaman sa akin iyon.

"Ang dami mong alam!"

"Ok lang yan, ganyan din ako nung araw na naging kayo ni Aaron lagi akong umiiyak tuwing gabi."

"Dapat pala noon pa lang sinabi mo na sa akin na mahal mo si Aaron edi sana pinaraya ko na siya sayo, alam mo naman kung gaano ka kaimportante sa akin."

"Wala eh, ikaw yung mahal niya."

"Mahal mo na ba siya yung araw na nakipag kilala siya sa akin?"

"Hindi! Mahal ko na siya simula ng makita kong sinusundan ka niya." – napatingin ako sa mata niya ng sabihin niya iyon.

"What do you mean? Na alam mo na iniistalk ako nun, hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"Aba! Hindi ko naman kase alam na trabaho lang pala niya yung araw na iyon. Ang alam ko kaya ka sinusundan dahil gusto ka niya, sinabi ko sa sarili ko deserve mo yung taong ganun kaya mas pinili ko na lang kalimutan siya. Pero hindi akalain na magiging kayo kala ko hanggang tingin lang siya."

"Grabe pala yung nararamdaman mo sa unggoy iyon."

"Oo nga pala bakit unggoy tawag mo doon?"

"Mukha kase siyang unggoy hahahah."

"Hindi naman ah! Ang gwapo nga niya eh."

"May itchura nga yung unggoy na iyon, pero pang asar ko lang talaga sa kanya yun, nangangasar din kase siya, eh Bakit ikaw tinawag mo rin siyang unggoy?"

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedWhere stories live. Discover now