CHAPTER 16: Dinner w/ Dela cruz

1.3K 11 0
                                    


AUTHOR'S NOTE: Sorry po kung ngayon na lang ulit ako naka pag update dahil nag loko yung phone ko kaya sa laptop nalang po ako gagawa sa susunod HEHE

_____________________________________________________________________________'

Mandy's POV

Nung makarating kami sa bahay ay nakahain na ang mga pagkain sa table pero wala pa doon si dad. Ang 3b's at si Nicole lang ang nakaupo

"Nay, nakauwi na po kami" tawag pansin ni Nica sa 3b's

"Mabuti naman" sabi ni Nanny Barbara "Hali na, kumain na kayo" yaya sa amin ni Nanny Barbara

"Magpapalit muna ho ako ng damit" paalam ko at pumanik na sa taas

Naalala ko na naman si Maxine. Ayos lang kaya siya? Kumain na ba siya? Mahal nya pa ba ako?

Nag palit na ako ng damit at bumaba na ulit. Pag baba ko ay nakita ko si dad na nakangiti

"Hi dad" tawag pansin ko kay dad

"Son.." lumapit sa akin si dad "Mag didinner kayo nila Alexa, right?" pagpapaalala sa akin ni dad

"Ahh ehh opo d-dad" alanganin na sagot ko

"Mabuti't pumayag ka. Halina kumain na tayo" yaya sa akin ni dad at sabay kaming umupo sa table

Kumain kami ni dad at nung matapos na akong kumain ay nag paalam na ako na papanik sa taas para mag linis. Pag panik ko sa taas ay nahiga ako at nag pahinga

"Son" nagising ako sa tawag ni dad. Bumangon ako at tumingin sa relo

5:35pm?

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si dad. Nagulat ako nung may dala syang damit pang pormal na nakasabit sa kamay nya

"Son, eto ang sosuotin mo" nilapit nya sa akin ang damit "Hindi ka pa ayos" gulat na sambit nya nung tignan nya ang kabuoan mo

"Dad sorry, nakatulog po kasi ako eh" napakamot ako sa ulo dahil sa pagkahiya

"Oo na. Magbihis kana't dalian mo dahil anong oras na malelate kapa sa dinner kasama nila" sabi ni dad at inabot sa akin ang damit at umalis na den

Sinara ko ang pinto at dumeretso sa bathroom para maligo at magbihis. Saktong sakto sa akin yung damit. Oo, sakto. Hindi maluwag, hindi den masikip

Binabagalan ko ang kilos ko para malate. Hehe

Nung matapos na ako mag ayos ay bumaba na ako para umalis na

"Dad, saan daw po kami mag didinner?" tanong ko kay dad nung makita ko sya sa sala

"Ang gwapo naman ni baby Mandy" namamanghang pag pupuri sa akin ni Nanny Baby

Kinindatan ko lang siya bilang pasasalamat

"Sa Hawin Restaurant, son" sabi naman ni dad

[HAWIN RESTAURANT- GAWA GAWA KO LANG PO YAN HEHE]

"Saan po yon dad?" tanong ko kay dad dahil hindi ko alam kung saan yung Hawin Restaurant na sinasabi nya

"Sige na nga't ako na ang mag dadrive sayo papuntang Hawin" sabi ni dad at kinuha ang susi nya "3b's kayo na muna ang bahala dito sa bahay. Aalis muna kami, maliwanag?" bilin ni dad sa 3b's

"Yes sir" sabi naman nung 3b's

Lumabas na kami ni dad at sumakay na sa car nya. Nakangiti siya habang nag dadrive

Huminto siya sa tapat ng isang malaking resto

"Nandito na ba tayo dad?" tanong ko kay dad nung huminto sya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now