FINAL ENDING

467 28 21
                                    

Maxine's POV

(Heto po yung time na natrap siya sa aquarium)

"Maxine, I've something to tell you.." sabi ni Xander sa kabilang linya

"What is it?"

"..meet me at this place.." may sinabi siyang lugar at agad akong nag  punta doon

Magaling na ako at malakas, dahil yon sa tulong ni Xander. Nag papasalamat ako dahil nandiyan siya para tulungan ako. Masaya ako kasi kahit papaano, may sumama sa akin

"Xander?! Xander?!" hanap ko sa kanya nang marating ko ang malaking lumang warehouse

Nag tataka ako kung bakit dito nya pa gustong sabihin sa akin ang gustong sabihin, pero dahil nga tinulungan nya ako, may utang na loob ako sa kanya

"Nasaan ka?! Xander— Ahh!" napatili ako nang may mahulog na malaking aquarium, dahilan nang pag kakulong ko doon "Tulong!" kinatok ko nang malakas ang salamin

Nanghihina na ako nang hindi na makahinga. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa kakulangan ng hangin

"X-xander, ikaw ba yan?!" tanong ko nang may maaninag na tao. Nanlalabo na kasi ang mata ko

"Hindi ko akalaing madali ka palang mauto?" sarkastikong aniya

"Anong ibig mong sabihin?" napanganga ako

"Hindi ka pa rin ba nakakatunog?" sambit nya at tumawa nang malakas

Nanghihina akong napaupo "B-baliw ka na, Xander" bulong ko pero parang nadinig nya

"Yes, I am!.." pasigaw na tugon niya "..and it is because of you" natahimik siya nang ilang minuto at muling tumawa nang malakas

Hindi ko akalaing mangyayari 'to. Mabait siya sa tuwing kasama ko siya. Masayang kasama at mapag kakatiwalaan

"Nandito naman ako, pero puro Mandy!" aniya "Anong balita kay Mandy? Kamusta na kaya si Mandy? Nasaan si Mandy? Letch*ng Mandy yan!"

"Nasaan siya noong nag papagaling ka?! Nasa ibang bansa, nakikipag landian sa iba—"

"Tama na!" awat na sigaw ko sa kanya. Dahil sa sigaw na yon, nakaramdam ako nang pag sisikip ng dibdib ko

"Sige, sumigaw ka pa! Nang lalong lumala yang sakit mo!"

"Palabasin mo'ko dito—Ahh!" sigaw ko sa kabiguan nang sinipa ko ang salamin pero hindi ito nabasag

"Napapaisip nga ako... Paano kaya kung tawagan ko si Mandy para iligtas ka, ano kayang magagawa nya?" sarkastikong muling tanong nya pero ramdam mo ang galit at lungkot nya

"Hintayin mo'kong makalabas dito!" sambit ko doon at pinag sisipa ang aquarium

"Go on, my dear. I won't stop you" aniya at umupo sa upuan "I'll invite your superhero here. I know kasi na umuwi sila dito"

Hindi ko siya pinansin at pinag patuloy ang pag sira sa salamin

"Okay. Padating na siya" tumayo siya "I guess I need to go" lumapit siya sa salamin, kaya naman nakita ko nang maayos ang mukha nya "Goodbye, I love you" aniya at humikbi

Nakita kong mapula ang kanyang mga mata at magulo ang buhok. Nakita ko den ang mga pasa at bukol sa ulo't katawan

Lumakas ang katawan ko nang may muling pumasok sa pinto at ngayon, nasisiguro kong si Mandy na yon...

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now