Chapter 43: Truth

360 20 25
                                    

Mandy's POV

-6 Months Later-

It is been six months since I and Maxine's mother last meeting.

And the whole six months for my so called success

Alexa and I still working with each other. We helped each other this past months, even now

Sinubukan ko lahat nang makakaya ko para lang maiwasan si Chloe pero parang malas talaga ako dahil siya pa ang naging endorser nang mga products namin, kaya naman araw-araw din kaming nag kikita

Habang lumilipas ang anim na buwan ay ang unti-unting pag babago nang ugali ni dad. Bumait siya nang kaunti kumpara sa kahapon. Minsan na lang kung awayin nya si mom. Hindi ko alam pero simula nung makilala nya si Chloe ay nag simula na siyang mag-bago

Dahil nga endorser na nang office namin si Chloe, lagi ko na siyang sinasamahan sa lahat nang mga galaw nya. Iyon ang utos ni dad

Lumipas ang anim na buwan, wala nang Maxine na nahanap

Pero ngayon.. Ngayon na nasa loob siya nang papuno nang malaking aquarium, nag mamakaawa para sa buhay niya

"I..lalabas kita di..yan!" sigaw ko habang kumukuha nang buwelo para mabasag ang salamin

"Wag kang umi..yak, please!" pakiusap ko sa kanya nang makitang umiiyak na siya

"Ugh!" mas nilakasan ko pa ang buwelo nang mabasag nang kaunti ang salamin "Kaunti na lang— Ugh!" hinugot ko lahat nang lakas ko nang lumagpas na sa ulo nya ang tubig

"Taas, taas!" isinenyas ko sa kanya na pumunta siya sa itaas nung aquarium para makahinga nang kaunti

"Isa na lang!" usal ko nang marinig ang pabasag nang salamin

-Ennggkk-

"Wahhh!" tili nya habang bumababa ang tubig nang kasama siya

"Nakuha na kita" usal ko nang mahuli ang braso nya dahilan nang hindi nya pag tangay "Nakuha na" nadulas ako, kaya naman napaupo kami pareho

Narinig kong humikbi siya sa itaas ko habang nakatalikod, kaya naman hinarap ko siya sa akin at niyakap nang mahigpit

"Doc, kamusta na po siya?" tanong ko nang lumabas siya galing sa kwarto kung nasaan si Maxine

"She is still—"

"Doc!" natigilan siya dahil sa babaeng papalapit sa amin "How is my daughter?"

"Tita" yumuko ako at binati siya

Napahawak ako sa pisnge ko nang maramdaman ang palad nya doon "Ikaw na naman ba ang dahilan kaya nandito ang anak ko, ha?!"

"Excuse me" paalam nung doctor at lumisan

Doc, help me! Char.

"Tell me, anong kalokohan naman ang ginawa mo ngayon, Mandy, huh?" tumitig siya sa akin at kinuyom ang palad "Naaksidente ba siya? Nasaktan? Umiyak, kaya ngayon nandyan?!" sigaw nya sabay turo doon sa kwarto ni Maxine

"Tita—"

"Shut up and be quiet!" Pasigaw na utos nya "Go home, we don't need you here" mahinahong usal nya at pabagsak na sinara ang pintuan sa kwarto ni Maxine

Napatitig ako doon at nag iisip kung anong gagawin. Nauwi na lang ako sa pag lalakad papuntang labas ng hospital at naupo kung saan kitang-kita ang kwarto ni Maxine

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now