CHAPTER 28: Nicole's Birhday

434 7 0
                                    

Mandy's POV

Napagusapan namin ni dad na pag kakain daw namin ng tanghalian ay libangin ko muna si Nicole sa mall para sa surpresa sa kanya, kaya naman ngayong hapon ng sabado ay nandito kami sa palaruan. Nag lalaro si Nicole sa carousel habang kaming dalawa ng nanay nya ay nakatayo at hinihintay siya

"Ang saya!" sambit ni Nicole nung makababa na siya at bumalik sa amin "Nay, uwi na tayo"

"Mag lalaro ka pa, anak. Isa pa, kakadating lang natin dito, uuwi ka na agad?"

"Naeexcite na ako, nay"

"Gusto mo na bang kumain?" tanong ko sa kanya

"Opo, kuya Mandy, eh" nakayukong aniya, kaya naman natawa ako

"Sige. Tara po sa greenwich" bumaling naman ako ng tingin kay B2. Tumango lang siya bilang sagot, kaya naman pumunta kami sa elevator para tumungo sa food court. Nang marating namin ang kainan ay pinaupo ko na sila Nanny at Nicole

"Ako na po mag oorder" suhestyon ko at umalis na ren. Gusto ko kumain ng pizza, kaya naman ang inorder ko ay yung may pizza na, may chicken at rice na at meron pang drink. Nakakagutom mag ikot ikot dito sa mall. Kanina pa kami dito nag lilibot

Malapit na ako sa counter nang mag ring yung phone ko

Nica calling...

"Hello--" hindi ako natapos nang may makabangga sa akin mula sa likod ko

"Aray!" asik nya, kaya naman liningon ko yung likuran. Naka upo siya sa sahig. Babae siya, maikli ang buhok at kamukha nya yung kumakanta doon sa bar na situnadong babae

"Are you okay?" umupo den ako para salubungin yung tingin nya pero bigla siyang tumawa

"Stupid! Are you expecting that I am okay?" mataray na ani nya at tumayo para layuan ako. Hindi pa siya nakakaalis ay hinawakan ko na agad yung pulsuhan nya para pigilan siya

"Are you the girl that singing at the B.E.T.C bar?" tanong ko rito

"I'm not that cheap, so don't you dare think that I'll go there" sambit nya at binawi ang kamay nya sa akin para lumayo muli pero hindi pa siya nakakaalis ay may lalakeng lumapit sa amin. Hindi ko makita yung mukha nya. Naka hood at shades na black kasi ang suot nya

"Are you okay, babe?" tanong nya roon sa babaeng nakabangga sa akin. Mag girlfriend at mag boyfriend sila. Malamang, kaya nga tinawag siya nung lalake na babe eh. Stupid ko talaga

"How can I be okay? This peste makes me fall at the floor" sambit nya at biglang liningon ako

"How dare you--" sasapakin na sana ako nung lalake pero nung makita nya yung mukha ko, bigla siyang napaurong "Babe, let's go" anyaya nya at hinila yung babae paalis

Anong problema non? Napa urong kaya yon dahil sa kagwapuhan ko? Hahaha

Sinundan ko nalang sila ng tingin. Nung hindi ko na sila matanaw ay dumeretso na ako sa counter para umorder. Naibigay na den namin sa akin agad, kaya naman bumalik na ako sa table namin

"Sorry" nakangiting paumanhin ko nung makabalik ako

"Yehey!" akala ko malulungkot si Nicole, yung pala sasaya pa siya kasi may pagkain na. Natawa na lang kaming dalawa ni Nanny sa inasal nya. Masaya kaming kumain at nung matapos na kami ay nag ring na naman yung phone ko. Nakita kong si Nica 'to, kaya naman nag paalam muna ako na mag rerestroom

Nica calling...

"Hello?" tugon ko rito

"Hindi pa ba kayo uuwi? Narito na yung mga bisita ni Nicole"

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now